[WB: Eph8]
Ashley’s POV
“This is it, this is really is it is it!”
“Mas excited ka pa sa kin, eh,” inayos ko ang turtleneck dress ko, “Zie, pakiayos nga tong nasa leeg ko, nakakasakal,” kanina pa talaga ako sinasakal ng damit na pinasuot sa akin ni Zie. Pinahiram lang niya ako kasi nga, di naman ako mahilig magsususuot ng mga damit na ‘pambabae’ talaga. Hanggang itaas lang ng tuhod ang dress na iyon na kulay peach na tinernuhan ng kulay white na 3-inch heels, hiniram ko pa iyon kay Vhea. Magkatulong silang dalawa sa pag-aayos sa akin. Mula buhok hanggang hinliliit ko sa paa ay minake-over nila. Kung ako lang talaga ang masusunod, magfa-flats na lang ako at isusuot ang mga dati ko ng sinusuot na maong at t-shirt.
“First-timer nga naman,” inayos niya ang nasa leeg ko, “smile ka lang, maganda ka pa rin, promise!”
“Tsk, kung bakit ba naman kasi napapayag ako ng mokong na iyon.”
“Ginusto mo naman, smile, kita mo, wala pa tayong isang minutong nagkakahiwalay, nakasimangot ka na ulit!” tumunog ang cellphone niya, “waits... Vhea, ayusin mo yang ate mo, ha? Tignan ko lang kung sino tong balyenang tumatawag sa akin.”
Lumabas siya ng kwarto habang inaayos ko naman ang nangangating batok ko. Wala talaga akong tiwala sa fabric conditioner na gamit ni Zie, hindi kami pareho ng pang-amoy, eh.
“Ate, truelaloo bang gwapo yung si Ephraim?”
“Hindi...” sumimangot ako, “nagagaya ka na sa pagsasalita ni Zie, ha?”
4th year college na si Vhea, graduating na sa kursong Literature. Singer din siya sa isang banda, sa kasamaang palad, hindi ako nabiyayaan ng boses gaya niya.
“Oh, ba’t nakasimangot ka?” tanong ko sa kay Zie pagbalik niya.
“Ako?” ngumiti ulit siya, ngiti na ngayon ko lang nakita kasi hindi siya marunong pumeke ng ngiti, “hindi, ah!”
“Zie...”
May bumusina sa harap ng bahay, “hayan na ang karwahe mo, Cinderella, labas na, dali!” hinila pa niya ako palabas ng bahay.
“Gora, ate, magkaka-KUYA na rin ako!”
Bago pa ako maka-kontra ay nahila na nila ako palabas ng bahay.
Paglabas namin ay nakita namin ang isa sa mga barkada ni Ephraim, si Francis. Sumaludo agad siya sa amin.
Kung kagwapuhan lang ang pag-uusapan, hindi pahuhuli si Francis, pero iba pa rin si Eph, ewan ko ba. Yun nga lang, pareho sila ng hilatsa ng mukha ni Eph, parehong may pagka-manloloko ang ngiti, isang kindat lang, susuko ulit ang Bataan sa kanila.
“Hoy, mamang Francis, ingatan mo ‘tong Cinderella ko, ha?” namaywang pa si Zie.
“Ahy, shet, keh gwapo naman pala ng kabarkada ng magiging KUYA ko, ate!” isang malakas na hampas sa braso ang inabot ko kay Vhea.
“Ready?” nakangiting inabot ni Francis ang palad ko.
Todo tili naman sina Vhea at Zie, sila na ang kinikilig, ako na ang hindi.Giniya niya ako sa back seat, pagkatapos nun ay umupo na siya sa driver’s seat.
Nag-flying kiss pa sina Zie at Vhea, ewan ko kung para sa akin ba iyon o para kay Francis.
“Eph’s fuckin’ ready, you know? Sa totoo lang, ang sakit na ng mga katawan naming magkakaibigan dahil sa dami ng pakulo niya,” natatawang sabi niya, “by the way, you look stunning. Wag mo na lang sasabihin kay Eph na sinabihan kita ng ganun or else, mawawala ang pagkakaibigan namin.”
BINABASA MO ANG
What Boys Think: Ephraim
ChickLit☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ First book: What Boys Think: Ephraim Second book: What Boys Think: Joshua Third book: What Boys Think: Raphael Fourth book: What Boys Think: Francis EijeiMeyou®