Chapter Thirty-three:

66 36 0
                                    

TW: This chapter contains strong language, depictions of child abuse, and depictions of murder. Reader discretion is advised.

Ezra

Napatingin ako sa mag-ina sa isang flower shop sa tapat ng karinderya namin. Pareho silang natutuwa sa magagandang bulaklak sa loob. Kahit ako ay nagugustuhan ko ang tanawin sa harapan namin kapag nakikita kong ilalabas na ng tindero ang mga bulaklak na ititinda niya. Ang aliwalas kasing tingnan.

Napaisip tuloy ako kung anong bulaklak ang pipiliin ng mag-ina sa loob. Sumandal ako sa isa sa mga lamesa namin sa karinderya dahil wala naman masiyadong customer ngayon ang nanay ko.

Napadiretso ako nang upo nang bumukas na ang pintuan ng flowershop at lumabas ang mag-ina na kanina ko pa hinihintay. Napangiti ako nang makitang pink na rosas ang napili nilang bilhin.

Sobrang ganda non, bagay sa kanilang dalawang maganda rin. Simula noon ay nakikita ko na lagi ang mag-ina na bumibili doon paminsan-minsan. Masasabi kong mayaman sila dahil sa pananamit nila.

Napatingin ako sa batang babae na kasama ng nanay niya, lagi siyang nakasuot ng dilaw na dress na bumabagay sa kaniya pero mas bagay sa kaniya ang pink na rosas kapag bibit niya iyon palabas ng flowershop.

Doon ko naisip na mas bumabagay ang pink na rosas sa isang babae.

"Ezra may bumibili," napatingin ako sa tatay ko na nagsisigarilyo sa gilid sa labas ng karinderya namin. Napatingin ako sa harap at nakita ang isang babae na tumitingin-tingin sa mga kalderong nakahelera na may laman ng ulam.

"Toy, magkano sa sinigang?" tanong niya.

"Kuwarenta po." sagot ko. Abala si Mama sa loob dahil siya lang ang nagluluto, ako ang nakatoka sa pagtitinda at paghahanda sa mga customer kapag kakain sila sa amin, samantalang ang tatay ko ay may ibang trabaho.

"Isang order nga," agad akong kumuha ng plastik para balutin ang order niya.

"Ahh!" mahina akong napadaing nang matalsikan ako ng mainit na sabaw ng sinigang. Napatingin sa akin ang tatay ko pero bumalik lang siya sa pagsisigarilyo. Mukhang narinig ni Mama ang daing ko kaya lumapit siya para tingnan ang kamay ko.

"Mag-iingat ka anak," nag-aalalang aniya habang hawak-hawak ang kamay ko. Kahit anong pag-iingat ko ay napapaso talaga ako kapag nagbabalot ako ng ulam, kaya puro paso na ang darili at kamay ko.

Si Mama na ang nagbalot at nag-abot sa bumili bago siya bumalik sa kusina at nagluto muli. Nang iabot niya ang bayad ay nagpasalamat na ako. Agad ko iyong nilagay sa lagayan namin ng pera pero akmang isasara ko ay may kamay na humarang sa akin, ang kaninang nilagay ko na dalawang bente ay dinukot ni Papa kaya nagulat akong tumungin sa kaniya.

"Huwag kang maingay sa nanay mo o mayayari ka sa'kin?" puno ng pagbabanta ang tingin niya kaya wala akong nagawa kundi tumango na lamang. Hindi pa magaling ang sugat ko sa likod mula sa paghampas niya ng sinturon sa akin nitong nakaraang araw lamang.

Umalis siya at bumalik na may hawak na bagong kaha ng sigarilyo. Tahimik na lang akong napailing, awang-awa na ako sa nanay ko na napapagod sa loob ng kusina para magluto tapos ang tatay ko ang kukupitin lang ang kinikita namin.

Lumabas si Mama na pawis na pawis, wala kasing bintilador sa loob tapos nagluluto pa siya. Agad akong lumapit para abutan siya ng pamunas. Yumakap siya agad sa akin at hinalikan ako sa ulo.

"Salamat, anak. Kamusta ang benta?" agad akong nakaramdam ng awa at inis para sa mga magulang ko.

"A-ayos naman po," ngumiti na lang ako. Tumango siya at uminom lang saglit ng tubig bago bumalik sa loob.

Behind Every PagesWhere stories live. Discover now