. . .
The Reality Sucks
"For reality: acceptance is adviced."
"WALANG FOREVER!"Sigaw ko dun sa magkahawak ang kamay na nakaupo sa may upuan sa SM (Silong ng Mangga). I rolled my eyes to them as I was writing the continuation of my story dito sa classrooom namin, partly away dun sa mga naglalandian. Ambabata pa e, ang landi-landi na.
Mga highschool pa lang 'yung mga 'yun dahil makikita mo sa suot nilang uniform which is a blue orange checkered skirt at white blouse na may neck tie na blue sa babae, while sa lalaki ay gray orange pants tapos white polo na may necktie rin na blue.
I know, this university sucks in fashion. Hindi sila marunong mag-mixed up ng colors. Buti na lang hindi ako dito nag-high school. Kung dito ako magha-high school, magpa-public school na lang ako. Thankfully, walang binigay na uniform sa mga college students, we can wear what we want. Pinag-uusapan na rin nila na dapat may uniform daw pero marami ang tumutol kasi naman 'yung school uniform designer ng school matanda na. Hindi na maganda ang taste niya para sa 'min. 'Yung fashion niya, panahon pa ng hukbalahap.
Tumingin sa 'kin 'yung lovebirds. I just rolled my eyes to them.
"Tara na nga babe, may bitter dito e." Sabi nung girl, medyo mahina pero halatang nagpaparinig.
"Sige." sabi nung guy.
"MAGBI-BREAK DIN KAYO!" I yelled to them. Naglakad na sila ng magkaholding hands.
Pssh. It really feels ironic the fact that dati, ako 'yung nasa position ng babae kanina na wapakels at naiinis sa mga nagsasabi ng 'Walang Forever' kasi nga ang bitter, pero heto ako ngayon, sumisigaw sa mga sweet couples ng Walang Forever.
I finally get back to reality (that sucks) when someone tapped my shoulder.
"Kenne, lunch?" Aya ni Len (Short for Lenny) habang pinapakita niya 'yung baon niya na nakalagay sa isang taperware–which is a hard boiled egg, pancit canton, boneless bangus at may maraming rice.
Idol ko talaga 'tong si Lenny sa ka-simplehan. She's too damn rich at maimpluwensya ang lolo niya in terms of Noodle Business Industry, and yet makikita mo sa pagkain niya na para siyang probinsyana–or worse, isang amazona.
Hindi naman nakakapagtaka 'yun kasi she lives in her province–Zambales when she was just a cute baby until mag-nine years old siya. Tumira sila ng pamilya niya sa probinsya at nagpanggap na mahirap para maranasan raw ni Len 'yung hirap ng buhay dun even his father was an ultimate Billionaire. Mga baliw nuh? Tapos they move up in Manila and live a wonderful life at nagpakasasa sa pagiging mayaman. And, that's the time I get into the picture–I mean WE get into the picture, along with my older brother. Kaya Len became my childhood friend, and till now a bestfriend a.k.a. super friend.
To answer Len's question, I shook my head and answered, "Busog pa 'ko,"
"You sure?"
Hindi ako nagsalita.
"Oo nga, busog pa 'yang eye bags mo. Tignan mo ang laki, puputok na ata." And she burst out laughing. She poked me with the joke which make me feel disgusted about my face–and sad, as usual.
"Stop." I warn her nang nakayuko.
At bigla-bigla, she stopped her laughed like nothing happen. Maybe she figured out the atmosphere here.