Chapter Four:

161 86 48
                                        

Lestari

I became busy with school after the weekends. I really took being a good daughter seriously. Dad noticed that because when I requested to go shopping with my friend, he agreed as long as Kuya Alistair was with us, which I preferred over the guards he usually assigned to me.

"Grabe! Shock pa rin talaga ako sa nangyari, like seryoso? Ezonme? Kinausap ako?" kanina pa ako kinikilig sa kaka-kuwento ng nangyari sa akin at ang letter na binigay ng favorite author ko na nakatago sa librong pina-signed ko kay Kuya Alistair.

"Si Ezonme ba yung sikat na local author ngayon?" tanong ni Harper. Agad akong tumango.

Last year lamang nagbunga ang career niya. He became popular because of his writing skills. He doesn't just write simple romance, you will also learn a lesson from each story he creates.

Lalaki si Ezonme, but his way of writing characters, especially female ones is impressive. It's like he knows everything. Nakakabilib kasi kahit lalaki siyang author, naiintindihan niya ang saloobin, pag-iisip, emosyon, akto ng isang babae. Ang galing-galing niya.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang makita ang mga mukha ng kaibigan ko. Parang hindi sila interesado sa kuwento ko. Natawa na lang ako dahil sanay na ako sa kanila. Hindi kasi sila mahilig magbasa. Mas gusto nila ang Anime, K-drama, K-pop at P-pop.

"Yang Dispatch na 'yan, sila mismo idi-dispatya ko." natawa kami dahil sa sinabi ni Euradice.

"True, puro fake news." dagdag naman ni Harper.

"Pero kapag talaga inamin ng management na sila ng idol ko, wala na, katapusan ko na."

Hindi na lang ako umimik at umiling na lang. Kagaya nila, hindi ako relate sa kanila at hindi sila relate sa akin. Pero kahit ganoon, nagkakasundo naman kami sa isang bagay.

"Here's your order ma'am," agad kaming nag-ingay sa tuwa nang dumating na ang order namin.

Sa pagkain kami nagkakasundo. Minsan lang kami magkita-kita dahil magkakaiba kami ng university. Iba-iba rin ang course na kinuha namin. I took up business management because that's what my father wants, pero sabi niya na kahit nga hindi na ako mag college kasi raw dagdag lang naman daw 'yon sa kaalaman ko sa business-business na 'yan.

Sinagot ko na lahat ng gastos sa araw na ito dahil na miss ko sila pareho. Ganito naman kaming tatlo, kung sino maka-miss, 'yon ang manlilibre. Lugi tuloy ako.

"Uuwi rin ako mamaya at yung kambal ay kailangan kong samahan mag-enroll sa senior high nila, hanggang ngayon alagain pa rin."

"Parang hindi naman, malaki na sila ah, mukha ngang jowable eh." pang-aasar ni Harper. Natawa naman ako. Malupit kasi mang bakod itong si Euradice sa mga kapatid niya kaya napipikon kapag inaasar ni Harper.

"Hoy, Lola Rionelle. Masyado ka nang gurang para patulan ang mga kapatid ko." humagalpak ang tawa ko sa sinabi ni Euradice. Sinabunutan tuloy siya ni Harper.

"Totoo naman na malaki na sila, clingy ka lang talaga at bini-baby mo pa rin ang kambal ninyo," hirit ko. Iyon kasi ang napapansin ko kay Euradice. Masyado siyang strikto sa mga taong importante sa kaniya. Kagaya sa amin. Kumbaga, siya ang lalaki, ang tatay, at kuya sa pamilya. Strong personality siya kaya hindi na kataka-taka when no one attempts to court her. Euradice is beautiful but her aura is intimidating.

"Syempre, kapatid ko 'yon eh," nakangising sagot niya.

I fell silent when I realized that my brother and I are not like that. Luther and I are only two years apart but we never got along. He was always mad at me even when we were kids. He even used to destroy my books. But when I also destroyed his most beloved video game, talagang tinigilan niya ako.

We don't have any good memories together as sibling. We never played together when we were kids. I never protected him like Euradice does to her bothers. And we're not clingy to each other. We even despise each other.

Sometimes I envy those with good relationships with their siblings. Pero wala naman akong magagawa eh. Because if Luther doesn't like me, I don't like him either. My situation at home is already difficult and he makes it even harder.

Nang maihatid na namin sila ng driver ko ay natahimik na ang kotse. Tinitingnan lang ako ni Kuya Alistair sa salamin. Ngumiti na lang ako para hindi na siya mag-aalala. Tapos na ang panandaliang kasiyahan ko. Napayagan na ako. Ano nanaman kayang mangyayaring ikagagalit ni Daddy para ikulong nanaman ako.

May nag-notif sa phone ko kaya binuksan ko 'yon para i-check. Nanglaki ang mata ko nang mag message si Ezonme sa IG.

Ezonme
Hi Ms. Letty,

I see you didn't make it to my book signing yesterday. I was really looking forward to meeting you! Whatever your reason was, I completely understand.
I hope you'll be able to make it to the next one. I'm looking forward to meeting you soon!

I had to hold back from screaming in the car because our driver might have gotten suspicious. Bagong message nanaman, nakakadalawa ka na ah! 

Kuya Alistair was looking at me curiously, so I mouthed "Ezonme" to him. He just smiled and nodded. Kinausap nanaman niya ako! Gusto kong tumambling pero nasa loob ako ng kotse ngayon.

Pag dating sa bahay ay natahimik ako. I entered my room, feeling like i was being cradled by angels. Ang gaan ng pakiramdam ko. Pero natahimik ako ulit.

Doon ko na-realize lahat ng nangyayari. Bakit niya ginagawa ito? Ganito rin ba siya sa iba niyang fan? I'm being paranoid. Ezonme is just really kind. Hindi ko dapat binibigyan ng meaning 'yon. But is he only kind to a fan?

Ah! Come on, Lestari! Get yourself together. You're being too delusional. He's just nice to you because you're his number one fan. I'm convincing myself this time. Bawal maging delusional.

Napagpasyahan ko na mag-reply sa kaniya sa IG kung saan mutuals na kami. Ahh! Gusto kong ipagmalaki na mutuals na kami ng favorite author ko pero kanino naman? Nagbasa muna ako sa group chat namin nina Euradice nang makitang nag-iingay sila doon.

Just the 3 of us

Sylvia Euradice Casanova
Bwisit, sila talaga ng asawa ko! saksakin n'yo na'ko pls.

Harper Rionelle Acosta
Ouch! Buti na lang yung akin single pa hanggang ngayon.

Sylvia Euradice Casanova
Bakit niya 'to nagawa sa'kin? Cheater pala siya. Mag di-divorce na lang kami.

Oa spotted.

Sylvia Euradice Casanova
Papa mo Oa.

Harper Rionelle Acosta
HAHAHAHAHAHA lt! gan'yan talaga pag nasa libro lang ang love life,

What? Wala lang kayong alam,
author pa mismo ang nag f-firstmove.

Sylvia Euradice Casanova
Okay po, kwento n'yo yan eh,

Harper Rionelle Acosta
BWAHAHAHAH ayoko na nga mag talk. Bye.

I just shook my head, wala naman silang alam. I looked at Ezonme's profile at nakitang may story ito. I clicked on it and smiled when I saw the picture of his publishing company. Parang mapapabili nanaman ako ng libro ah. I quickly typed a message while still smiling.

Ezonme

Magkano kaya yan?
May discount po ba kapag
number one fan?

Unlike before when he wouldn't even read my messages, ngayon ay nag haha react pa ito bago nag-reply. Napabalikwas ako ng tayo. Nag re-reply na talaga siya! Pinapansin niya na talaga ako! I've been his fan for two years but he never noticed me before. My fan heart!  Ahhh nababaliw na ata ako.

Ezonme
Sure, basta pupunta ka sa booksigning
kapag na publish na ito ha?

Napangiti ako. Sana payagan na agad ako. Magpakabait talaga ako kapag nagkataon.

Behind Every PagesWhere stories live. Discover now