[WB: Eph22]
Ashley’s POV
“Zie, pakiabot ng mantika,” utos ko kay Zie na nakatunganga lang sa akin. “Zie, pakiabot sabi yung mantika, bingi ka ba?”
“Ashley, ako na diyan,” sabi ni Una sa akin na pinilit agawin ang sandok sa akin. Lahat sila, nandito kaninang umaga pa at hindi na ako tinantanan. Halos lahat ng galaw ko ay pinupuna nila. Wala naman akong magawa kahit na sinabihan ko na silang umalis na lang. ni hindi sila naniniwala sa sinabi kong ayos lang ako.
Well, maging ako nga hindi ako naniniwala sa sinabi kong ayos lang ako, sila pa kaya? Halata naman daw kasi sa salita’t galaw ko na nagsisinungaling ako.
“Ako na, kaya ko na ‘to.”
“Kaya?” untag ni Karylle, “like, hello? Three days ka na daw ganyan sabi ni Zie, ni hindi ka na raw nagpapahinga?”
“Nagpapahinga ako,” malamyang sagot ko sa kanila. Ako na mismo ang kumuha ng mantika at binuhos lahat sa palayok. “Kakatapos nga lang ng pahinga ko, eh.”
“Pahinga ba ang tawag dun?” alam kong namaywang si Khloe sa akin, “ni hindi ka nga namin mapaupo kung di ka pa namin pinilit.”
“Ash, nandito lang kami,” ani Lucy.
“Bakit ba?” medyo nilakipan ko pa yun ng tawa, “okay naman ako, ah?”
“Okay ka nga, okay ka nang mamatay,” pinatay ni Karylle ang gasul kaya namatay din ang stove. “Ash, hindi pa katapusan ng mundo.”
Tinanggal ko ang apron ko at nilayasan sila pero di nila ako tinantanan.
“Isang ihip na lang sa ‘yo, matutumba ka na, Ash,” sabi ni Una. “Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa nangyayari ngayon. Kung alam mo lang---“
“Nasarapan naman siya nun, kasalanan ko ba kung bakit siya nakabuntis? Hindi naman ako ang naghanap ng babae para makasama sa loob ng sasakyan, di ba?” tumawa ako ng pagak. “Sino nga lang ba ako sa buhay niya?” sumandal ako sa mesa at tinakip ang likuran ng palad ko sa ilong ko, “ako lang naman si ‘Ashley,’ ang babaeng nanghampas sa kanya ng tsinelas, ang babaeng marunong mag-mekaniko, ang babaeng---“
“Minahal niya ng lubos,” putol ni Zhie, “Ash, bakit ka nagkaganyan? Ash, kung makikita mo lang sana si Eph ngayon, para na siyang zombie na sunod na lang ng sunod s autos ng mag-ama. Ash, hindi rin niya ginusto ‘to.”
“At ako, ginusto ko ba? Hindi naman, di ba? Kaya nga ako nagpaparaya na. Buhay ng isang inosenteng bata ang nakasalalay dito, buhay ng walang kamuwang-muwang. Anong gusto niyong gawin ko? Agawan siya ng isang malibog na ama?” sa kasamaang palad ay hindi ko na napigilan ang pag-uunahang pagbagsak ng luha mula sa aking mga mata. Hindi ko naman ginustong mangyari ‘to. Sa katunayan, si Eph na ang nakikita kong magiging katuwang sa buhay, ang lalakeng maghihintay sa akin sa tabi ng altar, ang lalakeng ipapakilala ko sa aking mga magulang... pero lahat nang iyon ay nawalang parang bula nang malaman kong magiging ama na siya.
“Ash,” sabay-sabay nilang sabi at lumapit sa akin para yakapin ako.
Mabuti pa sila, kahit di nila aminin, alam kong masaya na ang mga buhay-pag-ibig nila. Ang akin? Masaya rin naman, ah, bago pa dumating ang babaeng nagngangalang Melody na iyon. Ano nga bang laban ko sa anak ng heneral?
Nagtagal kami ng tatlong minuto sa ayos na iyon, naghiwa-hiwalay lang kami nang tumunog ang telepono sa sala.
“Sasagutin ko lang,” suminghot ako at pinunasan ang luha sa mata. Agad ko silang iniwan at nagtungo sa sala, “hello?”
“Ate? Ikaw ba ‘yan?” naringgan ko ang boses ni Vhea kasabay ng maingay na background.
“Nasa gig ka ba? Bakit di ka man lang dumiretso dito sa bahay?”
“Tinawagan ako, eh, biglaan lang ‘to, teka, lalabas lang ako ng club,” maya-maya ay medyo tumahimik na ang background niya, “hayan, maayus-ayos na. Nakakainis doon sa loob. May dalawang babaeng hindi yata magkaintindihan. Yung isa, order ng order ng tequila habang yung isa pinipigilan siya. Ang arte-arte pa. Muntik nang samain sa akin kung di lang ako pinigilan ng mga kasama ko. Tinabig pa yung digicam ko, ate, nakakainis talaga siya!”
Nagiging madaldal talaga si Vhea kapag naiinis at madalas ay sa akin niya yun kinukwento lahat. “Oh, siya, uwi ka na lang kapag tapos ka na diyan---“
“Uuwi na lang talaga ako! Ipapakita ko sa iyo ang mahaderang baabeng yun, ate, di hamak naman na mas maganda ka kesa doon, nuh! Kung di lang naka-heels, wala na siyang dating!”
Kahit papanu’y nabawasan ang bigat na dinadala ko. Ano kayang sasabihin ni Vhea kapag nakita niya akong miserable? Nasabi ko na sa kanya ang nangyari sa amin ni Eph at alam kong pinapagaan na lang niya ang loob ko. Kaya nga siya umuwi ng mas maaga dahil sa nangyari.
“Hayaan mo na lang, basta umuwi ka na,” napangiti ako bago binaba ang telepono.
Pagkababa ng aparato ay nakita ko na naman sina Zie na nakatingin sa akin.
“Okay ka na?” tanong ni Lucy.
Tumango ako. “Okay naman talaga ako, kayo lang ang nagsasabing hindi.”
“I’m so proud of you,” lumapit si Karylle sa akin at yinakap ako, “kung sana kasinglakas mo ako, di sana maayos din ang pakiramdam ko.”
“Karylle, umiiyak ka ba?” hindi ko naman makita kung umiiyak nga siya o ano kasi nga nakayakap siya sa akin. Pero naririnig kong pinipigilan niya ang pagsinghot niya ng malakas. Tumingin ako kina Una at nabasa ko sa mga bibig nila ang pangalang ‘Amiel.’ “Mga lalake talaga, oo,” maya-maya pa ay lumakas ang palahaw niya na di ko na naiwasang hindi sabayan.
“Oy, tama na,” sabi ng naiiyak na si Khloe at lumapit sa amin.
Hanggang sa nag-group hug na naman kami.
Hindi ko alam kung ano rin ang mga problema nila pero pakiramdam ko, may bigat din silang dinadala gaya ko.
Ganito pala kahirap magmahal, kailangan mo munang masaktan bago makamit ang kaligayahan... pero paano naman ako? May kaligayahan bang nakalaan para sa akin?
BINABASA MO ANG
What Boys Think: Ephraim
ChickLit☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ First book: What Boys Think: Ephraim Second book: What Boys Think: Joshua Third book: What Boys Think: Raphael Fourth book: What Boys Think: Francis EijeiMeyou®