[WB: Eph14]
Eph’s POV
“Ngiting-ngiti, ah?” salubong sa akin ni JM.
Sa ngayon, nasa bahay nila kaming pito, sa bahay nina JM---or clinic na rin. Madalas din kasi kaming tumambay doon, palipat-lipat lang kami pero madalas ay sa bilyaran talaga ni Ethan. Nasa harapan kami kasi may nakalagay doong mesa at mga upuan na intended talaga para sa mga bisita at pasyente. Paboritong lugar din iyon ni JM kasi lagi siyang may sinisilip sa kabilang kalye.
“Naka-score, eh,” pagyayabang ko sa kanila. Nakapaikot kami sa isang mesa na kinalalagyan ng mga iniinom naming beer. Wala pa nga lang pulutan.
Nagsilapit naman agad sila at matamang nakinig.
“Score? Kama ba?” tanong ni Raph.
“Sofa?” si Xhin naman.
“Nakatayo,” binigyan ko sila ng tig-isang batok.
“Nakatayo?! How come did you do that?!” nahi-hysterical na tanong ni Francis habang natatawa lang naman sina Ethan at JM pagkatapos ay si Amiel ay patuloy lang naman sa pagbabasa.
“Are you sure that I’m the pervert and not you?” pumulot ako ng pebbeles at binato kay Francis, nasalo naman niya yun.
“Hey, not the pebbles, pinulot pa namin yan ni Claw,” angal ni JM, “Francis, akin na nga yan, wag niyong pinaglalaruan yan, ha,” kinuha niya ang bato kay Francis.
“Yeah right, JM, sabay lunok at sigaw ng ‘Darna,’” pang-aasar pa ni Francis sa kanya.
“But, Eph, how?” hindi nakatiis na tanong ni Ethan.
“We just kissed, what are you thinking?” natatawa ako sa kanila. Alam ko na kasi kung ano ang iniisip nila. Ganun na ba talaga ako kamacho para pag-isipan ng ganun? Well, I saw how Ashley gulped when she saw my body, that increased my self-confidence.
“You just kissed?” binaba ni Amiel ang binabasa niyang libro at tinanggal ang salamin sa mata, minasahe pa niya ang nosebridge niya pagkatapos ay ginamit ang eyeglass niya sa pagtuturo sa akin, “you are joking us. You can’t do that.”
“What? Hindi ba pwedeng naghalikan lang kami?” uminom ako ng beer. “Ask her.”
“Ow, come on,” sabay-sabay nilang sabi.
“Listen, I-am-serious.”
“You are fncking serious,” dagdag ni Raph.
“Yes, I am and I’m not entering any fncking relationsh1ts anymore,” masayang sabi ko sa kanila.
Lahat sila ay tinaasan ako ng kilay.
“Maybe a guy could live without s3x but not you,” umiling-iling si Ethan.
“Mukhang kawawa ang susunod kay Eph, ayoko na tuloy ma-in love,” tinungga ni Rap hang boteng hawak niya.
Napailing ako sa kanila. Halata namang lahat sila pasunod na sa akin, wala lang gustong umamin.
“Claw! Hi!” agad na tumayo si JM.
Siya, siya ang nahihita kong susunod sa akin ora mismo. Agad siyang ngumiti nang makita si Khloe na tinatawag niyang ‘Claw,’ ang kababata at kapitbahay niya.
“’Claw’hin’ mo ang mukha mo, oh, yan, pulutan niyo raw sabi ni Mommy,” nakasimangot na binagsak ni Khloe ang bowl ng mani sa mesa.
“Good evening, Khloe,” nakangiting bati ni Francis.
Siyempre, si Francis ang nagsalita kaya malamang lahat ng babae gaganti ng ngiti.
“Ganun din sa iyo, Francis, ganun din sa inyo maliban sa isa diyan,” madiin ang pagkakasabi niya sa ‘isa diyan’ sabay tingin ng pailalim kay JM. “Alis na ako, magsusulat pa kasi ako, eh.”
“You can extend the deadline, Khloe, no need to rush,” bilin ni Amiel. Empleyado kasi niya si Khloe sa publishing company na pagmamay-ari niya. Kung alam lang sana ni Khloe kung ano ang ginawa ni JM para lang mas mapadali ang pagkakaroon niya ng trabaho.
“Thanks, boss, pero kailangang matapos agad,” sumaludo pa si Khloe kay Amiel at kumaway sa amin bago umalis. Ni hindi niya tinapunan ng tingin si JM na kahit ganun ay ngiting-ngiti pa rin.
“Akala ko ba bati na kayo?” agad kong tanong pagkaupo ni JM.
“Bati naman kami noon pa, ah? Namulot pa nga kami ng pebbles, oh,” pagyayabang pa niya. Halata na ngang tinatarayan ng babae, naghahanap pa ng lusot para lang mapasaya ang sarili. Tsk, susunod na nga.
“So, Eph, kailan ang sakalan?” nauna na si Amiel na kumuha ng pulutan.
“Kasalan,” pinaningkitan ko siya ng mata.
“Sakalan, ayos yun ah.”
Binato ko ng mani si Francis at gumanti naman siya.
“Sinasayang niyo ang maning alam kong niluto ni Claw sa akin,” at pinagdamot na ni JM yung pulutan.
“Si Eph kasi.”
“Nauna ka kaya.”
“Ashley.”
“Louise.”
“Khloe!” kusang sumigaw si JM mag-isa. Mukhang siya lang yata ang proud na in love siya sa isang babae sa aming pito.
Nagkatinginan kaming anim pagkatapos ay kumuha ng tig-isang mani na binato sa ngiting-ngiting si JM. “Woooh, gutom lang yan.”
Kung ako lang talaga ang papipiliin, gusto ko na rin namang malagay sa tahimik---hindi sa sobrang tahimik---na buhay. We are not getting any younger. Gusto ko namang makitang magkaroon ng pamilya ang mga kaibigan ko, pero mukhang pangungunahan ko pa yata. Hindi ko nga lang sigurado kung ano ba ‘ako’ kay Ashley, kung may pag-asa ba ako o wala. Pero sana naman meron kasi seryoso ako sa kanya.
I’ve never been too serious in my life---ngayon lang at sa kanya lang. Not even my mom can dictate me to be serious.
“Ang lalim ng iniisip ni Eph, oh.”
Tumingin ako kay Xhin, “baliw, hindi, ah.” Inisang lagok ko ang natitira sa bote ko.
Baka hindi siya naniniwala sa aking seryoso ako sa kanya. If she only knew how much effort did I exert to stop my self from pinning her on top of my bed yesterday. Wala pa akong babaeng hinalikan na hindi nauuwi sa ganoon, siya lang. Kaya hindi ko rin masisi ang mga kaibigan ko kung bakit ayaw nilang maniwala sa akin, I’m different from the ‘Ephraim’ they knew before. But they can’t blame me, too, if I’ve changed because of one woman.
Maybe I’m obsessed with her but who cares? If obsession is love, then I am obsessed. It’s really true about what they say: “Hindi mo na iisipin kung corny ba ang sinasabi mo basta ang mahalaga, masaya ka kapag kausap mo ang mahal mo.”
***
Tunog bumabading na ba? Shemay lang, sana wag naman. Wah! Eh, babae naman kasi ako kung bakit ako pumi-POV ng lalake, nuh? Okay ka lang? Hahaha, I’m planning to finish this on the twentieth chapter, lewls, mahaba ba masyado? Teheee. Chus langs. :D
Dedicated naman ito kay @bluebonnet_lady teheee. *Q*
BINABASA MO ANG
What Boys Think: Ephraim
Chick-Lit☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ First book: What Boys Think: Ephraim Second book: What Boys Think: Joshua Third book: What Boys Think: Raphael Fourth book: What Boys Think: Francis EijeiMeyou®