20: The Lucky One

329 20 111
                                    

"Nag holding hands kayo, pero hindi pa kayo umaamin sa isa't isa?" Bella asks, laughing.

"Wala, in the moment kami kagabi eh!" I say, facepalming myself, "Oo, nag holding hands kami tsaka nag hug. Pero nung tapos na 'yung gabi, na realize ko na hindi ko pa nasabi sa kanya na gusto ko siya. Na matagal ko na siyang gusto."

Lalong tumawa si Bella sa sinabi ko.

"Jusko, ano ba meron sa inyo ni Carballo at ang tagal niyo magsabi ng totoo niyong nararamdaman?" She laughs, "Sabi mo sakin, matagal mo na siyang gusto. Tas sabi mo rin na dati pa, nararamdaman mo na may gusto rin siya sayo. May "unspoken fact" ka pang nalalaman na gusto niyo isa't isa. Edi gawin mo nang spoken fact! Umamin ka na, para maging official na!"

"Allergic ata kami sa pagsabi ng totoo, mas gusto ata namin 'yung pakiramdaman lang," I sigh, feeling frustrated, "Ano gagawin ko? Or hintayin ko ba na siya unang lumapit at umamin?"

I know I said the wrong thing, because Bella rolls her eyes the second I let my words go.

"Hay, 'di ka na natuto!" Bella says with an eyebrow raised, "Sure ka? Hintayan na naman? Aabot na naman 'yan ng dalawang taon pag naghintayan kayo, sinasabi ko talaga sayo."

I exhale. Tama siya. Kung maghihintayan lang kami, baka wala rin mangyari. Baka ma-stuck lang kami sa pagiging friends, even though dati pa, I know there's something much deeper between us. And I know she feels it, too.

Sayang naman kung pababayaan lang, diba?

"Uy, ready ka na ba?" Bella asks as she ties her shoelaces, "Malapit na tayo sunduin nila Badet."

"Shems, teka," I say, getting up from my seat, "Toothbrush na lang ako tsaka sapatos."

Masyado akong nag-iisip na naman, malalate pa kami ni Bella.

Sunday na today, at biglaan kaming niyaya ni Detdet pumunta ng Enchanted Kingdom. Akala ko huling hirit namin 'yung pag-Clubhouse namin kahapon, pero may ganito pa pala. "Last Huling Hirit" daw sabi ni Det.

Hindi ko nga alam kung ba't ako sasama, kasi ever since, takot na takot ako sa rides. Pero still, susubukan ko maging matapang today. Minsan lang naman 'to.

Nasa elevator na kami pababa galing dorm namin, when Bella speaks.

"What if...umamin ka kay Cassie today?" She says, wiggling her eyebrows.

"Today?" I say, my eyes widening, "Hindi ko kaya today, Mhicaela. Gusto ko may plano talaga ko once umamin ako. Ayaw ko ng biglaan, gusto ko 'yung pinag-isipan ko talaga kung paano ako aamin."

"Dami mong alam kahit kelan talaga," Bella laughs, "Two years talaga aabutin niyan, ako na nagsasabi sayo."

'Di ko na siya nasagot as we reach the outside of our dorm building, where Detdet, Cassie, and the rest of the USTWVT and NUWVT are waiting for us. Agad na napangiti ako once I see Cassie, and I start to walk towards her.

"Himala, nakangiti ka pagka-kita mo sakin ah," Cassie teases as I stop in front of her, "'Di ka na nakasimangot."

"O, bakit? Nakangiti ka rin naman ah," I answer, hoping my cheeks aren't turning red, "Happy na 'yan? 'Di na masungit?"

"Happy na," Cassie smiles wider, "'Di na masungit." She repeats. Pucha, napangiti rin ako lalo.

"Let's gooo girls!" Detdet shouts as she jumps up and down, "Hinihintay na tayo ng Space Shuttle!"

I gulp, instantly feeling the nervousness enter my body. Pero ayaw ko ipahalata na natatakot ako, kasi for sure pagtrtripan nila ko. Nawala agad ngiti ko, and ang lala ng pagka-poker face ko para lang hindi nila mahalata.

16 & 16Where stories live. Discover now