[WB: Eph7]

1.6K 44 6
                                    

[WB: Eph7]

 

Eph’s POV

 

“So, here’s the plan,” nilatag ko ang papel na sinulat ko kagabi para sa Perfect Date namin ni Ashley bukas ng gabi. “Una, si Francis ang susundo kay Ashley, pero,” tumingin ako kay Francis, “layu-layuan mo siya.”

 

“Paano ko siya susunduin kung lalayuan ko naman pala? Eph, ang labo mo.”

 

“Shut up. And then, mag-aabang sa labas si Ethan,” tumingin naman ako kay Ethan na kanina pa napapa-facepalm sa akin---sa katunayan, lahat sila ay napapa-facepalm sa akin pero dine-deadma ko lang sila.

“Great, ako ang may-ari ng bahay, ako pa ang magiging gwardiya.”

 

“Thanks, Ethan,” hindi ko pinansin ang pagmamaktol niya. “Raph, marunong kang magluto, di ba?”

 

“No.”

 

“Great! Ikaw ang magluluto para sa date namin, be sure na masarap, ha?”

 

“Bingi na si Eph.”

“Ssh, maririnig ka pa rin niyan. Hindi yan bingi, in love lang.”

 

Napatingin ako sa hindi-naman-nagbubulungan na sina JM at Xhin. Ngumiti naman sila ng lagpas batok at nag-peace sign sa akin.

Tinuloy ko lang ang pag-e-explain sa kanila ng kung ano ang mga gagawin. Wala akong pakialam kahit na puro UGH at ESH ang mga naririnig ko sa kanila. Sa bilyaran nina Ethan ang naisip kong venue, bukod sa personalized na ang magiging date namin, makakatulong pa ang mga kaibigan ko.

Pinalakpak ko ang dalawang kamay ko, “now, work!”

Nagsimula na silang mag-ayos habang ako naman ang taga-sabi ng mga dapat gawin.

“Eph, okay na ba ‘to dito?” tinuro ni Amiel ang table na pinalalagay ko sa pagitan ng dalawang billiard table. Doon ang gusto ko, yung nakatabi sa amin yung mga billiard table, malawak naman ang pagitan nun. Nakita ko pa siyang nagpunas ng pawis na tumulo sa kanang pisngi niya.

“Pwedeng pakiurong ng kunti? Kunti na lang talaga,” kanina pa kami papalit-palit sa paglalagay ng table, hindi ko alam pero hindi ako makuntento.

“Ugh, sige,” at iiniurong naman niya.

“Eph, tong table cloth ba, yung kulay white or yung checkered na lang?” hawak-hawak ni Ethan ang dalawang table cloth na pantakip sa mesa.

Nilagay ko ang hintuturo ko sa sentido ko, “pwedeng pakisubukang dalawa?”

What Boys Think: EphraimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon