"Ano bang 'di mo nagegets?!" Bella shouts, frustration evident on her face.
"'Yung lahat ng mechanics!" Detdet grumbles, "'Ang gulo mo mag explain, magvolleyball na lang kaya tayo?!"
Nandito kami ngayon sa terrace ng rest house. Gabi na, nakabilog kaming nakaupo, and umiinom na kami.
Kanina pa ineexplain ni Bella 'yung mechanics ng gusto niyang laro, pero kanina pa hindi maintindihan ni Det.
"Kailangan mo ata ulitin, Bella." I laugh as I shake my head.
"Uulitin ko na naman? 'Yun ba gusto mo, Badet?" Bella says, scratching her head in frustration.
"Oo!" Detdet answers, "Gustong gusto mong laruin eh, explain mo ulit sakin. Onti na lang, maiintindihan ko na, promise!"
Bella sighs, before she starts to explain the mechanics once more.
"Name ng game is Paranoia," She says, looking intensely at Detdet, "Diba nakabilog tayong lahat? Tas magkatabi tayo? Ikaw mauuna kunwari. Since ako 'yung katabi mo, ako magbubulong sayo ng tanong,"
"Kunwari, tatanungin kita "Sino sa tingin mo 'yung palaging tamad magtraining?" Tas imbis na sakin mo lang sasabihin 'yung sagot, talagang sasabihin mo saming lahat. Kunwari sagot mo ay si Lams, so sasabihin mo na si Lams, talagang i-aannounce mo sa lahat,"
"Pero ang catch is, tayong dalawa lang nakakaalam ng tinanong ko sayo. So syempre, curious lahat, lalo na si Lams, kung ba't pangalan niya 'yung sinabi mo. Kaya Paranoia 'yung name ng game, kasi parang praning na siya kung ano kaya tinanong ko sayo para masagot mo 'yung pangalan niya,"
"Okay, okay," Detdet nods, "So bale, ikaw 'yung magtatanong sakin. Tapos, sa lahat ko sasabihin 'yung sagot ko. Pero tayong dalawa lang nakakaalam ng tinanong mo?"
"'Yun! Tapos, ito 'yung thrill. Magtotosscoin tayo. Pag heads lumabas, ibubunyag ko 'yung tinanong ko sayo. So lahat, malalaman nila! Malalaman nila na sa tingin mo, tamad si Lams magtraining. Pero kung tails, edi wala. Talagang tayong dalawa lang makakaalam ng tinanong ko sayo, tsaka 'yung rason kung bakit si Lams 'yung pangalan na sinabi mo."
Detdet nods. At first, mukhang hindi pa rin niya gets. Pero unti-unti...napapangiti na siya.
"Delikado 'to ah," She says, smiling, "Gets ko na! Game na! Ay, pero parang may gusto akong ibahin sa mechanics."
"Ano?" Bella asks.
"Diba magheheads or tails, tas dun magdedepende kung ibubunyag 'yung tanong?" Detdet answers.
"Mhm, bakit?" Bella answers, "Ano gusto mong baguhin?"
"Para malaman din kung sino mga Marites diyan," Detdet laughs as she speaks, "Kung sino man 'yung gustong malaman kung ano 'yung tanong, magshshot! Tanggalin na natin 'yung heads or tails."
"Ay, gusto ko 'yan!" Reg smiles, "Mas may thrill! Oo nga, dapat may kapalit na parusa kung gustong maka-sagap ng chismis!"
"O, tara, g na ba lahat?" Bella says, "Shot muna lahat ng isa bago tayo magsimula."
Shet. Feeling ko may mangyayari tonight ah. Dangerous combination ang alcohol at mga sikreto.
We raise our shot glasses, and we drink at the same time. Ang init sa katawan.
"Question pala," Kaka asks, "Pwede bang magbanggit ng pangalan kahit wala dito? O dapat nandito lang sa bilog 'yung pangalan na isasagot?"
"Okay lang kahit wala dito," Bella nods, "Pagusapan natin sila." She laughs.
"Okay, game!" Detdet says, grabbing the half full bottle of alcohol, "Iikutin ko 'tong bote natin ah, kung kanino tatapat, siya mauuna."
We watch as she spins the bottle, waiting in anticipation as it spins slower and slower.
YOU ARE READING
16 & 16
FanficIn which Cassie Carballo is the USTWVT's star setter, while you're the NUWVT's ace outside hitter. You both wear the jersey #16.