[WB: Eph23]

935 21 3
                                    

[WB: Eph23]

Ashley’s POV

“Oh, gosh!”

“Is that her?”

“Sheez, it’s her!”

Naalimpungatan ako sa mga usapang naririnig ko. Nasa loob lang naman sila ng kwarto kung bakit kailangan pang magsigawan.

Medyo iniangat ko ang ulo ko para lamang makita silang nagkukumpulan sa harap ng PC ko. Maaga yata sila ngayon? Kagabi, hindi nila ako iniwan hangga’t di ako humihiga sa kama, baka daw kasi amgbigti na lang ako bigla sa sakit na nadarama ko.

“Zie?” medyo paos pa ang tinig ko.

“Oh, Ashley’s awake! Yung pictures dali!” narinig kong sabi ni Lucy.

Si Vhea ba yung nasa harapan ng PC?

“Anong picture?”

Hindi na nila ako sinagot, basta na lang nila ako hinila patayo ng kama at pinaupo sa harapan ng computer. Medyo pupungas-pungas pa ako at nanlalabo ang paningin habang inaaninag ang picture.

“Ash?” parang naghihintay sa himalang untag ni Khloe.

“Bakit? Picture ‘to ng mga kabanda ni Vhea, ano ngayon?” wala sa sariling nasambit ko. Bagsak pa rin ang mga balikat ko habang nakatitig doon. Pero unti-unti’y parang nabuhayan ako ng loob, kusang kumilos ang mga kamay ko at zi-noom ang picture, “this is her...” mahinang sambit ko. Tinuro ko pa yung nasa picture, yung babaeng nasa likod ng mga kabanda ni Vhea.

“Teka,” sabi ni Vhea, “kaninang pagdating ko, puro kayo ‘this is her’, eh, hindi ko naman maintindihan kung anong ‘this is her’ yang mga pinagsasabi niyo,” naguguluhan na tanong niya.

Tumayo ako at bigla siyang niyakap, natumba kami sa kama, tawa ako ng tawa na sinabayan naman nina Una, pinupog ko ng halik si Vhea, “ang ganda-ganda mo talaga!”

“Yuck, ate! Tomboy ka na ba?!” iniiwas niya ang mukha niya sa akin, “hindi ka pa nagmumumog!”

Inayos ko ang sarili ko, “it’s Melody,” masayang sagot ko sa katanungan niya kanina.

“Melody?” umupo na siya sa kama at pinunasan ang noo niyang nahalikan ko kanina, “you mean?”

“Vhea,” parang imbestigador na umupo si Lucy sa tabi ni Vhea at tumalbog pa ang kama, “anong in-order ni Melody doon?”

“T-Tequila?”

“Yes!” para kaming nanalo sa luto na nagtatatalon-talon sa kwarto.

Hinintay naming magreact si Vhea... hanggang sa lumiwanag na rin ang mukha niya. “You mean... hindi buntis si Melody?”

“Yes!” sigaw ko sa kanya at niyakap ulit siya. Nasa bar si Melody at nag-order ng tequila, hindi lang isa kundi marami. Kung talagang buntis ang isang babae, hindi siya iinom ng kahit na anong alcoholic drinks kasi makakasama iyon sa bata. At hindi ba’t ikakasal na siya? Bakit may oras pa siyang mag-bar?

“Okay, girls,” kumuha si Karylle ng papel at lapis sa tabi ng PC, “ganito ang plano.”

Mataman na lang kaming nakinig sa kanya habang nilalatag niya ang mga dapat naming gawin.

Nag-ayos na kami at umalis ng bahay. May pupuntahan kami. Hindi na nakasama si Vhea sa amin kasi may gig pa siya. Laking pasasalamat ko talaga sa kanya---maging sa picture na pinakita niya.

“There,” sabay-sabay naming binaba ang mga sunglasses namin at tinignan ang tinuro ni Lucy, iisang sasakyan na lang ang ginamit namin para hindi na kami maghiwa-hiwalay. “Yan ang restaurant na magke-cater sa kasal.”

Bago kami lumisan ng bahay ay ki-nontact muna ni Lucy si Raph at tinanong ang mga detalye sa kasal nina Eph at Melody. Ngayon nalaman na namin ang totoo, hindi na ako papayag na matali pa si Eph sa Melody na iyon. Kung maaari lang talaga sana, didiretsahin ko na si Eph na sabihang hindi buntis si Melody kaso bantay-sarado siya ng mag-ama. Bawat galaw ni Eph ay kasama niya si Melody o di kaya’y may guard na pinapasama si Heneral Kuwarios. Alam kaya niyang hindi talaga buntis ang anak niya? Ugh. O baka naman magkakampi sila? Sheez. Ano bang makukuha nila kay Eph if ever maikasal sila? Well, mayaman siya, gwapo, ano pa ba, eh, wala na?

“Hindi siya maganda,” kunwari nasusuka pa si Una, “one point for you.”

“Isang buwan lang meron tayo para magplano ng maayos,” wika ni Karylle, “anong gagawin natin? Laging nakabuntot si Melody, oh.”

“At hindi rin tayo pwedeng basta-basta na lang makipag-usap sa mga boys nang walang dalang ebidensya,” dugtong ni Khloe.

“Kung paaminin na lang kaya natin siya, kausapin?” ideya ni Zie na binawi din niya agad nang tignan namin siya ng masama.

“Keep your friends close... but your enemies closer,” ngumisi pa sa amin si Lucy.

Sabay-sabay kaming napa-hmm at sabay-sabay ring nagtinginan na parang may naisip na paraan para mapadali ang pambubuking kay Melody.

“Kung hindi natin siya madadaan sa mabuting usapan, daanin natin sa isang matalinong pamamaraan,” ako naman ang ngumisi sa ngayon.

Nagkanya-kanya na kami ng plano.

Operation: befriend fake pregnant fiancé ni mahal.

What Boys Think: EphraimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon