[WB: Eph24]
Eph’s POV
“Masasakal na ako sa kanya, pare, hindi ba pwedeng umuwi ka muna?” nasa loob ako ng CR ng condo ko habang pasilip-silip sa labas. Baka bigla na namang pumasok si Melody. Kausap ko si Xhin sa wireless phone, “I need you here!”
“Whoa, Eph, may sakit ka ba?” tinawanan pa niya ako, “I’ll be home a month from now. 'Di ba makahintay 'yang kailangan mong 'yan? And I heard, you’re getting married, kay Ash ba? Ayaw sabihin nina Raph, eh! Surprise daw---“
“That’s why I need you. Isang buwan na lang, ikakasal na ako. Ipapakasal ako sa isang babaeng isang gabi ko lang nakasama---“
“Nakasama o naikama?”
“Both. Darating ang mga magulang ko a week before the wedding, kailangang mauna kang umuwi bago ang mga magulang ko. I badly need you, okay? Hindi ko mapilit si Melody na magpa-ultrasound or yung ano, ano na nga bang tawag dun sa iniihian?”
“Pregnancy test.”
“Yun, so please, ikaw na lang ang makakatulong sa akin. Ayokong maikasal. Not with her, I want Ashley, I love her!”
“Ephraim, are you there? Don’t play hide and seek with me, honey!” narinig ko na naman ang maharot na tinig ni Melody sa loob ng kwarto ko.
“Sh1t, the demon’s here. Please, please, please---“
“Ah, you’re there!” malawak na binuksan ni Melody ang pinto ng CR at nginitian ako. gaya ng dati, halos luwa na naman ang kaluluwa niya.
Napangiwi ako ng lihim, “akala ko nanonood ka sa sala.” Araw-araw siyang nasa condo ko, kapag tumatanggi akong samahan siya sa kung saan-saan, nagsusumbong siya sa daddy niyang heneral, tinatawagan naman ako ni General Kuwarios para lang sabihing samahan ko daw ang magiging asawa ko. Nakakaduwal isipin.
“May kausap ka kanina?”
“Ha?” tinago ko sa likuran ko ang telepono, “wala, maliligo lang sana ako, he-he,” binuksan ko pa ang shower.
“Ah!” tumili siya ng pagkalakas-lakas nang matalsikan siya ng tubig. “Geez, sa sala lang ako.”
“Yeah,” pagka-alis niya ay pinatay ko rin agad ang shower. Napamura pa ako nang makitang pati ang teleponong hawak ko ay basang-basa na rin. Now, I need a new one.
Pagkalabas ko ng banyo ay nagpalit na agad ako ng damit, pupunta ako ng tambayan, matagal-tagal na rin akong hindi nakabisita doon. Kailangan ko ng kausap.
“You’re going somewhere without me?” sigaw ni Melody sa mukha ko nang magpaalam ako.
Ngayon pa lang ay nai-imagine ko na ang pagiging battered husband ko kapag kinasal kami.
“May kasunduan lang kami ng barkada, Melody, ngayon lang naman ‘to.” Ngali-ngaling ipunas ko ang palad ko sa mukha ko.
Namaywang siya kasabay ng pag-angat ng kaliwang kilay niya, “how can I be sure na walang babae dun? I know you, men, hindi kayo nakukuntento sa iisang babae lang kahit gaano pa siya ka-sexy at kaganda.”
Kung gaya lang niya, talagang hindi talaga ako makukuntento. “Umuwi ka na,” tipid na sagot ko sa kanya at basta na lang siya linagpasan. I don’t need to explain to her. Hindi ko nga rin kailangang magpaalam sa kanya, ni hindi ko siya naging girlfriend, diretso fiancé agad nang hindi man lang ako handa.
Walang lingong-likod na pinaandar ko ang kotse ko. Sana naman hindi na sumunod si Melody. Hindi pa kami kasal, ang dami na niyang pinagbabawal, ang dami rin niyang gusto, ang dami niyang pinapabili. Gusto ko na nga rin siyang tanungin kung ang mga credit cards at properties ko ba ang pinaglilihian niya at bakit tanong siya ng tanong tungkol sa mga iyon.
Pinarada ko sa harap ng bahay nina Ethan ang kotse ko. Gaya ng dati ay nasa bilyaran sila, nakaupo lang at walang ginagawa. Hindi mo iisiping propesyunal sila dahil para lang silang mga tambay.
“Si Eph, oh,” nakita kong nginuso ako ni Raph, nagpupunas siya ng mga billiard balls.
“Oy,” nakipag-high five sa akin si Francis, ngayon ko lang pinatulan ang mga trip niya. “Musta na ang ikakasal? Invited ba kami?”
“Shut up, Francis,” kumuha ako ng isang cue stick, “sinong lalaban?”
“Si Amiel,” walang gatol na sagot ni Ethan. Binato niya kay Amiel ang isang cue stick.
“Amiel?” nangunot ang noo ko. Lahat inaasahan kong makakalaban maliban kay Amiel. Ayaw na ayaw niyang makipaglaban hangga’t pupwede. “Game,” akala ko ako lang ang problemado, siya rin pala.
“Sino titira?” malamig na tanong niya habang inaayos ni JM ang mga bola.
“Mine,” pinuwesto ko ang mother ball sa gitna at tumira. Walang pumasok ni isa.
“Masaya ‘to,” nag-apir sina JM at Francis.
Tumira si Amiel, wala ring pumasok.
“Tsk,” nakita kong napailing sa amin si Ethan.
Sumunod ako, wala pa ring pumasok. Pangalawang tira ko na iyon pero wala pa rin. Tumira naman si Amiel pero gaya ng dati, wala pa ring pumasok.
Tama naman ang mga tantiya namin, kung gaano kalayo o kalapit at gaano kalakas o kahina ang pagtira pero bakit ganun?
“Hindi lang kasi yan dinadaan sa tantiya,” narinig naming wika ni Ethan, “dapat sinasapuso yan.” Kumuha siya ng isang cue stick sa katabing billiard table at tumira, may dalawang pumasok. “Minsan, ang buhay, parang billiards lang din, kung di mo iisiping mabuti ang bawat galaw mo, papalpak ka,” tumira na naman siya, may pumasok na naman. “Wag mong daanin sa mabilis na paraan, wag ka ring mag-iisip ng sobra dahil baka lalo ka lang madismaya,” sa isang tira niya ay may pumasok na dalawang bola. “Gaya lang din ng pag-ibig, hindi mo maiiwasang magkamali. Tao ka, eh, pero kung sa susunod na galaw mo, sigurado ka na at matibay ang loob mo, gaano man karaming harang sa harapan mo, mangyayari’t mangyayari ang gusto mo,” pinatalon niya ang mother ball sa isang bola at pumasok yung isang bolang tinamaan niyon. “Ganyan lang yan, at sa huli, magiging masaya ka,” at ngayon lang namin napansin na iisang bola na lang pala ang ipapasok niya. Sa isang tira niya, pumasok yun.
Nagkibit-balikat siya sa amin kasabay ng isang matagumpay na ngiti.
BINABASA MO ANG
What Boys Think: Ephraim
ChickLit☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ First book: What Boys Think: Ephraim Second book: What Boys Think: Joshua Third book: What Boys Think: Raphael Fourth book: What Boys Think: Francis EijeiMeyou®