G g n g L v r 1 1

104 37 2
                                    

. . .

The Unexpected Encounter

"Names for endearing."


"Number 3," Lumingon ako sa kaniya
habang binabasa niya 'yung sinulat ko. "Kailangan weekly, mayro'n tayong outting. Aba, ang boring kaya kung babantayan lang kita sa bahay niyo. 'Yaw ko nga maging PA mo, andami niyo kayang yaya."

"Anong klaseng kundisyon 'to?" Nakakunot ang noo niyang tanong sa 'kin. "Well, sabi ng papa mo, kailangan lang kitang bantayan, be with you. . . be friends with you or whatever the whole summer. Ang boring naman kung nandito lang tayo sa bahay niyo palagi kaya I suggested that to your father and he said yes. So, wala ka ng magagawa." Binelatan ko siya.

"This is unfair." he said.

4. You have to treat me like your own girlfriend (not a true girlfriend! I mean, yuck... 'Yaw kitang maging boyfriend... Iwww!) Basta, you have to treat me like that to the point na sasamahan mo 'ko sa lahat ng pupuntahan ko, (liban sa banyo) dahil kailangan bantayan kita. Pero walang holding hands, kiss, hug or whatever.

"Kapal mo maman, parang gusto kitang maging girlfriend!" He said emphasizing the words at the end upon reading the number four condition.

"Maganda kasi ako," I said calmly. Lately, na-realize ko lang na kailangan kong i-enjoy 'tong summer vacation para naman makalimutan ko kahit saglit lang 'yung mga stressful na memories na nangyari sa 'kin for these recent months.

Ang hirap mag-move on.

Pero kaya ko 'to.

"Ulol. Hindi ka maganda."

Ouch.

Humigop siya sa kape niya. We're currently at his house, sa Baguio. I arrived last night at mapapaisip ka nang "Dala-mo-na-ba-buong-bahay-niyo?" question kapag nakita mo akong bitbit ang mga gamit ko. He even ask me, "Naglayas ka ba?" nung kabababa ko pa lang kotse sa harap ng bahay nila.

And I replied, "Wala kang pake." Marami kasi akong dalang damit, ready for summer outfit at para sa malamig na klima ng Baguio. Syempre, girl scout 'to!

5. At panghuli, maghintay ka pa sa iba pang kundisyon na maiisip ko this summer, dahil wala na kong maisip... Goodluck! 'Wag mong kakalimutan ang lasagna ko! :P

"*censored*!" Napatawa na lang ako sa pagkainis niya at pagmumura niya sa sinulat ko. Ako ang biktima dito, kaya kailangan ko namang i-take advantage 'yung pagbibigay ng kundisyon.

Before It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon