12: Roomie

506 23 34
                                    

[TWO WEEKS LATER]

"Nahihilo ako." Bella says habang pababa kami ng van.

"Yeheyyy!" Detdet shouts habang tumatakbo palapit samin. Bago siya mapigilan ni Bella, binangga ni Detdet si Bella at niyakap.

"Sige, Badet, susukahan kita!" Bella groans, pero patuloy pa rin si Detdet sa pagyakap sa kanya.

Nandito na kami ngayon sa Batangas, and outing na ng NUST girls. Hindi sumama 'yung mga coach, since may outings din sila kasama 'yung mga PVL team nila. Talagang kaming girls lang nandito without adult supervision.

It's around 6PM now, kaya ang schedule ngayon ay magdidinner lang kami tapos magpapahinga at matutulog na, para marami kaming magawa bukas.

"Guys, please ingatan 'yung mga babasagin ha!" Bianca says while we walk inside the rest house, "Libre 'yung rest house, pero pag may nabasag kailangan bayaran!"

"Yes po, Mayora!" I hear Reg say.

Woah. Ang ganda dito sa loob, parang ang daming pwedeng gawin. May karaoke, swimming pool, billiards, table tennis, tsaka may beach na walking distance lang. Mukhang marami pala kong pwedeng gawin para maiwasan si Cassie.

"Pano pala room assignments?" I ask Bella while adjusting my duffle bag, "Magka-room tayo, no?"

Agad kong napansin 'yung subtle na paglaki ng mga mata ni Bella. Hindi siya nakasagot agad, which is never a good sign. Kinakabahan na ko agad.

"'Di ko pala nasabi sayo," She starts, at agad na kumunot noo ko, "Si Badet roommate ko."

Oh, that's not bad at all. Alam ko naman na close din si Bella at Detdet, tsaka minsan lang sila nagsasama.

"Okay, wala namang problema sakin," I nod, "Edi si Aly na lang–"

"Si Aly na tsaka si Lams magka-room eh." She answers cautiously.

"Ah, edi si Sheena na lang–"

"Si Shee na tsaka si Erin, y/n." Bella answers as she scratches the back of her neck.

"Edi si Vange–"

"Si Vange na at si Shai." She says, not being able to hold eye contact with me.

"Huh?" I say, at hindi ko na mapigilan 'yung pag-iba ng facial expression ko, "Ilang kwarto ba meron dito na dalawahan lang bawat kwarto? Tsaka sino na lang natitira na walang ka-room?"

"Eh si Reg?"

Napatingin kami ni Bella sa may hagdan, kung san naguusap sila Cassie at Detdet.

"Si Reg na at Xy eh." Detdet answers.

"Eh si Em?" Cassie asks.

"Si Em na at Angge, matik 'yun." Detdet says.

Wait a minute. Tumingin ako kay Bella, to see na nakangiti na siya sakin.

"Si Pia?" Cassie asks, and kahit 'di ko makita mukha niya, I just know nakataas kilay niya.

"Si Pia na at Jonna." Detdet answers, shrugging.

16 & 16Where stories live. Discover now