CHAPTER 03
HideBiglang napa-ubo ng malakas si Akon, nabilaukan ata. Gulat din akong napa-tingin kay ZL sa sinabi niya. Kinakapatid ko na 'tong lalaking 'to 'no! Inabutan niya si Akon ng tubig.
"Kadiri ka Zhio! Sisteret ko 'yan si Nowie! Lapastangan ka!" sinapok niya nang mahina si ZL sa braso na ikinatawa naman nung isa.
"Alam mo ZL, sana tinikom mo na lang 'yang bunganga mo." Sabi ko. Kita ko ang pag-soften ng reaksiyon niya. Medyo harsh naman kasi pakinggan.
"I'm sorry if I gave the wrong impression, that's not what I was trying to say." Agad niyang sabi at umiwas ng tingin.
Tumawa si Akon. "Hindi naman bigdeal pre, no worries."
"Oo! Tama! 'wag mo na isipin 'yon Zhio," medyo nagulat pa siya sa pag-gaya ko sa tawag sa kanya ni Akon. "ZL," pag-tama ko.
"You can call me both ways naman. Zhio Layer pangalan ko kaya ZL." Paliwanag niya.
Tumango ako sa kanya at ngumiti.
"Osya, bibili ako fruitea. Hindi kayo sasama?" sabay kaming umiling ni ZL. "Ayan, ganyan kayo sa'kin. Ginaganito-ganito niyo lang ako?" akto niya na nakahawak pa si dibdib.
"B-bwisitin mo lang naman ako, 'wag kana mag-inarte diyan!" sagot ko pabalik.
"Che!" inirapan niya ako at nag-lakad na palayo. Minsan hindi ko alam saan niya nakukuha attitude niya, dinaig pa ako!
"Zhio, ganyan ba ugali niyang ulukin na 'yan sa school niyo?" mahiwagang tanong ko kay ZL. Ibinababa niya ang cellphone na hawak at humarap sa'kin.
"Sometimes... pero kapag usapang acads seryoso naman siya," sagot niya.
"Parang hindi naman," ani ko. Natawa naman siya. Totoo naman kasi, kapag siya kasama ko walang araw na hindi niya napapausok ang ilong ko.
"Comfortable siya sa'yo kaya siya ganyan. Minsan ganyan din siya sa council pero hindi ganyan kakulit," saad niya.
Tumango-tango ako. Nag-make sense naman, kasi kung ako rin ayaw kong ipakita true self ko sa iba lalo na kapag hindi ko ka-close. Baka kasi hindi tugma yung personality na mailabas ko sa kakausapin ko. Mahirap na.
"Paano mo pala siya nakilala? Kaibigan mo na siya simula first semester?" sunod-sunod kong tanong.
"Apprentices kami ng University Council. Freshman kaya under training pa lang bago lumaban bilang officers next academic year." Buong sagot niya.
Batak din siguro 'tong si ZL sa acads, parehas sila ni Akon.
"Lalaban din tropa mo?" tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "I'm not sure, he said he'll think about it."
Ilang minuto rin ang nakalipas at parehas lang kami nagtitipa sa cellphone namin. Hindi ko na alam ang susunod na pag-uusapan. Ang awkward, katagal ni Akon!
Kita ko ang pag-galaw niya sa harap ko. May tinitignan siyang kung ano sa bandang likod ko pero hinahayaan ko lang siya.
"Nowie," tawag niya sa'kin. Nanibago ako kasi si Akon lang tumatawag sa'kin non. Hinarap ko siya, yung itsura niya parang natatae na kung ano. Hindi siya mapakali sa upuan. Ilang beses din siyang lumunok.
"Ano nangyari sa'yo?" concern kong tanong.
"Umm.. ano, ano- may I sit beside you?" mabilis niyang tanong at tinitigan ako, sabay lingon sa likod. "Wag kang lilingon please," he pleads.
BINABASA MO ANG
Seeking the Wellspring of Heart
RomanceNocia's life has been marked by a sense of disconnection and isolation from her family. From a young age, she was made to feel like she didn't belong and that she was a burden, despite her efforts to meet her family's expectations. This experience h...