8: Team A

406 19 12
                                    

"Det, pwedeng shut up ka muna?" Bella says habang minamassage ulo niya.

"Ay, pinapa-shut up mo ko? Sure ka diyan?" Detdet says while raising an eyebrow, "Baka gusto mong isumbong ko kay Coach Norman na kakauwi niyo lang kaninang 5AM?"

Bella rolls her eyes at Detdet, "Deeeet, wag ka muna magulo ngayon, please lang. Wag ngayon talaga."

I look around the bus, at sa totoo lang, tingin ko halata na ni Coach na galing kami sa gimikan. Unang una, si Vange at Shai lang 'yung medyo may energy since halos buong time kagabi, tulog lang sila. The rest of us, halata na wala kaming tulog halos kasi sunod sunod kaming humihikab.

Pangalawa, ang dami naming nagsisinghot ng inhaler ngayon. Lima ata kaming sabay-sabay may headache ngayon. Amoy na amoy na sa bus 'yung Vicks. Si Bella, talagang sinuksok na 'yung inhaler sa butas ng ilong niya.

At pangatlo, si Erin, 'yung captain mismo ng NUWVT, sumuka na sa plastic kahit na hindi pa umaandar 'yung bus. Ito 'yung biggest sign of all.

"Kumpleto na ba?" Coach Norman asks from the front of the bus, "Aalis na tayo in five minutes, tawagan niyo na 'yung mga wala pa dito, 'di na natin sila hihintayin pag na-late."

"May hinihintay na lang akong isa pa, Coach," Coach Kungfu answers, "Malapit na 'yun."

I look around to see that andito naman na lahat ng USTWVT that I know of. Baka may bagong recruit na parating?

"Kinakabahan ako ah," I say to Bella, "Sana kayanin ko 'tong bus ride na 'to. Sana tulog lang ako the whole time para 'di ako makaramdam ng hilo."

"Same," Bella says habang nakapikit, "Shuta, alam kong sobrang saya natin kagabi, pero parang nagsisisi na ko sa ginawa natin."

I sigh as I lean my head back on the headrest. Kagabi, after ako mahanap ni Bella sa Clubhouse, talagang hindi na ko nakipaghalubilo sa kahit kanino na hindi taga-NU. Kahit si Cam, hindi ko na rin nalapitan. Masyado nang marami nangyari kagabi, kaya nagstay na lang ako sa kung saan safe ako.

Still, last night, nararamdaman ko pa rin na tumitingin sakin si Cassie. Hindi pala siya lasing kagabi, ni hindi nga daw siya uminom ng kahit ano, kaya hindi ko pa rin alam kung bakit siya ganun sakin kagabi.

I close my eyes, sighing once more. Tatry ko na lang siguro matulog bago pa umandar 'yung bus. Sana makatulog ako, para 'di ko na rin isipin lahat ng nangyari kagabi.

After a few seconds, narinig ko 'yung pagbukas ng pinto ng bus, followed by Coach Kungfu's voice, "Kumpleto na kami. Pwede na tayo umalis, Coach."

I don't bother opening my eyes to see kung sino 'yung bagong dating. Nararamdaman ko na malapit na ko makatulog, kaya ayaw ko na i-risk buksan pa mga mata ko.

Naririnig ko na lang 'yung pangungulit ni Detdet kay Bella before I fall asleep completely.

🧸ྀི

"Ay, sakit ng leeg ko." I say as I walk down the stairs of the bus.

Thankfully, natupad 'yung wish ko na tulog lang ako for the whole bus ride. Pero ang kapalit nun? Stiff neck.

Once nakababa na ko ng bus, I do a full body stretch, yawning as I do so.

Habang bumababa pa 'yung iba, I decide to look around at the USTWVT para tignan kung sino 'yung nadagdag kanina. Pero so far, same people pa rin naman 'yung nakikita ko.

Detdet, Reg, Jonna, Bianca, Angge, Em, Pia, Xyza, Kaka, Pierre, Ren, Mae, Cassie–CASSIE?!

"Juskolord." I mutter under my breath. Akala ko ba uuwi siya sa Silay? Naka mindset na ko kagabi na hindi siya kasama ngayon dito eh. Ang biglaan naman nito, kailangan pa naman ng utak ko mapunta sa tamang kondisyon pag alam kong makakasama ko si Cassie.

16 & 16Where stories live. Discover now