. . .
The Sleepovers
"Pumikit ka, huminga ng malalim, saka mo ilabas."
Tinadyakan ko siya.
"Anong ginagawa mo?!" nagngangalit na ang utak ko dahil sa ginawa nitong kupal na nasa harapan ko.
Bigla na lang siyang sinuntok ni Liro – which apparently, siya 'yung nakakita sa kaniya. Pero bago pa matapos ang labanan nila, bigla na lang naging blurry ang mga mata ko.
Bigla akong napadilat.
Panaginip lang pala. Fact sheet. Paglingon ko sa wall clock, 9 pm na. Dali-dali akong dumiretso sa banyo at pilit na ginising ang sarili sa pagbuhos ng malamig na tubig. Habang pinagmamasdan ang pagtulo ng tubig sa katawan ko, pilit ko namang inaalala 'yung mukha nung lalaking humalik sa 'kin sa panaginip ko.
Pamilyar siya.
Saka ko lang na-realize si Liro. Lately, lagi ko siyang nakikita kung saan-saan. Nai-imagine ko siya palagi. Para akong na-hypnotize sa kaniya. Bakit lagi siyang nasa isip ko? Dahil ba 'to sa isang tanong na hindi pa rin nasasagot?
Ano ba kasing pesteng dahilan 'yan, Liro?
Pero, 'yun ba talaga ang bumabagabag sa akin? Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na tumulo na pala 'yung bula ng shampoo sa mata ko.
Bigla ako napabalikwas at naghilamos. Ang hapdi! Head and shoulders pa naman gamit ko, fact sheet.
Pagkatapos kong kumain, natulog na lang din ako kahit na nakita ko ang message ni Len na, "Ba't ka nawala?".
Maaga akong nagising. Buti na lang din at maaga ring nagigising si Erica kaya kasama ko siyang naglalakad ngayon sa daan papaunta sa school. Halos madilim pa ang paligid dahil maga-alas sais pa lang. May dumaan na nagtitinda ng pandesal at bigla itong pinara ni Erica.
Napag-alaman kong hindi pa siya kumakain. Napag-desisyunan kong i-libre siya sa may malapit na gotohan at doon ay magkwentuhan.Sinawsaw niya ang pandesal sa mainit na goto sabay sabing, "Buti hindi ka maarte sa mga ganitey." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Probinsyana kasi ako."
Muntik na niyang maibuga ang kinakain niya kaya napaiwas ako ng wala sa oras.
"Seryoso?"
I nodded.
"Saan?"
"Baguio."
"Oh." Humigop siya ng sabaw saka muling nagsalita. "Kaya pala ganyan ka kaputi." I smiled as a reply.
Bandang 6:30, pumasok na kami dahil baka ma-late na kami sa klase namin na 7 ang start. Pagpasok namin, marami ng tao. Napalingon kami doon sa may gymnasium na ginaganap ang sports event gaya ng track and field at soccer. Maingay kasi doon. At dahil may pagka-tsismosa kaming dalawa, pumunta kami doon.