"Ano na bang balak mo sa buhay?" Bella asks habang bumababa siya galing sa upper bunk.
"Ha?" I answer, setting my phone down, "Balak? Diba kakatraining lang natin?"
Ang bilis ng oras. Pagkatapos ng outing namin last week, balik training na ulit kami kanina. And by next week, start na ulit ng academic year.
"Tas next week, may pasok na naman tayo," I continue, "'Yun lang naman balak ko. Acads at training, wala namang bago."
Bella sits down on my bed, at ang seryoso ng mukha niya. Nakakapanibago makita siyang ganto.
"I mean, y/n, anong balak mo kay Carballo?"
Ay.
"Huh?" I answer, trying to sound unaffected, "Wala naman. See you na lang ulit sa Season 87, ganun."
"Y/n," Bella sighs, "Kwinento mo na sakin lahat ng nangyari sa inyo simula nung outing. At sinasabi ko 'to, hindi dahil shipper ako, pero dahil hindi ako manhid."
"Anong shipper pinagsasabi mo diya–"
"Y/n, may something eh," Bella says, cutting me off, "May something talaga. Halata na may pakialam pa kayo sa isa't isa. Halata na may nararamdaman kayo para sa isa't isa na iba, na hindi na galit. Halata na may pwede pang masalba sa kung ano man natitira sa inyo. Halata na pwede kayong magsimula ulit."
"Kaya kung ako ikaw, habang fresh pa lahat ng nangyayari lately tsaka habang wala pang pasok, makipag-kita ka sa kanya at mag-usap kayo nang maayos." She says. Grabe, ngayon ko lang nakita si Bella na ganito ka-seryoso.
"Ayaw ko," I answer, staying comfortable on my bed, "Siya 'tong madaming ginawang pampa-gulo ng utak nung outing eh. Siya dapat lumapit sakin para i-klaro lahat at para makipagayos."
Inirapan lang ako ni Bella.
"Diba? Siya 'yung yumakap sakin nung tulog kami. Siya 'yung tumulong sakin nung nagka-nightmare ako," I start to enumerate again, "Siya naunang magsabi na miss niya ko. Siya 'yung nag-comfort at yumakap sakin nung umiyak ako. Diba? Siya lahat. Edi siya dapat lumapit."
I know I sound really stubborn right now, pero wala eh. At the end of the day, magkaaway pa rin naman kami ni Cassie since hindi pa kami nagbabati officially. Kaya hindi ako papayag na ako unang magrereach out.
Yes, may iba na kong nararamdaman para sa kanya. Yes, kilig 'yun. Yes, ang dami kong tanong at gustong klaruhin. Pero hindi ko talaga kaya na ako 'yung unang lalapit.
Oo na, sabunutan niyo na ko, sakalin, sampalin, kalbuhin, lahat na. Pero hindi ko talaga kayang mauna.
"Hay nako," Bella answers, sounding frustrated, "Tas tignan mo, isang taon na naman lilipas. Tas isang taon ulit. Tas isa pa. And before you know it, wala na, matanda na kayo tas never kayo nagbati!"
"Mukhang ganun nga mangyayari unless siya unang magreach out." I say simply, wrapping my blanket tightly around me.
Kinakausap pa ko ni Bella, pero hindi ko na kinakayang makinig. Masyado akong pagod dahil sa training, at masyadong komportable 'yung kama ko.
I can't help but fall asleep.
🧸ྀི
"Y/n!" I'm woken up by the sound of Bella's voice. Pagdilat ko, nakangiti na siya agad sakin.
"Dalawang oras ka na umiidlip," She says, quickly showing me the time on her phone screen, "Samahan mo ko sa labas, pleaseee. May gusto akong i-try na café."
I glance out the windows, to see na pa-gabi na talaga. Siguro mga 6PM na ngayon.
"Ehh," I grumble, hugging my pillow tighter, "Nakakatamad. Ang sakit pa ng katawan ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/371745219-288-k683164.jpg)
YOU ARE READING
16 & 16
FanfictionIn which Cassie Carballo is the USTWVT's star setter, while you're the NUWVT's ace outside hitter. You both wear the jersey #16.