Paano nangyari 'to?
Umagang umaga, may pagsubok agad na binigay si Lord. The second I woke up, naramdaman ko agad na hindi ako makagalaw, kasi para bang may pressure sa tiyan ko.
Pagtingin ko...wala na 'yung unan sa gitna namin. And instead of the pillow na katabi ko kagabi, iba na 'yung nakadikit sakin ngayon.
I look down sa kung ano man nakapatong sa tiyan ko, expecting na baka dito pala napadpad 'yung unan na nasa sa gitna namin kagabi.
Once my eyes focus on it, agad na nanlaki mga mata ko.
Because no, hindi unan 'yung nakita ko. Hindi rin kahit anong bagay. Akala ko mas may possibility makakita ng unicorn kaysa sa makita 'yung nakikita ko ngayon.
An arm is wrapped around my waist.
Nakayakap sakin si Cassie.
Shet. Ano gagawin ko? Gisingin ko ba siya? O dahan-dahan ko tanggalin 'yung arm niya na nakayakap sakin, at magkunwari na walang nangyari? Pano kami napunta sa ganitong pwesto?
Pero panigurado, pag nagdesisyon akong gisingin siya, para akong magde-declare ng war.
I look over at her, to see her sleeping soundly. She looks so comfortable and so peaceful, far from her usual facial expression na masungit at laging magkasalubong kilay niya.
Seeing Cassie this way, looking mabait, makes me miss how we were back then. I guess I just miss the way it was before, na pag nagkikita kami, ngiti niya 'yung sumasalubong sakin. Hindi 'yung galit niya.
Nakakalungkot lang na nakikita ko lang siya nang ganito kasi tulog siya. Sigurado ako na pag gising niya, si Anger na naman magcocontrol sa kanya.
Okay, tama na. Napapatagal na 'yung pag reminisce ko. 'Di 'yan 'yung kailangan kong gawin ngayon.
Kailangan ko ayusin mga galaw ko kung gusto kong makakalabas dito nang buhay.
Slowly, I take Cassie's wrist. Okay, so far so good naman. Hindi pa siya nagigising dahil sa pag hawak ko sa kanya.
Feeling the nervousness start to rise, I begin to lift her arm up slightly. Mabigat, so ibig sabihin tulog na tulog pa rin siya. Okay, self, mukhang kaya mo 'to.
Kasabay ng pag galaw ko ng kamay niya, I start to scoot out of bed, too. Sinasabay ko 'yung pag-usog ko, tsaka 'yung paghawak ko sa kanya, kaya sobrang naka-focus ako ngayon. Sana magawa ko 'to successfully.
Eh kaso may isa akong hindi nabantayan. 'Yung natutulog na dragon mismo.
"Ginagawa mo?"
Shuta.
I'm halfway out the bed, and I'm lifting Cassie's arm slightly above my stomach. I look over at her, slowly, at nangyayari na nga talaga 'yung kanina ko pa kinatatakutan. Gising na ang dragon.
Light sleeper talaga 'to kahit kailan.
In one quick motion, I instantly jump out of bed and let go of her arm. Nakatayo na ko ngayon sa gilid ng kama, trying my hardest to act and look normal. Na para bang hindi niya ko yakap habang tulog siya just a few seconds ago.
"Huy, tinatanong kita," She repeats, at magkasalubong na naman kilay niya, "Ginagawa mo?"
"Kakagising mo lang ba talaga?" I ask, making sure. Kasi kung kakagising niya lang, ibig sabihin 'di siya aware sa nangyari. Pwede pa kong magsinungaling sa kung ano 'yung totoong ganap.
Kasi I'm sure na kapag nalaman ni Cassie na nakayakap siya sakin habang tulog...baka umuwi na siya sa Manila ngayon na.
"Oo, 'di ba halata?" Cassie nods, looking annoyed, "Ginagawa mo? Ba't ka nakahawak sakin?"
YOU ARE READING
16 & 16
FanficIn which Cassie Carballo is the USTWVT's star setter, while you're the NUWVT's ace outside hitter. You both wear the jersey #16.
