05

17 5 0
                                    


CHAPTER 05
Voice out


Ngayon ang araw nang pag-balik nila Mommy.

Wala pa naman sila ngunit ang laki na ng kaba na dumadaloy sa sistema ko. Para akong isasalang sa korte pag-tapos kong makagawa ng krimen.

OA

Ani nila ay early dinner sila makakarating. Alas sais na at alam kong malapit na ang mga 'yon. Busy na rin sila sa baba, may nagluluto at nagaayos. Sabay-sabay kasi kaming mag-dinner ngayon.

Nakahiga ako sa aking kama habang nakatingin sa kisame. Kakatapos ko lang din maligo habang naka-suot ng t-shirt at maong short. Kakauwi ko rin kasi galing work, kaya naman ramdam ko ang pagod.

Pala-isipan pa sa'kin yung nakita ko sa ZSU last week. Buti hindi ako nakita ni ZL. Hindi ko mawari kung nag-date ba sila o ano, casual kasi silang naguusap at nagtatawanan. Crush pa naman ni Akon si Hennessy, tapos aports niya si ZL.

Issue mo Wielela!

Baka friends lang. Normal lang magkaroon ng kaibigan sa opposite sex 'no. Hindi naman bigdeal, pero naging bigdeal sa'kin kasi nga may ugnay kay Akon. Buti sana kung hindi niya kakilala yung dalawa.

Hindi ko rin kasi magawang linawin or sabihin kay Akon, bukod kasi sa it's none of my business, hindi pa kami nagbo-bonding ni bugok. Minsan nagkakamustahan pero sobrang busy niya ata, at hindi nag-aalign ang sched naming dalawa.

Biglang bumalik ang kaba ko sa katok ni Dada sa pinto. Ang tagal ko rin pa lang nagiisip ng kung ano-ano.

"We're home, dinner na." Sinilip niya lang ako sa pinto at umalis din agad. Ni hindi pa ako naka-sagot.

Inayos ko muna ang buhok ko bago bumaba. Eto na, kamatayan ko na!

Mula sa pagtatawanan ay nanahimik sila pagkababa ko. Andito rin ang boyfriend ni Ate na si Kuya Hency.

"Good evening po," bati ko sa kanila. Ni wala halos bumati sa'kin pabalik.

Hinain na ng mga helper ang mga niluto nilang pagkain. Nakayuko lang ako sa mga pinggan, hinihintay na pansinin. Nag-uusap kasi sila na parang hindi ako nage-exist. Sakit ha.

"Ano ang mga pinagkaabalahan mo habang wala kami?" tanong ni Ate, pagkatapos nilang mag-usap about business.

"I have been working at a 7-Eleven store near Delvis for the past three weeks. I applied there and was fortunately accepted." Sagot ko, nakayuko pa rin sa pagkain sa plato ko. Iniiwasan makipag-eye contact sa kanila.

"That's good. May nagawa ka ring tama," natatawang sabi ni Mommy.

Nakagat ko ang labi dahil sa pagka-hiya. Masakit, sobra. Kailangan ko na lang tanggapin na ganito na pakikitungo sa'kin, na sana ma-bago pa.

"Anong plano mo sa pasukan?" seryosong tanong ni Dada.

Gulped

Eto na.

"Magta-transfer po ako sa ZSU," halos pabulong kong sagot.

Rinig ko ang pag-singhap ni Ate, kasabay ang pag-lapag ng kubyertos ni Mommy sa plato niya nang pa-dabog. Nag-simula na akong kabahan, at man-lamig.

"Ano na naman ang pumasok sa kokote mo Nocia?!" bulyaw sa'kin ni Mommy na ikinatahimik nilang lahat. "Ikaw ang kauna-unahan na gagawa niyan sa pamilya natin, wala ka bang kahihiyan sa katawan mo?!"

Mas lalo akong napayuko. Timbog ang puso ko sa mga sinabi ni Mommy, para bang tinapakan ng elepante. Masakit, gusto ko nang umiyak.

"Baka hindi kinaya ang accountancy Mom, weakness ang mathematics," gatong na sagot ni Ate.

Seeking the Wellspring of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon