[WB: Eph20]
Ashley’s POV
Hindi ko alam kung dapat ba akong maawa kay Eph na ginagamot ngayon ni Zie dahil nasugatan ko talaga ang pisngi niya. Pasalamat nga siya’t nakapag-nail cutter ako kahapon kung hindi, mas lumalim pa iyon.
“Ang sabi kasi, para sa babae lang ito,” idiniin pa ni Zie ang bulak na may alcohol sa pisngi ni Eph. Maya-maya pa ay tumayo na siya tanda na tapos na ang paggagamot niya. Namumula pa rin ang pisngi ni Eph. Tsk, kasalanan niya yun, manggulat ba naman kasi.
“Umiiyak kasi sina---“
“Magdadahilan ka pa, eh,” putol ko sa sasabihin niya sana. Humalukipkip pa ako sa kanya at tinignan siya ng pailalim.
Nakatayo kaming mga babae sa harapan nilang mga lalake na nakaupo sa mahabang sofa sa sala. Pare-parehong nakasalikop ang mga palad maliban kay Francis. Oo nga naman, wala nga pala siyang ‘partner’ sa amin.
“Nasa labas si Alex---“
“Ang sabi ko, bantayan mo. Iniwan mo naman?” binato ni Lucy kay Raph ang isang cd, nahati na iyon sa dalawa, “alam mo bang kaninang lumabas kami ni Una, yan ang nakita naming pinapanood ng mga bata?”
“Ano yan?” tanong naman ni Xhin. Kinuha niya yung CD at binuo na parang puzzle. Nag-whistle pa siya pagkabuo dun.
“Uy, bold, meron ka pala niyan, sana pinahiram mo na lang sa akin---“
“Francis?!” sabay-sabay naming sabi kay Francis na nanahimik naman agad.
Nangungunot pa rin ang mga noo naming mga babae. Bold na CD, iiwan sa isang lugar kung saan naroon ang mga bata? Ugh!
“Ikaw, lalake,” tinuro ni Zie si Ethan, “alam kong ikaw ang nagturo sa daanan sa likuran. Ikaw lang ang nakakaalam nun---“
“Zie, may hindi ka sinasabi sa akin,” naningkit ang mga mata ko kay Zie.
“A-Ano...” lumikot ang mga mata ni Zie. Alam kong lumalabas siya sa kalagitnaan ng gabi para lang makipagkita kay Ethan. Alam ko ring sa likurang pinto siya lumalabas para di namin mahalata ni Vhea. “Bakit ako ang papagalitan mo? Sila, oh!”
“Claw? Sorry na, si Eph ang may ideya---“
“Ginusto mo rin naman. Privacy naming mga babae, ini-invade niyo! Di ka na talaga natuto, JM, lahat na lang pinapakialaman mo.”
“Claw, naman...”
“Claw’hin mo ang mukha mo.”
BINABASA MO ANG
What Boys Think: Ephraim
Chick-Lit☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ First book: What Boys Think: Ephraim Second book: What Boys Think: Joshua Third book: What Boys Think: Raphael Fourth book: What Boys Think: Francis EijeiMeyou®