[WB: Eph2]
Eph’s POV
“Aww, fine---stop it!” sa wakas at nahawakan ko na rin sa pulsuhan ang babaeng sinasampal sa akin ang isang balot ng tsinelas. Buti na lang at nakasabit sa leeg ko yung DSLR kundi bumagsak na iyon sa daan. “That hurts... a lot,” sigurado akong namumula na ang mga tinamaan ng tsinelas na yun, “for a girl, masyado kang malakas.” Na-a-amaze ako sa kanya.
“Manyak!” hinila niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko at bumalik sa kung saan may mga nakakalat pang mga tsinelas. Isa-isa niya iyong nilagay sa basket na nakataob pa kanina. “Ano na bang nangyayari sa mundo, bakit ganito na lang ang mga nakakasalubong ko, hindi man lang marunong magpabagal ng takbo kesyo may sasakyan lang sila!” patuloy pa rin siya sa paghihimutok at mukhang di man lang natakot gayong mas matangkad pa ako sa kanya.
Paano na lang kung rapist ako? May laban ba siya sa akin?
Tsk tsk.
Di naman ako mabilis magpatakbo kanina ah? Or, maybe mabilis nga pero hindi ko napansin. At malay ko bang may tatawid pala? Sa pagkakaalam ko, kunting-kunti lang ang mga sasakyang dumadaan sa kalyeng iyon, pati mga tao ay hindi dumadaan doon kasi malayo na sa highway iyon.
“Miss?”
“Wag na wag kang lalapit sa akin!” iniamba niya sa akin ang isang pares ng tsinelas.
“Whoa!” tinaas ko ang dalawang kamay ko at umatras ng konti, “careful on that,” ibinigay ko ang nakakapanlambot-tuhod na ngiti ko. That smile never failed me.
“Ngiti mo pa lang, halata ng babaero, manloloko, manyak, at walang modo ka!”
That was... unexpected.
“I’m sorry, okay?” napalitan ng ngiwi ang ngiti ko kanina. “Di ko naman sinasadya, nawili lang ako sa pinapakinggan ko kanina and I’ve thought walang dumadaan dito---“
“Por que walang dumadaan, pagmamay-ari mo na?”
Tsk, sayang, ang ganda pa naman niya. Yun nga lang, masyado siyang mabunganga. But...
Napaisip ako. “Miss, are you still a virgin?” nakatalikod na siya sa akin at patuloy sa pamumulot.
Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa akin. “And what do you think of me? A whore?!”
Hayun, magaling palang mag-English.
Tinitigan niya ako na naniningkit ang mga mata. Nakipagtitigan naman ako sa kanya. “I just presumed you are a virgin since masyado kang masalita, no guy would love to make out with a girl like you,” nagkibit-balikat pa ako. Tnititigan pa rin niya ako na parang kahit na anong sandali ay sasakmalin na niya ako at walang ititira ni isa sa mga internal organs ko, “okay, I’m sorry. I am really really really sorry. You don’t have to stare at me like you are saying you want me on top of your bed tonight, of course I won’t do that since I’ve told you, no guy would love to make out with you---“
“Kung lahat ng lalake ay katulad mo, magpapakamatay na lang ako!” pagkuwan ay binuhat niya ang basket at nagmartsa palapit sa akin. “Sa tingin mo ba, may tatagal na babae sa iyo?” tinaasan niya ako ng kilay, “puwes, sinasabi ko na sa iyo, mag-ampon ka na ng bata ngayon pa lang sapagkat wala kang makakaramay pagtanda mo sa sama ng ugali mo.”
Nangunot ang noo ko pero nahalinhinan iyon ng pagngiti, “don’t you find me attractive?” nakakawala ng ego itong babaeng ito, ah.
BINABASA MO ANG
What Boys Think: Ephraim
ChickLit☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ First book: What Boys Think: Ephraim Second book: What Boys Think: Joshua Third book: What Boys Think: Raphael Fourth book: What Boys Think: Francis EijeiMeyou®