[WB: Eph4]
Ashley’s POV
“Naku, bakla, saang giyera ka na naman sumabak at mukha ka na namang gerilya?” salubong sa akin ni Zie, ang kaibigan kong handang ipagpalit ang katawan makapag-may-ari lang ng isang robot.
Pinunasan ko na muna ang grasa na nasa mukha ko, wrong move kasi kumalat lang naman yun. “Magtigil ka nga,” akmang hahawakan ko siya pero agad siyang tumili na halos bumasag sa eardrums ko. Kagagaling ko lang sa may labasan dahil doon naka-park ang nasirang service van namin para sa flower shop at maging sa RTW shop.
“Yuck! Pwede ba? Gusgusin!” maarteng gumilid siya at binigyan ako ng daan.
“Kumusta ang shop?”
“Flower shop? RTW shop or yung Auto shop?” tanong niya. Kapitbahay namin siya pero dahil mag-isa lang naman siya sa bahay niya na ngayon ay ipapa-renovate daw niya at gagawing mas futuristic, sa amin na muna siya nakatira. Dalawa lang naman kami ng kaisa-isang kapatid kong si Vhea ang nakatira doon dahil nasa probinsiya ang mga magulang namin.
Oo nga, nuh? Tatlo nga pala ang shop namin, “RTW shop.” Matagal ko na kasing di nabisita ang shop naming iyon dahil sa pag-aayos sa nasirang service van. Kesa naman ipagawa pa sa iba naming tauhan sa talyer, bakit di na lang ako ang umasikaso? Marami pa namang nagpapagawa sa talyer ngayon, sayang din ang kikitain.
“Well, okay naman, bawi na tayo dun sa mga nasirang tsinelas nung isa plus isang linggo.”
Nag-init agad ang ulo ko nang maalala ang nangyari last last week, muntik na akong mamatay, binosohan pa ako---ang pinakamasaklap pa, sa gitna ng daan! Bastos ang lalakeng yun, walang silbi ang kagwapuhan niya kasi bastos naman siya, kunan ba naman ako ng larawan kung kelan namumulot ako ng mga paninda naming muntik na niyang sagasahan?! Isa pang nagpainit sa ulo ko, tinanong niya ako kung virgin pa ba ako! Sino ba namang matinong lalakeng magtatanong ng ganun sa isang babae? Ang sarap lang niyang hambalusin sa pagmumukha.
“Kumain ka na?” tanong ko, wala si Vhea, malamang nakipag-barkada na naman yun.
“Di pa, hinintay nga kita, eh. Kino-contact ko rin yung engineer na ni-refer sa akin nung kaibigan ni Den kaso di naman sinasagot ang cellphone niya, nakakainis yun,” nagmaktol na naman siya. Si Den ay boyfriend niya ‘sa ngayon.’ At iyong sinasabi naman niyang Engineer ay ang mag-a-asikaso sa pagrerenovate ng bahay niya, ang kaso, mukhang ‘not in good terms’ silang dalawa.
“Bakit kasi di na lang si Den mismo ang pagpasamahan mo na pumunta sa engineer na iyon?”
Nanghaba naman agad ang nguso niya, “alam mo naman iyon, nagpapayaman para makaipon agad para sa kasal namin.”
Pinaikot ko ang mga mata ko, pumasok na lang ako sa bahay at dumiretso sa kusina, naglabas ako ng makakain sa ref, “kasal? Talaga lang, ha,” di naman kasi lingid sa kaalaman ng buong barangay namin na babaero si Den, sadyang bulag lang talaga si Zie at di iyon makita.
Mukhang di naman niya inintindi ang patutsada ko sa kanya, nakatingin lang siya sa mga pagkaing nilalabas ko sa ref, “kakainin mo lahat yan? May digmaan ka bang sasabakan, bakla?”
“Gutom ako, eh,” dineadma ko na lang siya kesa sirain pa niya ang pagkain ko.
Nakakailang subo pa lang ako ng may kumatok sa pintuan.
“Saglit, ako na sisilip. Sige, kain ka lang at paghandaan mo ang himagsikang sasalihan mo mamaya, alam mo namang sinusuportahan kita kahit na saan ka pa magpunta, anumang gusto ang masuotan mo’t lahat-lahat na,” tinapik pa ni Zie ang balikat ko.
BINABASA MO ANG
What Boys Think: Ephraim
ChickLit☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ First book: What Boys Think: Ephraim Second book: What Boys Think: Joshua Third book: What Boys Think: Raphael Fourth book: What Boys Think: Francis EijeiMeyou®