[WB: Eph12]
Ashley’s POV
“Sixth floor, room 608, right wing,” sabi ni Francis bago siya tuluyang umalis.
Huminga muna ako ng malalim bago tumuloy sa building kung nasaan ang condo ni Eph. Parang gusto ko na ngang umatras, eh. Kahit naman sino siguro talagang manginginig at mangingimi nang tumuloy. Paano kung wala siya doon? Eh di nagsayang lang ako ng effort at nagpagod lang ako? Paano din kung busy siya? Eh di makakaistorbo pa ako.
Natigil ako sa pagpindot sa elevator nang may isa pang ideya na pumasok sa isipan ko.
Paano kung may kasama siyang babae?
Paano kung...
“Esh,” lalabas na sana ako ng elevator pero sakto namang may mga pumasok at hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong lumabas.
“Miss, anong floor?” tanong sa akin nung isang babae.
“Six please.”
Naramdaman kong gumalaw na ang elevator. Nung nasa 4th floor na ay bumaba na ang babaeng nagtanong sa akin kanina, mas nauna pa siya kesa sa akin.
Sumunod na ay ako. nagdadalawang isip pa akong iapak ang paa ko sa labas ng elevator.
“Room 608...” huminga ako ng malalim at shinake ang mga kamay ko, patalun-talon din ako at bumubuga-buga ng hangin habang nasa harapan ng pinto ng kwarto. “Kaya mo yan, Ash, push mo yan, ginusto mo yan.”
Kumatok ako ng tatlong beses.
Walang sumagot.
Kumatok ulit ako. Mas malakas na.
“Ma, I said I’m not drinking any medicine,” nabosesan ko si Eph mula sa loob. Parang bagong gising ang boses eh magta-tanghali na.
Kumatok ulit ako. Anong gamot ang pinagsasabi niya?
“Ma, no.”
“’Mama’ ka diyan! Buksan mo na nga ‘tong pinto!”
“M-Ma?”
Walanghiya, kaboses ko ba talaga ang mama niya?! “Eph.”
Nakarinig ako ng pagbagsak mula sa loob at ang pag-‘ugh’ ni Eph.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang pag-‘click’ mula sa loob ng pinto. At tumambad sa akin ang hubad-barong si Eph.
Napalunok kami pareho pero nanalaytay lang naman ang mga mata ko sa pinagyayabang niya laging ‘abs.’ Akala ko pabula lang niya iyon sa akin maging sa mga kaibigan niya... pero... it’s a miracle!
“Ash?”
Napapikit-pikit ako at binalik ang mga mata sa kanya. “S-Sorry... ano kasi,” nakakawala ng konsentrasyon ang katawan niya. Naka-shorts naman siya pero walang sapin ang mga paa. Halata ding bagong bangon lang siya dahil gulu-gulo pa ang buhok nya. Napalunok ulit ako. “Mauna na ako.”
“Hey---no,” hinawakan niya ako sa braso.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Awtomatikong lumapit ako sa kanya at sinalat ang leeg niya, “sh1t tinablan ka ng sakit.”
“Ashley, naman, eh,” ngumiti siya ng malamya sa akin.
May sakit nga siya.
“Okay lang bang pumasok ako sa loob?” ako na mismo ang nagkusa. Kalimutan na muna ang kahalayang kanina pa nag-eenjoy sa pagpapaikot-ikot sa utak ko.
BINABASA MO ANG
What Boys Think: Ephraim
ChickLit☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ First book: What Boys Think: Ephraim Second book: What Boys Think: Joshua Third book: What Boys Think: Raphael Fourth book: What Boys Think: Francis EijeiMeyou®