. . .
The Euphoric Pensiveness
"Sana maging tunay na masaya na ako."
Naglalakad ako ngayon dito sa may hallway kasama sina Len at Thali, (short for Thaliah Andrews) and we're heading our way to passed our final requirements for these school year including our finished clearances.Malapit na kasi ang recognition rites kaya halos wala na kaming klase this March kaya pa-bandying-bandying na lang kami ni Len dahil tapos na namin ang lahat requirements at hindi kami kasama sa honor students.
Eto nga e, ipapasa na nga namin ang mga ito sa adviser namin at pagkatapos no'n, swear! Magbabakasyon na kami! Woohoo! Summer na ito!Speaking of summer, sumagi na naman sa isip ko 'yung ingkwentro na nangyari sa 'kin last February sa Baguio. Argh! Napilitan tuloy akong mag-baby sit ng isang damulag na budoy na nakasuntok pa sa 'kin! Wala na talaga akong nagawa kundi ang pagbigyan ang hiling ng tatay niya dahil nakonsensya ako.
Shet na konsensya kasi 'yan e.
Buti na lang gumaling na 'yung pasa ko sa ulo dahil ginamot ni Dr. Rogers.
Ang feeling ko tuloy para akong nagkaro'n ng tatay na nakikiusap sa 'kin tapos napaka-sincere pa niya na makikita mo sa mga mata niya ang concern sa anak niya habang ginagamot ako.
Totoo, kumirot ang puso ko sa nakita ko. Oo, sobra kasi akong nangungulila sa kalong ng isang ama. Lumaki ako't nagkaisip nang wala siya e. Oo, naramdaman ko ang presensya niya nung bata pa ako, pero ang sakit pa rin nung nine years na wala siya sa piling ko.
Kasi di ba?
Mas ramdam mo 'yung sakit kapag nasa teenage years ka? Kasi doon mo mararanasan 'yung puppy love na pwedeng maging true love, 'yung first heart break, 'yung iiyak gabi-gabi, 'yung galaan all night. 'Lam mo 'yun?
Mas masarap kasi 'yung feeling na may nagagalit sa 'yo kapag nakagawa ka nang mali tulad ng pag-uwi mo ng late sa gabi, kaysa 'yung late ka na ngang umuwi sa gabi, wala ka namang madaratnan sa bahay niyo.
Kung sa iba kasi ayaw nilang napapagalitan kasi nasobrahan na siguro pero for me, I know its contradicting and ironic but 'pag mapapagalitan ako ng parents ko this time, it'll be music in my ears, syempre with the fact that 'yung galit sa 'yo ay may halong concern and love.
Ganu'n lang talaga ako e.
Gutom sa pagmamahal ng ama't ina, gusto kong maramdaman kung paano sila maging concern kaya naging pusong mamon ako't napa-oo sa pagbaby-sit kay Liro. Sabi nga din ng tatay niya, I'll do it for him not for Liro, syempre gagawin ko 'yun para sa kaniya, and for my own sake na rin para kahit papaano, he can fulfill my father's fault.
Kaya nung ako na mismo ang nagsulat ng conditions ko sa papel last chapter (dahil ang tamad ni author sobra) para ibigay kay Liro, ang una sa listahan ko ay. . .
1. Sabihin mo sa tatay mo na he have to treat me like his own daughter para naman hindi ko ma-miss ang tatay ko.
Binigay na namin ang requirements sa adviser namin at dumiretyo sa isang bench sa SM (Silong Ng Mabolo).
Biglang nagtext si Liro sa 'kin. And yup! We exchanged numbers para may connection. Mahirap na baka hindi ko pa nauumpisahan 'yung summer job ko sa tatay niya, maligaw na siya at mawala. Bata pa naman 'yun. Ehem. Isip bata.
Liro:
Anong klaseng kundisyon tong number 2?
Me: