"Binalik na talaga ang korona sa Jhocson!" Bella shouts habang rumarampa sa harap namin.
Suot na niya 'yung jersey #4, kaya si Detdet na 'yung may suot ng #15. Nagcacatwalk si Bella ngayon sa court at pinagmamalaki na nabalik na sa kanya 'yung #4.
"Reunited! Ang galing ko talaga!" She shouts, doing a twirl.
Tawang tawa kaming lahat sa kakulitan niya, but I can't help but look at Cassie. Siya lang 'yung hindi nakikitawa, and it looks like may malalim siyang iniisip kasi nakatulala lang siya sa sahig.
Iniisip niya pa rin kaya 'yung nangyari kagabi?
I yawn, feeling the lack of sleep start to affect me. Sobrang hindi ako makatulog kagabi, nirereplay ko lang sa utak ko 'yung buong conversation namin ni Cassie nung na-lock kami sa equipment room.
I wish na-late pa ng 5 minutes 'yung paghanap samin nila Bella at Detdet. I wish nagtagal pa kami ni Cassie dun for a little while longer, para natanong ko sa kanya kung tama ba pagkakaintindi ko sa sinabi niyang "'Di naman basta basta mawawala 'yun."
Gusto ko lang masigurado na tama 'yung iniisip ko na kaya siya ganito is because she still cares for me after all these years. Gusto kong malaman if may chance na...pwede ulit namin subukan maging magkaibigan ulit.
Kahit hindi nga magkaibigan eh, basta maging civil na kami sa isa't isa. Hindi 'yung nasasanay na kaming mag-away sa harap ng maraming tao.
"Pila na!" Coach Kungfu's voice booms through the court, "Start na tayo sa drills!"
🧸ྀི
Ito na 'yung pinakamatagal na hindi kami nag-aaway ni Cassie.
Naglalaro na kami ngayon against Team B, and currently, ito na 'yung longest running time na nagiinteract kami ni Cassie nang normal. By normal, I mean wala pang naiinis or napipikon samin.
So far, sobrang ayos na sets niya sakin. Mataas na tsaka mabilis. May time pa nga kanina na tinanong niya ko kung okay lang ba sakin 'yung mga sets niya, as in siya pa 'yung lumapit sakin.
Parang feeling ko nasa Silay ulit kami at nagliliga. Ang bilis namin nabalik 'yung connection namin, parang walang nagbago. Parang hindi kami magkaaway these past years until now. Parang naglalaro kami together regularly. Now, I feel like we're back in our small city, just playing the sport we love together.
I guess, no matter how much has changed, palaging mananatili 'yung iisang utak at puso namin ni Cassie when it comes to volleyball. Kasi with the way we're playing now, walang makakaisip na ilang taon na kami hindi nag-uusap nang maayos.
Pero kung ano 'yung kinaganda ng laro namin ngayon, 'yun din kinaganda ng laro ng Team B. Kaya ngayon, nasa fifth set na kami ng game. Pawis na pawis na lahat, pero mukhang mga sabik din manalo. Pakiramdam namin ngayon, parang nasa UAAP kami.
14-13 'yung score, in favor of us. Ganun ka-dikit 'yung laban namin. Pati coaches namin, halatang entertained sa laro namin ngayon.
I look at Cassie who's positioned in front of the net, and I exhale sharply once makita ko 'yung hand sign na ginagawa niya behind her back.
Sakin niya ibabato 'yung next play. 'Yung match point.
I wipe my palms on the soles of my shoes, feeling determined. Grabe, feeling ko talaga nasa UAAP ako ngayon. Dumagdag pa 'yung fact na pinagkakatiwalaan ako ni Cassie na kaya ko 'tong ipanalo.

YOU ARE READING
16 & 16
FanfictionIn which Cassie Carballo is the USTWVT's star setter, while you're the NUWVT's ace outside hitter. You both wear the jersey #16.