. . .
The Past
"Your past is you."
And I tell her my past.Approx. 8 months ago, February 2015
Pababa ako ng escalator dito sa mall, at ang tingin ko ay nakatuon doon sa SGN (Super Gwapong Nilalang) na bumibili ng buko shake. Super Gwapo kasi, that lean built, with his uber freakin' smile and perfect jawline. Medyo blonde haired, at nakasuot ng brown fedora, mala-Bruno Mars ang dating. Naka-red checkered polo lang siya at pumaibabaw ang isang black leather jacket with black pants and high cut shoes. And yet, he's super hot.
Nang nasa baba na ako, nakita ko agad ang superfriend kong si Krissia Lenny, Len ang gusto kong itawag sa kaniya, na may sobrang ewan at disappointed na face.
Alam kong todo hanap siya ng ka-date ngayon kasi its Feb. 14. Wala nga akong ka-date ngayon e, saklap nang life. Kaya nandito kaming dalawa sa Trinoma na mga sawi sa pag-ibig at kami ang magka-date.
"Len, anyare sa iyo? Para kang nawalan ng sangmilyon sa mukha mong 'yan?" pang-aasar ko habang hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa SGN na iyon. Bigla ba namang tumingin sa akin! Shet! Syempre iniwas ko agad ang tingin ko, baka pagkamalan niya akong–alam mo na iyon!
Pero kung alam mo 'yun hindi ako malandi, okay?
"Wala." malamig niyang sabi.
"Anong, wala? Fail na naman 'no?" Sabi ko. May ka-meet kasi siya ngayon. Lagi na lang. Hehe.
Su-sulyap-sulyap ako doon sa SGN.
"Kasi 'yung ano..."
"Ano?" pasuspense pa e. Malapit na kaya akong matawa sa pagka-hopeless niya.
"Kasi... Huwag mo akong tatawanan ha?" sabi pa niya that boost my urge to laugh, even harder.
"Kwarenta'y singko anyos na pala 'yung ka-eye ball ko! W.T.F.!"
"Ah." sabi ko na nagpipigil tumawa.
Wait, hindi ko na kaya. Hindi na. At...
Nagsuka-este natawa na ako ng malakas. Tapos na-realize kong para akong tanga kaya tinigil ko bigla. Nasa mall ka Kenne! Err... Nahiya ang ego kong bulok.
Natatawa ako dahil maganda naman si Len, chinita, medyo maliit kaysa sa akin, maputi, at maganda ang reddish hair niyang rebonded. Naka-blue fitted jeans with her simple blue blouse at siya iyong tipong, mapapalingon ka talaga. And yet ganun 'yung ka-meet niya? How hopeless can be.
Few secons after, may biglang tumawag kay Len.
"LENNY!" isinigaw pa talaga ng kwarenta'y singko anyos na lalaki ang pangalang 'Lenny' habang tumatakbo papunta sa amin. Tumingin tuloy lahat ng Lenny sa mall. Hahaha! Epic!
Asar, wala pa ako sa mundong 'to -- este wala pa akong muwang dahil hindi pa rin ako maka-get over sa mga pangyayari tapos bigla akong hinila ni Lenny para taguan iyon! WTF! Nawala na rin sa paningin ko si SGN, sayang.
Dumiretso kami sa supermarket. Tamang-tama! Mag-gogrocery ako! Para malagyan naman ang ref namin na wakang laman kundi tubig. Pssh, Hahaha.
Anlayo ng tinakbo namin para makarating dito. Buti na lang pagod na ang Senior Citizen na humahabol sa amin. Uugod-ugod na kasi. Hahaha, joke. 45 years old? Imagine? Nagpaloko naman ang Lenny na 'to? Ano crisis ang mayro'n sa Philippines?
"Len, explanation. Now!"
Asar, pinagod ako ng sobra. Naghabulan kami ng di oras.
"Kasi nung una ko siyang makatext, he got me. Ang galing niya kasing magpakilig. Then, nung tumawag siya sa 'kin, nainlove ako sa boses niya. Ang husky. Pero ngayon... Oh crap!"