Huli kong naramdaman na pagsakluban ng langit at lupa noong nalaman ko ang tunay na status naming dalawa ni Kuya Moi which is-magkapatid talaga kami.Wala ako sa sarili kong katinuan. Nasa alapaap ang utak ko at naglalakbay na tila naghahanap ng masasayang bagay na maaari kong maging sandigan ngayon. Ngunit kahit alam nitong mayro'n, wala akong magawa kundi ipagpaliban ito dahil ang lahat ay hindi isang panaginip lang. Hindi lingid sa aking puso na nasasaktan siya dahil sa pinaghalong lungkot at pag-aalinlangan. Tila nagkasundo ang utak at puso ko na maging sobrang lungkot, at hindi ko maiwasan na saktan na naman ang sarili ko dahil nga sa nangyari. Siguro ganito lang talaga ako kapag may nangyayaring hindi ko talaga matanggap at makaya kasi nga, sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon at naramdaman ko noon.
Gumawa na nga ako ng sarili kong story na hango sa tunay na buhay naming dalawa ni Li-. . . Hay. I can't even say his name!
Maybe I could twist its ending and it could be the girl who will die. Nang sa gano'n, mas malapit ang istorya nila sa realidad ng buhay namin ni Bf. Pero bakit gano'n, pagkatapos ng lahat ng mga pinagdaanan namin? Sana pagbalik ko sa Pilipinas makasama ko ulit siya at sabihin niyang. . . "Joke lang na patay na ko, gusto ko lang na umuwi ka na." Pero. . . sheeeet! Hindi gano'n kadali ang lahat. Tinanong ko na't lahat-lahat kung isa ba itong prank o kaya naman ay isang fake call pero. . . ang sakit pala talaga ng realidad.
"He's dead."
"Who?" Naghuhuramintado kong sagot sa kabilang linya kasi hindi ko alam kung si Kuya Zei, Kuya Moi, si Papa o si Liro ang namatay.
"It's an accident, the fire-" nangingiyak niyang sabi pero pinutol ko siya.
"Sino nga?" Nakakunot na ang noo ko.
"It's Lir-"
"Don't make pranks anymore, hindi nakakatuwa!" Galit kong sabi sa kanya.
"But this is true, Kenne. No pranks. No lies. Just the truth." Naririnig ko ang pag-iyak niya mula sa kabila. "Kenne, makinig ka. Kailangan mo ng umuwi dito. Totoo talaga ito, Kenne hindi ako nagbibiro." Sabi niya ng may diin.
"Pagkatapos niyo kong i-set up dati? Siguro hindi na ako masu-surprise kung ano man 'yang sorpresa niyo." Sabi ko naman sa kanya ng may diin.
"No, just this time, trust me. Umuwi ka na, please."
"Pauwi na sana ako,"
"All Flights to the Philippines are all canceled due to typhoon warnings." Sabi nang boses na nagsasalita dito sa airport. Marami ang nadismaya sa balita. Pati na rin si Leny at ako dahil gusto ko na umuwi at gawin ang mga dapat kong gawin. Hindi ko magawang maniwala dito kay Leny sa nangyari.
Shit. Ang nasambit ko at ni Leny.
"I guess I have a deccent reason to stay here, at hindi ako naniniwala sa 'yo."
"Please this is true. Kenne-" pinindot ko na agad ang end call para matapos na 'to.
Kinuha ko ang aking mga bagahe at sumakay sa taxi. Sa daan, hindi ko mapigilan ang maiyak. I even prevented my eyes to sting. Pero wa' epek at tuluyan na nga akong umiyak hanggang makarating ako sa dati kong tinutuluyan dito sa inglatera.
Nagre-check in ako at sumakay sa elevator habang hila-hila ang aking bag. Pagkakataon nga nama't mag-isa lang ako dito sa elevator kaya nangiyak ako ng todo. Pagkabukas nito, mugto ang mata akong pumasok sa aking unit at nagkulong sa loob ng isang maliit na closet. Kahit sinabi ko pa kay Leny na hindi ako naniniwala sa kanya, hindi mawala sa aking pakiramdam na wala na nga siya.