[WB: Eph9]

1.4K 42 8
                                    

[WB: Eph9]

Eph’s POV

Una, nakita ko ang paghalik ni Ethan sa kamay ni Ashley at kung di lang ako napigilan nina JM kanina ay napalipad ko na sana siya palayo kay Ashley.

Ikalawa, kinakabahan ako at nasira ang paghaharana ko sana kay Ashley.

Pangatlo, hindi kami napagluto nina Raph at Xhin.

Huli, halos mamatay-matay ako sa sobrang usok sa loob ng kusina at pakiramdam ko ay magkakapeklat ako ng marami pagkatapos ng gabing iyon dahil sa mantikang walang sawa sa pagdikit sa akin.

Pero ngayon...

“Can we be like this like... forever?” wala sa sariling nausal ko habang nakatitig sa batok ni Ashley. Her back is a turn on for every man... but she’s a forever girl at hindi lang basta-bastang isang gabi lang.

Unti-unti siyang lumingon sa akin. There goes the familiar expression on her face, nakakunot noo na parang handa na akong pagtawanan anumang oras. “Huh?”

“I mean, like this...”

“Eph, gutom lang yan, hintayin mo na lang itong lulutuin ko.”

Kung ibang babae lang siguro ang nagsabi sa akin nun, malamang sinagot ko na ng: “I’m satisfied to eat you, honey.” Lahat naman ng babae sa akin, ‘honey’ ang tawag ko kasi di ko talaga makabisa ang mga pangalan nila. But Ashley’s different. Grabeng respeto ang binibigay ko sa kanya. She’s different from all of the other girls I went out with.

“Don’t you trust me?” bakit kaya ganun ang mga babae? Por que may history ang isang lalake sa pagiging ‘babaero’, tingin nila hindi na magbabago? And excuse me, hindi ako naging ‘babaero’, nagpaubaya lang ako sa bawat babaeng gusto akong makasama gabi-gabi... o kahit sa umaga. Sino ako para ipagdamot ang katawang inaangkin ko? Hindi ba’t sinabi nilang bawal magdamot sa kapwa? At mga babae yung humihingi ng atensyon, malamang gentleman ako, pinagbibigyan ko lang.

“Totoong sagot? Hindi.”

Ouch. “Ano bang kailangan kong gawin para maniwala kang totoo ako sa yo?”

Tumigil siya sa ginagawa, humarap siya sa akin at nilagay ang dalawang kamay sa mesa na namamagitan sa amin ngayon, “una, bastos ka. Ikalawa, wala pa tayong isang buwan magkakilala---“

“Kilala na kita for a month and 6 days, at 12 am, one month and one week na kitang kilala.”

“Okay, fine, uulitin ko, una, bastos ka---“

“What? Di ako bastos... maybe bastos nga pero hindi naman ganun katodo.”

Umiling-iling siya sa akin, “ewan ko sa yo,” tumalikod ulit siya at pinagpatuloy ang ginagawa.

“Ewan ko talaga sa akin but I’m dead serious.”

“Not now, Eph, I’m busy.”

Kahit nakatalikod siya ay alam kong nakangiti siya.

Masasabi kong kabisado ko na ang bawat liko ng mga babae pero pagdating kay Ashley, lagi akong palya. Hindi ko alam kung bakit pero yun yata ang kahinaan namin ng daddy ko, gaya ko ay kay mommy lang din siya sumemplang. Na-in love yata si daddy Jude sa bine-bake na cookies ni mommy Sabel sa kanya noon, eh. But they’re happy right now roaming around the world. How I wish, ako rin magiging ganun.

“Do you believe in destiny?” wala ulit sa sariling tanong ko.

“Ha? Destiny? Ano yun?”

“It’s not ‘ano yun’ but ‘sino yun.’ Ngayon ko lang nalaman na di mo pala kilala ang sarili mo.”

“Ang corny mo.”

Sabay pa kaming napatawa. Kung nandito lang sana sina Ethan, malamang binato na nila ako ng nakamamatay na tukso.

“But, really, do you believe in destiny?”

“No. Ikaw?”

“The moment I laid my eyes on you, yes.”

“Sheez.”

Hindi na ako magtataka kung bigla kaming sugurin ng mga langgam sa sobrang tamis ng mga sinasabi ko.

“Ashley, what’s your ideal man?”

“Hmm? Wala, eh.”

“Ouch, I was expecting you’ll answer ‘someone like you, Eph.’”

“Assumero, tigil-tigilan mo nga ako sa mga banat mong duma-Daniel Padilla at baka samain ka sa akin,” binato niya sa akin ang isang buong carrot na nasalo ko naman, “ibalik mo mga yan sa ref, sabi naman sa yong nilagang baka ang lulutuin ko at di kailangan ng carrots, eh.”

Nagkibit-balikat ako. sunud-sunod ang pamamato niya ng mga carrots pero nasalo ko naman lahat.

Nagsimula na siyang magluto.

Pagkaamoy ko sa niluluto niya, noon ko lang nalaman na hindi pa pala nagkakalaman ang tiyan ko mula kaninang tanghali. Yung dinala kasing merienda ni Karylle ay pinag-agawan ng mga timawang kaibigan ko at hindi ako tinirhan ni konti.

“Laway mo,” biro sa akin ni Ashley.

Kinindatan ko siya nang lumingon siya sa akin, “alam mo namang sayo pa lang, naglalaway na ako.”

Pinaikot niya ang mga mata niya sa akin. “Sige lang, konti na lang at maniniwala na ako.”

“Promise?”

“Naniwala naman agad.”

“Kahit naman yata sabihin mong nag-merge na ang Mars at Venus sa akin, maniniwala ako, eh. Basta ikaw ba ang nagsabi, maniniwala ako.”

“Ang corny mo talaga.”

“Sa iyo lang naman,” pasalamat na lang talaga ako at wala ang mga kaibigan ko.

Ilang minuto pa at kumakain na kami. Ni hindi na namin inayos ang magulong kusina nina Ethan.

Ako lang yata ang daldal ng daldal sa aming dalawa.

I would keep this moment with me forever.

 ***

Author: Short update na lang muna bilang naba-blangko na ako sa mga pwedeng mangyare. Err, meh nag-message kasi sa akin kung totoong tao daw ba si Ephraim at Ashley... ang sagot ko naman, si Ashley, hindi pero ang pagka-pervert ni Ephraim at si Ephraim mismo ay totoo. LOL.

Dedicated naman ito kay sissy @TwoFaceDiva, ang sissy kong pwetty, I disagree to put your new username “hindiakomaganda” kasi lie yan. Bad mag-lie.

Ang susunod na kabanata ay parang Segway sa susunod na kwento, si Xhin na lang muna siguro ang ilalabas ko. Lewls. :D

What Boys Think: EphraimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon