"Kapag mahal mo, susundan mo." sabi ng nasa katabi ko.Kakaupo ko lang, umagang-umaga, first class na first class at nandito si ma'am, ganyan ang maririnig ko? Hindi ko alam kung ako ba pinaparinigan niya dahil nakita ko siyang nagsusulat.
After a few minutes, "Kapag mahal mo, susundan mo." And she said it again. Takte ah.
Hindi na ako masyadong tulala. After 2 weeks, my mind enlightened up a bit. Siguro naisip kong it's the season to be happy—it's December already.
It is the right time. Tama na ang sakit. Tama na ang napakasakit na emosyong may mababaw na dahilan. Tama na ang super daming ENGLISH na LITANYA. AWAT NA.
Pero hindi ibig sabihin na susuko na ako di ba?
Kenne, ewan ko sa 'yo.
"Kapag mahal mo, susundan mo." sabi ulit ng nasa tabi ko. Though sabi kong awat na, hindi ibig sabihin na nawala na ang sakit. Tumigil lang ako ng saglit, kaya wala pa rin ang gana kong magsalita. But this girl beside me is forcing me to speak. "Excuse me, sino kausap mo?" Kinalabit ko siya dahil nagsusulat siya.
"Ikaw. " she just said simply.
I never mind and look around. Nakita kong kaunti lang ang pumasok. Maraming vaccant seats e.
Finally, dumating din si ma'am. Late siya ng 25 minutes. Ang aga talaga nitong prof na 'to. Lecheng buhay 'to. Hindi tumigil ang babae na magsalita. Inulit ulit niya ang sinabi niya kanina. Bakit parang andami niyang alam sa nangyayari sa buhay ko at parang alam niya talaga ang dapat sabihin? At ako walang alam? Pssh, Unfair.
Nairita ako kaya lumipat ako ng ibang upuan tabi kay Alwin. Buti na lang at walang pakialam ang teacher.
"Anong karapatan mong mag-move on kung wala naman talagang dapat pag-move-on-an?" Sabi ni Alwin habang nakatingin at nakikinig sa teacher.
BOOM! Takte. Pinagkakaisahan ba nila ako?
Tulad ng kanina, inulit-ulit niya 'yun hangang sa mairita ako at umalis at lumipat ng ibang upuan. Katabi ko naman ngayon ang napaka-cute at chubby in the class na si Justi.
"Manhid ka ba o nahihiya ka lang?" Sabi ni Justi habang kumakain.
What the heck. Pati ba naman siya?
Pinaglalaruan ata nila ako. Lumipat ako sa tabi ni Joy—s'ya 'yung laging binubully. Tahimik lang ito kaya hindi ka maririndi sa kan—
"Sabihin mo na lang sa mukha niya kung may pag-asa siya o wala." Joy said.
This is the last time I'm gonna take another seat. Kapag nagsalita ulit 'tong katabi ko. I'm gona die for sure—Joke. Pero itong nakatabi ko ay isang daldalita. Sheeet.
"Gagawin mo ang lahat kapag mahal mo." She said and look at me.
Daef?
Again. Lumipat na lang ulit ako ng upuan. Particularly, sa likod dahil walang nakaupo. And I think that was a wrong move. . .
"Ms. Salcedo!" LAGOT. Pero kanina pa ako palipat-lipat hindi niya ako napapansin tapos ngayong nakaupo na ako sa likod saka niya ako papansinin?
Bumukas ang pinto at nakita ko siya. . .
Him.
It was really a wrong move. Dahil sa likod ang upuan niya. Aaaaahhhhh!!!!
Panic RADAR: ON.
But wait, si ma'am, yes si ma'am. Anong gagawin ko? Palamon na lang kaya ako sa lupa?
Huwag Kenne, hindi ka masarap.
—Tse!!!
Pero ugh. Takte. Akala ko Okay na. Akala ko ayos na. Akala ko wala ng aberya. But, AKALA ko lang 'yun.
What to do... What to do... What to do?
So he sat beside me. We looked at each others eyes about a half second but I looked away. Walang nakakatagal sa titig. Parang kapag nagkatitigan kmmi ng matagal, any moment, we could possibly. . .die.
Irritating. He's beside me. Even a half look on my left, I could see him on my pheripheral side view.
BACK TO REALITY.
"Miss Salcedo!!! Huwag mong pigilan ang sarili mong sumaya." The teacher said and as if it was really meant, the bell rang.
"Okay, class dismiss."
Iniwan niya akong tulala. Iniwan nila akong tulala.
Nang umalis ang teacher, nagsi-alisan na silang lahat liban sa kanya.
Sa katabi ko.
Pagkalingon ko sa kanya. Tinitigan niya ako. Iyon na siguro ang pinakamatagal na titig niya sa akin at titig ko sa kanya mula ng nawala ang koneksyon naming dalawa. Siguro mga 3 seconds.
Parang nag-slow motion ang lahat. Parang nag-blur ang buong paligid at siya lang nakikita ko. But as the moment ended, he looked away (I also looked away and turned my face to the blackboard.) He grab his bag, get out of the room and closed the door.
Naiwan ako mag-isa. I thought something na papasok siya, magbe-bell na at diretsyo na ang vaccant periods, at nagawa ko pang tumawa. Kenne, sira ka talaga. But when I realized something, bigla na lang tumulo ang luha ko.
Tears of joy? Nah—it's sorrow.
Habang nagsi-sink-in pa lang sa 'kin ang mga sinabi ng mga etchapwera kong seatmates at ng etchusera kong guro, nakatulala lang akong nakatingin sa kawalan sa may bintana.
Bigla na ang akong napahagul-gol at umiyak na parang bata.
-
AN: wala.