G g n g L v r 1 9

24 0 0
                                    

. . .

The Family

"I'm happy with them - and somehow, that was everything."

✂- - - - - - - - -

Si Daddy lang pala.

Nakahinga kami ng maluwag saka siya nagsalita, "Ba't parang nakakita kayo ng masamang tao?" Makikita kasi sa ekspresyon namin na nagulat kami dahil sinigurado naming naka-lock 'yung pinto bago kami pumasok.

Inilipag ni Daddy - I mean, Daddy ni Liro 'yung susi sa may side table. Ngumiti siya sa harap namin at nagsalita ulit.

"Na-miss ko 'yung amoy na 'to, honey. Ang sarap mo pa rin magluto." sabay beso kay Mrs. Emy na nakatayo na.

"Darling, ako pa!" proud niyang sabi. Nakakatuwa silang tingnan. Ang sweet kasi. Para silang barnuts na tinubuan ng tao. At the same time, naku-kyutan ako kay Mrs. Emy kasi ang kulit. Parang teenager!

Ang kaso, 'pag naaalala ko 'yung nangyari sa dyip. . .napapasapo na lang ako sa ulo at pinipilit na hindi na maisip 'yun!

Utusan mo ba naman ang anak mo na buntisin ang kung sinong babae?

Desperate 'ata siya.

Ewan.

Basta ang alam ko, hindi gawain 'yon ng isang matinong Nanay. At ang isang 'to, siguradong hindi matino. Joke.

"Paano nga pala kayo nagkakilala ni Eliseo?" Hindi ako nakikinig kaya hindi ko siya nilingon. Is she referring to me?

"Ako po?" sabi ko naman.

"Hindi, 'yung katabi mo."

Nilingon ko naman 'yong left side ko - walang tao.

"Ah-ano po..."

Napahiya ako roon ah. Wala na nga pa lang tao sa left side ko kasi katabi ko si Mrs. Emy sa right side, habang tapat ko naman si Liro na katabi si Daddy.

Saka ko lang na-realize na nagkaro'n ng bonding 'yung tatlo at take note: kasama ako. Nakakahiya kasi para akong panggulo sa pamilya nila. But somehow, I'm not out of place - thus, I feel belong.

"Nasuntok ko siya," pahayag ni Liro.

"Whaaat?!"

Ang OA ni Mrs. Rogers.

"It was an accident." dugtong niya.

Patuloy kaming ngumuya at sumubo ng pagkain. Hindi pa rin makapaniwala si Mrs. Emy kaya nagsabi siyang, "Accident equals destiny," sira talaga.

Siya 'yung tipo ng Nanay na mapapangiwi ka at matatawa rin. Mas teenager pa ang dating niya kaysa sa 'kin. Nasa gitna pa ako ng pag-iisip kung bakit gan'to itong Nanay ni Liro nang magsalita si Daddy, "Sang-ayon ako sa 'yo honey."

Fudge. Mag-asawa talaga sila 'no?

"'Nay, I dont believe in destiny." Biglang sabat ni Liro na ikina - "Ows?" naman ng nanay niya.

"E, bakit sabi mo naniniwala ka sa tadhana nung nakilala mo-"

Biglang pinutol ni Liro ang sasabihin sana ng Nanay niya. "I don't want to talk about that!" Tumaas ang boses niya.

Before It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon