10: Litong-Lito

508 24 27
                                    

Makakapatay ako ng tao.

"Ano bang trip mo sa buhay?!" I shout, rattling the doorknob, "Huy! Palabasin mo ko dito!"

Pumasok ako dito sa equipment room para ipasok 'yung net. Pagkatalikod ko, narinig ko na lang na nagsara 'yung pinto, at 'yung tunog ng pagclick ng lock.

"Ha?" I hear Cassie from the other side of the door, "'Di kita marinig, paki-lakasan."

Pag tarantado nga naman talaga.

"'Di pa tayo tapos magligpit, may kalokohan ka na agad!" I shout, pounding on the door, "'Di ako nakikipagbiruan! Gusto ko na magdinner!"

"Huy, y/n, tumulong ka naman dito," She answers, and I know she's enjoying this, "Lumabas ka nga diyan."

"Siraulo, eh ikaw naglock sakin dito!" I shout. Mission talaga nito sa buhay 'yung pikunin ako.

"Ako pala?" She laughs, "Ano gusto mo? Palabasin kita?"

Lord, anak mo rin naman ako. Ba't ang tindi ng pag parusa mo sa'kin?

"Malamang!" I groan, leaning my forehead against the door, "Bilis na kasi, Carballo!"

She keeps quiet for a while, na para bang pinagiisipan niya talaga kung ano next niyang move.

"Mag please ka muna." She says, at halata sa tono ng boses niya na nakangiti siya.

"Ugh," I groan, "Dami mong alam! Bubuksan mo lang eh!"

"Eh ikaw, magplplease ka lang din naman ah? Isang salita lang o." She answers. Jusko, I hate this so much. Halatang enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya.

I inhale, and exhale. Okay, y/n. Kilala mo 'yan. 'Di ka papalabasin niyan hangga't sa ibigay mo gusto niya.

"Palabasin mo ko dito, please, kundi sasakalin kita."

"Ay, okay na sana, kaso may threat na kasama," Cassie answers, "Tsaka pano mo ko masasakal kung andiyan ka sa loob? Isip isip din, y/n."

I close my eyes, trying to gather what's left of my patience. I inhale and exhale again, before opening my eyes.

"Cassie," I say in the most malambing way I can, "Palabasin mo na ko dito, please?"

In a few seconds, thankfully, narinig ko na 'yung pagclick ng lock, followed by the door opening.

My eyes land on her, to see her smiling playfully.

"Bwisit ka." I say right away as I exit the room.

She just laughs in response as we walk towards the table na kailangan pa ipasok sa equipment room.

I still feel annoyed, pero mas nangingibabaw 'yung kagustuhan kong tapusin na 'tong ginagawa namin, kaya ayaw ko na siyang patulan. We lift the table and start walking back towards the equipment room.

"Bilisan mo naman kumilos." I groan, bigat na bigat sa buhat naming lamesa.

Malapit na kami matapos mag-ayos ni Cassie, itong lamesa na lang tsaka 'yung mga bola around the court na hindi pa naliligpit.

"Huy, ikaw 'tong mabagal maglakad." She says, carrying the other side of the folded table.

'Di na ko nakasagot, dahil bigat na bigat na ko sa buhat namin. Gusto ko na lang lumabas na dito at magdinner. Gusto ko na lang lumabas na dito para makalayo na sa kanya.

We reach the equipment room and lean the table against the wall, both of us groaning as we set it down.

"Tara na, mga bola na lang tas tapos na tayo." I say, heading out of the equipment room.

16 & 16Where stories live. Discover now