I'm so tired.
It's the day after Game 1, and I'm reminded now, more than ever, na student-athlete ako.
Ang sarap sana mag-celebrate, o magpahinga pagkatapos ng game kahapon. Kaso hindi pwede tsaka hindi kaya, dahil whenever we're not training or in games, the rest of our time is allotted for catching up on our requirements and academics.
"Gawa mo?" I ask Bella, 'yung roommate ko dito sa dorms namin.
"Nagcrcram," She answers, not looking up from her laptop, "Nakatulog ako agad pag-uwi kahapon eh. Kailangan ko na 'to tapusin ngayon."
Okay, wala siya sa loko-loko mode. Mukhang locked-in talaga siya sa kung ano man ginagawa niya.
Ang sarap at ang saya nga inisipin na ang galing ng mga student-athlete, lalo na ngayon na nakapasok kami sa finals ng Season 86. Pero ang kapalit naman nun ay matinding paghabol sa requirements. Dagdag pa 'yung trainings namin bago mag Game 2 sa May 15.
"Help me, Lord." I sigh, putting my face in my hands. Ang sakit pa ng katawan ko today, ang sarap sana humilata lang buong araw. Kaso hindi pwede.
"Alam mo, take a break kaya muna," Bella suggests, "Ilang oras ka na nakaupo diyan eh. Siguro kelangan mo magpahinga muna para mawala umay mo."
"Onga no," I answer, realizing na totoo nga 'yung sinasabi niyang ilang oras na ko nakaupo dito, "Galing mo talaga."
I grab my phone and get up from my seat. Delikado 'tong gagawin ko, but I lay down on my bed and get comfortable before opening TikTok.
Bibigyan ko sarili ko ng 15 minutes para mag-scroll at magpahinga. Pagkatapos, babalik na ko sa acads.
"Hay nako, may pag-asa ba ako?"
My goodness. Unang video pa lang na lumabas sa fyp ko, edit agad ni Cassie. Ginamit pa 'yung background music na palaging ginagamit for her.
I immediately scroll to the next video. Binibigyan ko na nga sarili ko ng pahinga, bakit sinusundan ako ng stress?
Thankfully, nagtuloy-tuloy na 'yung videos na naeenjoy ko sa fyp ko. Kaka-tawa ko nga mag-isa dito sa kama, pinapatahimik na ko ni Bella.
Before I know it, 15 minutes na nakalipas. Pero dahil kulang talaga ko sa disiplina, I decide to scroll to the next video one more time.
Automatically, I immediately sit up from my comfortable position once I start watching the TikTok.
Dapat sinunod ko talaga 'yung 15-minute ko na time limit para sa sarili ko.
Right now, much to my annoyance, I'm watching an edit of Cassie...and me.
Ginawan ng edit 'yung pagtulong ko kay Cassie makatayo after ko siya matamaan ng bola, followed by a compilation of more photos and videos of us that were up on social media when we were still friends.
To top it off, ang background music pa na ginamit is Daylight by Taylor Swift. Sakto pa 'yung lyrics na "I once believed love would be black and white, but it's golden like daylight," sa video na tinutulungan ko si Cassie tumayo.
Paulit-ulit pa, tsaka naka slow mo 'yung pagtanggap ni Cassie ng kamay ko, parang mga eksena sa Korean drama. May filter pang nilagay na may mga hearts sa gilid ng screen.
Grabe. Pano nila nahalungkat 'yung mga luma naming pictures and videos? Sa pagkakaalam ko, dinelete ko na lahat ng bahid ni Cassie sa lahat ng social media platforms ko.
Nananahimik na nga 'yung tao, may halungkatan pa ng past na nagaganap. All because I helped her stand up after hitting her, accidentally, with a volleyball.

YOU ARE READING
16 & 16
أدب الهواةIn which Cassie Carballo is the USTWVT's star setter, while you're the NUWVT's ace outside hitter. You both wear the jersey #16.