Kinakabahan ang lahat.After a hell week of examinations, ngayon ibibigay ang results sa lahat ng subjects for the mid terms exams. Aligaga ang lahat, di mapakali, at halatang nag-eexpect na makapasa.
As for me, I'm just chilling out.
Mayabang. Well, hindi naman ako sobrang matalino pero marunong din naman ako mag-aral at magbasa kahit papaano. Kailangan, e.
Umuwi ako sa boarding house ng nakangiti. I got 2/3s of my exams with high rating. Yung ibang subject mahirap talaga, pero kinakaya naman. That's college life for you.
Dumiretso ako sa pinakamalapit na ATM at nagwithdraw ng pera para sa allowance ko for next week. It's Sarurday after all. Tinext ko si Mama after magwithdraw.
Pagdating ko sa boarding, naamoy ko agad ang masarap na niluluto ni Loren, boardmate ko.
"Ren, ano yan?"
"Sinigang, bestie." tugon niya habang nakatutok sa pagluluto.
"Mukhang pasado lahat ng exams natin ahh." sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko sa study table.
"Syempre. Dami ko na-sacrifice dahil dun ahh." tugon niya, habang hinuhugasan ang mga pinggan. "Isang linggo kaya akong di nanood ng K-drama."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Seryoso?"
"Oo nga."
For I know, si Loren ang pinaka-addict sa K-drama na kaibigan ko. Walang pinapalagpas yan.
"Ikaw kamusta ka?" tanong niya. Di ko namalayan, lumapit pala siya sa akin dito sa may sofa.
"Okay naman exams ko. Kuntento na ako dun." sagot ko, habang hawak ang remote at naghahanap ng maaring panoorin bukod sa K-drama.
"I mean, ikaw—"
Napalingon ako sa kaniya.
"—yung puso mo."
At napakunot ang noo ko.
"Tigilan mo nga 'ko." sagot ko. "Ayoko ng pag-usapan 'yun."
"May nagsabi sa akin, nakita daw siya sa kabilang bayan. Gusto mo—"
"No." I firmly said. "Matutulog na ako."
"Pero, yung sinigang—"
"Busog pa ako." sabat ko agad.
I don't want to be rude to her. She's been with me ever since. It's just that, I don't want to inflict more pain again. Besides, I have already done everything I could just to find him.
Him, who broke my heart. Him, who left me without saying a word. Him, who ghosted me.
I did everything. I searched him anywhere. I did a lot of ways just to find him.
Pati nga tsismis pinatulan ko na.
I even contacted his bestfriend, pero pati ang loko, hindi ko rin mahanap.
Okay lang sana kung nagpasabi siya at sinabi ang dahilan para iwan ako. Para naman may panghawakan ako sa sakit na nararamdaman ko. Pero wala, e. Nawala na lang siyang parang bula.
No reasons.
Napuno ako ng mga tanong nu'n.
Those three years were wasted. I know I can't give up on finding him, but I got exhausted along the way. Naisip ko, kung talagang mahal niya ako, babalik siya.
I'll wait. Alam naman niya kung nasaan ako.
Kinabukasan, pumunta ako sa grocery store para bumili ng fresh milk. Paglabas ko, nahulog ko ang nabiling gatas dahil biglang may nasagasaan.
Paglapit ko, parang nayanig ang mundo ko sa nakita — it was Keith.
Keith Ramos, Cedric's bestfriend.