a/n:
HANDA NA BA KAYO SUMAKAY SA ROLLERCOASTER OF EMOTIONS???
🧸ྀི
"I concede defeat."
"'Di kita maintindihan," I say, feeling frustrated, "Talo? Panalo? Saan?"
"Sa kung ano mang laro 'to!" She exclaims, running a hand through her hair, "Sa kung sino man mas may kayang magtiis, maging manhid, maging matigas, magpakita na wala siyang pakialam, lahat na!"
Oh my God?
"Kung ano man 'tong nilalaro natin, hindi ko na kinakaya, hirap na hirap na ko. Talo na ko. Ikaw na mismo nagsabi na sabihin ko na 'yung totoo, kaya ito na, sinasabi ko na," She continues, speaking fast, "Hindi na masaya eh! It was never fun to begin with! Ang sakit sakit na magkunwari, hindi ko na kaya. Masyado nang masakit sa puso. Panalo ka na, okay? Ako na 'yung talo!"
"Hindi naman 'to laro–"
"Ikaw na mas manhid. Ikaw na mas may kayang magtiis. Ikaw na mas matigas. Ikaw na 'yung walang pakialam," She continues, cutting me off, "Talo na ko. Talong talo na!"
Tuloy tuloy lang 'yung pagsalita niya, na para bang ang tagal niyang kinikimkim 'to. She's finally had enough.
"Unang magpakita ng totoong feelings, talo, diba? 'Yun 'yung nilalaro natin?" She asks, her eyes brimming with tears, "Edi talo na kung talo. Hindi ko na kayang magkunwari na masungit ako. Hindi ko na kaya na puro na lang pagalit 'yung mga salita ko sayo. Hindi ko na kaya magkunwari na iritang-irita ako sayo, kasi hindi naman 'yun 'yung tunay kong nararamdaman."
Sobrang shaky na ng boses niya, pero patuloy pa rin siya sa pagsalita. It's like she's a bomb that finally exploded.
Kitang kita sa mukha niya na nasasaktan siya as she lets each word go. Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. 'Di pa rin ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.
"Cassie–"
"Wait, alam kong madami kang sasabihin, pero patapusin mo ko. Ngayon ko lang nasasabi 'tong lahat." She says, holding a hand up in front of me. I nod once in response.
"Hindi 'yun 'yung tunay kong nararamdaman." She repeats, now speaking softer.
"Ano 'yung tunay mong nararamdaman, Cassie?" I ask, feeling like my heart's about to leap out of my chest, "You can tell me. Please."
She looks up at me, and I watch as she inhales deeply. She then exhales, before she speaks.
"Nung na-injure ka nung Game 2, gustong gusto kita tulungan nun. Gusto kita puntahan at tulungan, kung may superpowers lang ako, gusto kong patigilin 'yung sakit na naramdaman mo nun," She says in one breath, "Dumating nga sa point na naisip ko na sana ako na lang 'yung na-injure kaysa sayo. Araw-araw, gusto kita kamustahin at malaman kung kamusta ka na."
Nangyayari na ba talaga 'to?
She's looking at me now with so much softness in her eyes, even though they're tearing up. Sobrang iba sa mata niya dati, na kitang kita 'yung inis tsaka galit. There's something so familiar about the way she's looking at me now. She looks like the Cassie I know.

YOU ARE READING
16 & 16
FanfictionIn which Cassie Carballo is the USTWVT's star setter, while you're the NUWVT's ace outside hitter. You both wear the jersey #16.