[WB: Eph15]

1.2K 28 5
                                    

[WB: Eph15]

Ashley’s POV

“Saan?” kausap ko ngayon si Eph sa telepono at iniimbitahan akong kumain sa labas. May salu-salo daw kasi at pili lang ang imbitado. “Sige, darating ako.”

“Sige, darating ako,” napatingin ako kay Zie, akala ko ay ginagaya ko, yun pala ay may kausap din siya sa telepono, mukhang gaya ko ay imbitado din siya, “kapag ba inhinyero ka, may pagkabingi na? Maglinis ka rin naman kasi ng tenga. No, I’m not maarte, you’re just so stiff and you don’t know how to loosen up. Yeah, yeah, hey! I’m pretty! Huh! Akala mo gwapo ka? Yuck lang? Bye!” mukhang di pa tapos magsalita yung nasa kabilang linya pero pinatayan na niya agad.

Humarap ako sa kanya, “in-invite ka din?”

“Nino? Nung bisugong inhinyerong kaedad ni Macario Sacay at kasing ugali ni Ferdinand Magellan? Oo,” sumimangot pa siya sa akin. Tinignan niya ang cellphone niya na parang yun si Ethan, “akala mo ang gwapo-gwapo mo, hindi naman, ang kapal-kapal mong makaluma ka!”

Kung tutuusin, mas gusto ko na si Zie ngayon kesa nung nakaraang araw. Naghiwalay na kasi sila ni Den at talaga namang lalamya-lamya siya noon pero mula ng magkasama sila ng ilang ulit ni Ethan, nagbalik ang dating Zie kahit na nga sabihing ilang ulit silang magkatampuhan sa isang pag-uusap lang. Yung pagre-renovate na nga lang ng bahay ni Zie, hindi pa sila magkasundo, eh, kaya hindi yun matapus-tapos. Pero minsan, nagdududa na rin ako kung bakit nga ba ang tagal ng improvement ng pag-aayos doon, but I’ll leave all the doubt to them. It’s not my story kaya di ako pwedeng mag-interfere sa kanila.

“Bakit ka daw in-invite? Tigil-tigilan mo na nga pang-aapi mo kay Ethan o diyan sa cellphone, kawawa naman yung tao,” natatawang saway ko sa kanya nang dinuru-duro pa niya ang cellphone.

“Group lamon daw, imagine? He called it ‘lamon’? Ayokong pumunta!” humalukipkip pa siya kasama ng nanghahabang nguso niya.

“Pero sinabi mong pupunta ka?”

“Hindi nga ako pupunta, hmp!” at tumalikod na siya sa akin.

“Oh, saan ka pupunta?”

“Magbibihis, tanghalian daw yun, eh, bilisan mo na lang kumilos at aayusan pa kita mamaya.”

Minsan talaga ang labong kausap ni Zie.

Napailing na lang ako, mahirap na kapag sinagot ko pa, baka biglang umatras at tuluyan na ngang di dumalo, nakakita pa naman ako ng ‘spark’ sa kanilang ‘pagbabangayan’ ni Ethan.

Naglinis muna ako ng bahay, wala naman si Vhea, nagpaalam na uuwi sa probinsya. Ewan ko sa batang yun at bigla na lang naging malungkutin nitong mga nakaraang araw, hindi ko naman matanong kasi laging umiiwas. Tsk, nagdadalaga na rin yata, mas maaga nga lang kesa sa akin.

“Ash! Matagal ka pa ba diyan?!” sigaw ni Zie mula sa kwarto namin sa itaas ng kwarto.

“Saglit lang,” sigurado akong may tatanungin na naman siya. Umakyat ako at pumasok sa kwarto. Nakita ko siyang may hawak na dalawang feather earrings, yung isa ay kulay pink at yung isa naman ay pula. Parehong aabot sa balikat iyon kapag sinuot.

“What’ya think? Alin sa dalawang ito ang sa tingin mo ay mas lalong mangpapanggalaiti kay Ethan? Yung tipong mag-aapoy ang lahat ng butas niya sa katawan?” excited pa niyang tanong.

“Wala, ako naman ang mag-aayos sa iyo ngayon,” sa tingin ko, hindi kasi iyon ang gustong palabasin ng tanong ni Zie, ang pagkakaintindi ko doon eh “alin sa mga ito ang sa tingin mong magugustuhan ni Ethan?”

“But---“ hindi ko na siya pinatuloy sa pagsasalita bagkus sa hinila na siya at pinaupo sa harap ng salamin. Siguro nga ay hindi ako magaling mag-ayos ng sarili ko pero alam ko naman paano pagandahin ang gaya kong babae sa simpleng pamamaraan.

“Ethan likes simple girls.”

“Oh?---sheez, Ash, not my hair,” parang maiiyak na sabi niya.

Tinanggal ko ang pagkakapusod paitaas ng buhok niya, naka-hair color din kasi siya ng burgundy pero ang natural na kulay ng buhok niya ay medyo reddish talaga. Binaba ko iyon at bi-nloweran, naging straight iyon, away from that ‘Zie look’ na sobrang daming arte sa buhok. “Simple, see?”

“And I’ll wear a penguin suit and they call me a ‘nun.’”

“Shh,” isinunod ko ang pagpapatanggal ng hikaw niyang kung ako siguro ang magsusot ay baka napigtas na ang earlobe ko. Hirap talaga kapag sanay sa sa pagsali sa mga kung anu-anong paligsahan ng pagandahan, gusto laging maganda, gusto magarbo, eh sa maganda naman na kapag simple lang.

Ako na rin ang nag-ayos sa make-up niya. Withouth all the colours on her face, she’s already beautiful, stunning, people say she looks like Shaina Magdayao, taller version nga lang si Zie. Pero ayaw niyang kinokompara ang ganda niya sa iba. Well, that’s Zie.

“I look like a---“

“Princess,” pamumutol ko ng sasabihin niya. Ako na rin ang pumili ng damit na susuotin niya, “magpalit ka na at ako naman ang mag-aayos, okay?”

“Keri.”

Iniwan ko siyang nakangiwi doon at ako nama’y pumasok sa banyo. Ako naman ngayon ang kailangang magpaganda. “Nag-iba ka na nga,” at umiling ako sa sarili ko. Ni hindi ako marunong mag-ayos noon pero ngayon, hindi na ako makalabas ng bahay na hindi man lang nag-a-apply ng polbo. Naco-conscious na rin ako kung magulo ba o hindi ang buhok ko.

Muli ay napailing ako.

***

Author: It’s a... Segway ulit para kina Ethan at Zie? Hirap talaga kapag first story sa series, kailangan mong iipit lahat ng pwedeng lumabas sa susunod na story. Sana maintindihan niyo ang marakulyo ko. Ugh.

Dedicated keh @RawrrRen28. Ako rin, nami-miss ko na ang Tropa.

What Boys Think: EphraimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon