[WB: Eph18]
Ashley’s POV
“Okay, spin the bottle now!” maarteng nagtilian pa sina Zie at Lucy. Magkasundung-magkasundo talaga sila sa lahat ng bagay.
Nasa bahay kami ngayon kasi napagkasunduan naming magkaroon ng all-girls night out. Matutulog silang lahat doon ngayon at bukas na ng hapon uuwi, kasama namin sina Lucy, Karylle, Khloe at Una. Buti nga at ginustong bantayan ni Xhin ang pamangkin ni Una na si Ron at ganun din si Raph sa pamangkin ni Lucy na si Alexxa.
“Me! Ako na,” tuwang-tuwa pa si Zie habang hinihintay kung kanino titigil ang bote. “Gotcha! Una,” nag-isip siya, “truth or dare?”
“Hala? Dare na lang!” kahit naman siguro ako, sa dare na lang pupunta kesa naman sa truth na mapapaamin agad-agad.
“Punta ka sa rooftop and shout your feeliings about Xhin,” lahat kami ay na-excite sa dare na binigay ni Zie kay Una.
“Game,” tuwang-tuwang tumakbo pa si Una paakyat sa rooftop.
Ilang sandali pa ay nagtilian na kami dahil sa narinig naming sigaw ni Una na: ‘I love you, Xhin!’ tapos sinabayan pa niya iyon ng malakas na tili na mas lalong nagpa-excite sa amin sa pagpapatuloy sa paglalaro.
Nang bumalik na siya ay tinukso-tukso pa namin siya.
“Iiikot ko na,” sabi niya at ti-nurn ang bote.
“Oh my, it’s mine,” hinawi pa ni Lucy ang buhok niya habang hinihintay ang tanong ni Una, “you’re so tagal. Mine’s truth.”
“Truth...” nilagay ni Una ang hintuturo niya sa sentido niya, nag-iisip kung ano ang magandang itanong, “anong ginawa niyo ni Raph sa Batangas?”
Nagkasama kasi sina Raph at Lucy sa Batangas noon dahil kinailangang magtago ni Lucy sa mga nagbabanta sa buhay niya. Hanggang ngayon pa naman ay may nagbabanta pa rin sa buhay niya, ewan ko lang kung bakit sila nagbalik dito sa Maynila.
Naghintay kami ng isasagot niya.
“Should I state everything?”
“Hmm? It’s up to you,” sagot ni Una.
“Let’s just put up this way, hindi kami nagtitigan the whole day ‘cause that would be boring,” ni walang kiyemeng sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ni Zie, “oh my gosh, you did it?”
BINABASA MO ANG
What Boys Think: Ephraim
ChickLit☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ First book: What Boys Think: Ephraim Second book: What Boys Think: Joshua Third book: What Boys Think: Raphael Fourth book: What Boys Think: Francis EijeiMeyou®