[WB: Eph25]

996 25 2
                                    

[WB: Eph25]

 

Ashley’s POV

 

“Balita, girls?” naka-conference call kaming anim: Khloe, Lucy, Zie, Una, at Karylle. Hiwa-hiwalay kami ng pinuntahan, nagmamatyag lang kami.

“Nasa akin na ang schedule nila sa reception,” sabi ni Una.

“Pati yung sasakyang gagamitin, nasa akin na ang plate number, lalo na yung kay Melody,”sabi naman ni Khloe.

“Ikaw, Ash, musta diyan?” tanong ni Lucy.

“Nakita ko si Melody kanina, baka nasa loob pa,” nasa restaurant ako ngayon kung saan o-order’in ang mga pagkaing ihahanda sa reception.  “Wait, palabas na siya,” binaba ko na agad ang cellphone. Binaba ko na rin ang sunglasses na suot ko para hindi niya ako mamukhaan, nung malapit na siya ay saka ako ako tumayo at akmang aalis na pero kunwari ay bumalik ako, sa pag-ikot kung iyon ay nabangga ko siya. Sinadya kong patamaan ang tiyan niya.

“Gosh!” maarteng bumuka pa ang nangingintab na mga labi niya.

Tinignan ko lang siya ng diretso sa mga mata pero alam kong di niya iyon alam dahil nga sa suot kong shades, “excuse me,” medyo pinababa ko pa ang boses ko at tinalikuran na siya. “It’s confirmed,” napabulong ako sa sarili ko kasabay ng hindi maipaliwanag na pagbubunyi ng kalooban ko.

***

“Ash?”narinig ko ang boses ni Una sa maliit na aparatu na inilagay mismo ni Xhin sa likuran ng leeg ko, pare-pareho kaming lahat na mayroong ganun sa likuran ng leeg, iyon ang gagamitin namin para makapag-usap na hindi na kinakailangan pa ang cellphone.

“Nasa bahay pa lang ako,” sagot ko. Hindi naman kalayuan ang simbahan na gaganapan ng kasal.

“May mga guards sa labas ng simbahan, ang sabi ng wedding coordinator, pinalagay daw ni General Kuwarios para display lang pero hindi kami naniniwalang display lang sila,” boses naman iyon ni Lucy.

“Kaninang pumasok kami ni Ethan, talagang tinignan pa nila ang mga pangalan namin sa invitation. Girl, paano na ‘to?” sabi naman ni Zie. Bakas sa boses nila na nag-aalala na rin sila.

Kung hindi ako makakapasok sa simbahan... “hmm? Change of plans,” wika ko saka ulit ngumiti kahit na alam kong hindi naman nila makikita. “Ganito,” at isa-isang inilahad ko sa kanila ang plano ko.

***

Eph’s POV

 

Kung pwede lang sanang hindi na dumalo sa sinumpaang kasal na ito ngayon, talagang hindi ako pupunta. Ang kaso, parang may imaginary na kamay na sumasakal sa akin at iyon ay ang mga tingin at banta ni General Kuwarios. Panagutan ko daw ang ginawa ko sa anak niya.

Ikinalat ko ang paningin ko sa loob ng simbahan. Namataan ko si Xhin, sinubukan kong kunin ang atensyon niya, bawal din kasi akong lumapit sa mga kaibigan ko, iyon ang isa sa mga babala ni General.

What Boys Think: EphraimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon