[WB: Eph11]

1.3K 33 0
                                    

[WB: Eph11]

Ashley’s POV

“Wala pa rin ba si Eph?”

Sinulyapan ko si Zie na prenteng nakaupo sa monobloc chair habang pinapanood ako sa pagtatali ng mga orders sa RTW shop namin. “Wala pa, di pa yata dumating mula Palawan,” nagpaalam kasi sa akin si Eph na may kumuha ng serbisyo niya. Isa kasi siyang photographer... yun nga ang dahilan kung bakit ko siya napalo ng tsinelas noong unang beses kaming magkita.

“Eh dalawang linggo na nakakalipas mula nun, ah? Di ka rin ba niya tinatawagan?”

Dalawang linggo na ba? “Aba ma? Di naman kami para alamin ko kung gaano na siya katagal nawala,” umiwas ako ng tingin. At hindi naman sinasagot ni Eph ang mga tawag ko mula nang magpunta siya sa Palawan. Pakiramdam ko, may hindi amgandang nangyari sa kanya.

“Ahy? Di pa ba kayo? Kaloka, ha? sa tinagal-tagal niyong nagde-date, di pa pala kayo?”

“Manahimik ka nga,” tinapos ko an ang pagtatali, “pakipa-deliver na lang ito, uuwi ako ng bahay, may pupuntahan ako.”

“What? Where? Why?” maarteng tanong niya sa akin.

“Pupuntahan ko si Ethan, tatanungin ko ang address ni Eph.”

“Oh...”

Hindi naman lingid sa akin na may namamagitan na rin sa kanila ni Ethan mula nang maghiwalay sila ni Den pero di pa siya nagkekwento sa akin. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang mag-open ng topic.

Umuwi na ako at naligo ulit pagkatapos ay lumulan na sa dumaang jeep. Buti na lang at kabisado ko pa kung saan ang bilyaran nina Ethan.

“Snakes and Ladders tayo, Raph,” narinig kong pangungulit ni Francis mula sa loob. Kakatok na sana ako kaso mukhang busy naman sila sa paggawa ng ‘wala.’

“Ayoko, si Amiel na lang muna ang kulitin mo, pagod ako.”

“Amiel, snakes and ladders tayo.”

Pumasok na lang ako at nakita ko nga silang nanti-trip lang sa mga gamit ni Ethan doon.

“Kay Xhin ka na lang.”

“Xhin---“

“Si Ethan ang kausapin mo diyan.”

“Ethan---“

“Ayoko.”

Nakita ko kung paano nila tanggihang lahat si Franceis at natatawa ako sa ekspresyon ng mukha niya, parang batang tinalikuran ng mundo gayong simpleng paglalaro lang naman ng snakes and ladders ang gusto niya.

“Tao po?” kumatok pa ako ng mahina sa kahoy dun.

“Amiel, tao daw,” nakasimangot na pagtuturo ni Francis habang inaayos ang laro ng mag-isa niya. Mukhang balak pa ring ituloy yun kahit na wala siyang kalaban.

“Bakit ako? Bakit hindi ikaw?” tumingin si Amiel kay Francis.

Parang wala lang ako dun.

“Eh, ikaw tong pinaka-normal eh di ikaw yung ‘tao.’”

“Psh, hi, Ash, naparito ka?” lumapit sa akin si Ethan. Pinapasok na niya ako ng tuluyan.

“May balita ba kayo tungkol kay Eph?” diretsahang tanong ko kesa naman magpaliguy-ligoy pa.

“Ah, si Eph ba?” tanong ni Francis na may ngisi sa labi.

Napalunok ako bago tumango. Parang may balak siya, ah.

“Laro muna tayo ng snakes and ladders tapos ihahatid pa kita sa bahay nila,” mas lalo siya ngumisi sa akin.

Tumingin ako kina Ethan, lahat sila nagkibit balikat at parang sinasabing pagbigyan ko na ang isip-batang si Francis. Mukhang no choice nga ako kung hindi makipaglaro sa kanya. Sabagay, matagal-tagal naman na akong di nakakapaglaro ng ganun.

“Hayun, five ako,” tuwang-tuwang sabi niya nang siya ang mag-roll ng dice.

“Wala ka, six akin,” patol ko sa kanya.

Parang sineryoso naman niya ang laban. Nakinood na nga rin sina JM, Xhin, Ethan, Raph at Amiel sa amin.

“Yehey! Nanalo ako!” masayang tumayo siya na parang lotto ang napanalunan. “Ako ang Snakes and Ladders King! Woooh!”

Natawa na lang ako sa katuwaan niya. “Hatid mo na ‘ko.”

“Geh, geh, basta kaw, eh, laro ulit tayo, ha?” sumaludo siya sa mga kasama niya, “ihahatid ko lang ang reyna ni Eph sa kaharian nila. At gagawa sila ng maraming prinsesa’t prinsepe.”

Buti na lang at nasanay na ako sa mga ‘night jokes’ nina Eph at Francis kundi ay nakatikim na siya ng pagiging black belter ko gaya ni Eph noon. “Loko-loko ka talaga.”

Sumakay na kami sa kotse niya at nagsimula na siyang mag-drive, “nagsasabi lang ako ng totoo. Gwapo lang ako pero hindi sinungaling.”

“Feelingero din.”

“Natumbok mo,” tapos ngumiti ulit siya.

Sa kanilang lahat ay siya lang yata yung hindi nawawalan ng dahilan para ngumiti. Sa bawat oras kasi na nakikita ko siya, nakangiti lang siya at parang walang problema sa buhay. Kahit nga nagtatampo na siya, may makikita ka pa ring ngiti sa mga mata niya. “Bakit nga kaya di siya nagparamdam ng sobrang tagal?” hindi ko maiwasang itanong.

“Ayon oh, worried siya.”

“Hindi a-ah,” nag-iwas ako ng tingin.

“Okay lang maging in denial sa ngayon pero di pwede lagi,” he chuckled. “People are not getting any younger. Sooner or later, you need to internalize your self and ask... ‘What am I doing? What am I thinking? Am I sure of it?’  You know, questions like that for people like us, in times like this,” pagkuwan ay ngumiti siya, ngiti na hindi madalas makita sa mukha ng isang ‘Francis.’ Isang seryosong ngiti na magbibigay sa iyo ng pagkakataong mag-isip.

Oo nga... ano nga ba ‘kami’ ni Eph?

***

Author: kelangan ko na namang magbakasyon ng sobrang haba.

(/.\)      eat

(\^.^/) bulaga!

(~o_o)~ multo na ako.

(/.o)     takip isang mata

(o.\)     takip kabilang mata.

(^.^)     wala lang.

Wala lang talaga akong magawa kaya ganyan. Ahahaha. Dedicated ito kay @shemisip kasi natutuwa ako sa KANILA Lol.

What Boys Think: EphraimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon