"Wag mo na kong dadalhin sa impyerno." I warn Bella as I see her start to walk towards me.
"Hindi na," She shakes her head sideways, "Wag ka na talaga magpakita dun, y/n. Maiinis ka lang ulit. Imbis na makipagbati, mas pinapalala niya lang galit mo."
I sigh bago ko ipagpatuloy 'yung pag-ayos ko sa buhok ko. Game 2 na ngayon ng UAAP Season 86 Finals. Lahat kami ngayon, nasa mindset na kailangan namin ipanalo 'tong game na 'to at tapusin na. Dahil may isang panalo na kami, ayaw na namin bigyan ng challenge sarili namin at paabutin pa ng Game 3.
Tapos na magready si Bella, kaya nung nakita ko na naglalakad siya papunta sakin, agad ko siyang sinabihan na wag na niya ko dalhin sa impyerno, meaning wag na niya ulitin 'yung ginawa niya nung Game 1 na kinaladkad niya ko papuntang kwarto ng UST.
Sobrang hindi ko na kaya makita si ano ngayon kung hindi sa court. Hindi ko na nga masabi pangalan niya eh, ganun ako ka galit sa kanya.
"Grabe, gumagana talaga prayers ko," Aly says habang inaayos kneepads niya, "Palagi ko pinagdarasal na walang ma-injure satin. Parang tinutupad talaga mga dasal ko, ang galing ko!"
"O, wag mo na batiin," Vange says, "Last game na, sana. Kung may maiinjure pa ngayon, ay congratulations na lang sa kanya."
"Huy, anong injure injure sinasabi niyo diyan?" Erin says, going in to captain mode, "Tumigil nga kayo kakasalita ng ganyan. Malapit na ba maging ready lahat? Malapit na tayo papilahin ha."
I continue putting my hair clips in place as Bella stands next to me, "Naiinis pa din talaga ko." I say, readjusting a hair clip.
"Dahil dun sa isang araw?" Bella says, "Oo, parang ewan nga talaga 'yun. Lakas ng trip nun sa buhay. Nananahimik ka lang nga eh."
I huff as I look at the finished product of my hair. Manifesting talaga na sana, huling beses ko na this season aayusin buhok ko ng ganto. Sana talaga maipanalo na namin today.
"Next time, wag mo na i-target mukha ko pag magspspike ka ha?"
Bumalik na naman 'yung inis sa sistema ko once I start to remember what she said. As if naman kasi tinarget ko siya? Feelingera, nakakainis.
"'Di ko naman sinadya ipatama sa kanya spike ko eh," I say, feeling more and more annoyed, "I mean, ang sama ko naman pag sinadya ko talaga. Tas pinersonal niya talaga! May pa-revenge pa siyang naisip gawin!"
"Kaya nga," Bella nods, "Dami niyang time magplano ng ganun ah. Kala ko ba she wants nothing to do with you na, ang gulo niya."
I bend down to do my final stretches, still feeling annoyed as I remember how Cassie wasted my time. Hay nako talaga. Imbis na in game ako ngayon, 'yung inis ko pa rin sa kanya 'yung nangingibabaw.
"Pero grabe no?" Bella continues as I do toe touches, "Parang medyo papansin siya dun. Parang...ginawa niya talaga 'yun to get your attention. Isipin mo, may kinontrata pa siya na kaklase niya para i-date ka. Tapos talagang andun din siya sa Coffee Project during the date. Baka ginawa niya 'yun lahat para magpapansin sayo."
Naka-kunot lang noo ko the whole time na nagsasalita si Bella. Mas dumadagdag lang inis ko kay Cassie.
"Ay, Mhicaela, wag ka magassume na gusto niya lang makuha atensyon ko," I answer, shaking my head as I move onto lunges, "Talagang masama lang ugali niya at gusto niya kong bawian dahil natamaan ko siya ng bola. Period."
"Tsaka nakalimutan mo na ba 'yung kwento ko?" I continue, "Diba ending ng away namin, wala na kaming pake sa isa't isa? Gusto niya lang talaga ko bawian kaya niya ginawa 'yun. Para sa sarili niya 'yun, hindi para magpapansin sakin."

YOU ARE READING
16 & 16
FanfictionIn which Cassie Carballo is the USTWVT's star setter, while you're the NUWVT's ace outside hitter. You both wear the jersey #16.