G g n g L v r 1 6

50 8 4
                                    

. . .

The Adventure


"Caliraya or Galera?"


Napag-desisyunan namin na pupunta na lang kami sa El Nido, Palawan para matapos na ang pagtatalo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napag-desisyunan namin na pupunta na lang kami sa El Nido, Palawan para matapos na ang pagtatalo. Kung alam lang namin na wala sa pagpipilian mauuwi ang outing namin, e 'di sana hindi nasayang ang mga laway namin sa kakatalak.

Nagkatampuhan pa kami.

Para kaming mga bata. Nakakainis. Nag-check in muna kami sa katabing hotel ng Kusina sa Pepe na tinawag namang Hotel sa Pepe. Magkasama kaming tatlong girls sa isang kwarto bukod sa boys na nasa kabilang kwarto. Sobrang lawak ng queen size bed kaya kasya kaming tatlo.

Ang kaso, may problema.

Hindi ako makatulog. Katatapos ko lang bumili ng ticket online para sa flight namin pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Marahil siguro sa katabi kong si Len na sobra kung makahilik.

Nakahiga na ako at pinikit ko na rin ang mata ko ngunit gising pa rin ang diwa ko. Tinakpan ko na ng unan 'yung mukha ni Len sabay nag-tulog-tulugan. Pagpatak ng umaga, groggy ako. Nagtimpla na lang ako ng kape at nagdesisyong sa eroplano na lang matutulog.

"So, ito ang plano." Liro said, as we we're eating our breakfast sa kwarto namin. "I'll drive the car to Manila and leave it in my condo. Then," Lumingon siya sa 'kin. "what's the time of the flight?"

"11 am." agad kong saad.

"Then, we're taking the cab to the airport to Palawan." The sense of leadership can be heard on him. Medyo bossy pero ayos lang naman.

Nag-ayos kami ng mga gamit namin. Dadaan pa naman kami sa bahay sa maynila bago pumuntang airport. "El Nido, El Nido, El Nido, El Nidooo!" Kinanta-kanta pa ni Len 'yan na parang bata – excited kasi.

Hindi pa rin ako nakatulog nang lumipad kami. Katabi ko si Peter na nasa tabi ng bintana. Tulog na silang lahat liban sa 'min. Habang pinagmamasdan ang puting mga ulap, nahiya akong magtanong sa kaniya kaso ginawa ko pa rin.

"Peter."

Lumingon siya. Ilang minuto bago siya nagsalita. "Magco-confess ka na ba sa 'kin?"

Hala. Gan'to ba talaga 'to? 'Di sadyang nabatukan ko siya kahit 'di pa kami masyadong close. Mas malala yata ang pagka-manyak niya kumpara kay Liro.

"Gaano na ba kayo katagal magkaibigan?" tanong ko sabay turo kay Liro.

"Mga 48 hours," batok ang natamo niya mula sa akin. "Aray naman! Sa college ko lang nakilala 'yan."

Before It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon