[WB: Eph21]

1.1K 27 2
                                    

[WB: Eph21]

Eph’s POV

Pauwi na kami ni Ashley galing sinehan. Pagkatapos naming magsimba ay nanood muna kami ng Iron Man.

“Ihahatid ba kita sa inyo agad?” tanong ko sa kanya. “O itatanan na kita?” bakit ko nga pa pala itatanan kung pwede ko naman ng pakasalan agad-agad? Hmm, mag-aapat na buwan ko na rin naman siyang kilala---minamahal.

“Ulol,” nagbato siya ng isang pop corn sa akin, may natira pa pala sa kanya.

“Sagutin ko lang itong tawag,” tinaas ko ang phone ko sa kanya bago lumayo ng kunti. Naglalakad na kami papuntang parking lot. “Hello, Ethan?”

“In 10 minutes, be here.”

“Ha?” namatay kasi agad ang connection. “Problema nun?” maingay ang background niya, parang may nag-uusap na hindi ko maintindihan. Alam ko na kung saan niya ako pinapapunta. Saan a kundi sa bilyaran?

“Sino yun?” tanong ni Ashley sa akin.

“Kinontak ko yung wedding coordinator natin, bukas na daw ang kasal,” biro ko sa kanya.

“Sige ba. May wedding gown na bang nakahanda?”

Nabulunan pa ako. Hindi ko inaasahang sasakyan niya ang biro ko. “S-seryoso ka?”

“Kung seryoso ka, eh di, seryoso din ako,” natawa pa siya sa akin. “Isara mo yang bibig mo, baka pasukan ng kung ano,” sinubuan niya ako ng pop corn.

Nginuya ko yun pagkuwan ay nangingiting-naiiling ako. Inakbayan ko siya, hindi naman siya nagreklamo. Nararamdaman kong konting pagsuyo na lang sa kanya, mapapasagot ko na siya.

“Okay lang ba sa iyong dumaan sa bilyaran? Si Ethan kasi yung tumawag sa akin kanina, mukhang may importanteng sasabihin.”

“Hmm,” tumango siya, “kaya naman na ni Zie yung mga gagawin sa shop.”

Pinagbuksan ko pa siya ng pinto bago umikot para pumunta sa driver’s seat.

Hindi kami nag-iimikan habang nasa daan. Nakikinig na nga lang kami ng kanta. Minsan napapatingin ako sa kanya. Hindi ko pa rin talaga mapaniwala ang sarili kong ‘nagseseryoso’ na ako. Sa apat na buwan na pagkakakilala ko kay Ashley, iniwasan ko na talagang magkaroon ng kahit na anong sexual intercourse kahit na madalas ay tinatawanan ako ng mga kaibigan ko.

Anong magagawa ko? Tinamaan ng pana ni Kupido, eh.

Napatingin na naman ako kay Ashley. Ang simple niya talaga. Sa lahat ng babaeng nakilala ko at di-nate ko, siya lang ang nagtagal ng apat na buwan, siya lang ang hindi nag-imbita sa akin sa labas, at siya lang ang nakakapanakit sa akin ng pisikal. Sa katunayan, nagka-peklat ako sa pisngi dahil sa kanya pero ayos lang iyon, hindi naman niya sinasadya.

“Dito ka na lang ba maghihintay o sasama ka sa loob?” tanong ko sa kanya nang iparada ko sa harap ng bilyaran ang kotse ko.

“Sasama ako,” sabi niya at nauna nang bumaba. Sumunod naman ako. “Nasa taas ba sila?” tanong niya.

Nakakapagtakang hindi sila tumambay sa ibaba. Mukhang importante nga ito dahil nasa itaas sila. Hindi ko naman maiwasang kabahan. Ni minsa’y hindi natahimik ang bilyaran kapag kumpleto ang tropa.

“Ethan?” tawag ko. Pumasok na lang kami, hawak ko pa sa kamay si Ashley habang ginigiya siya sa taas ng bahay.

“Ephraim!” nakarinig ako ng malakas na tili bago may patakbong yumakap sa akin. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang kamay ni Ashley na kagaya ko ay nagulat din.

What Boys Think: EphraimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon