Chapter 26: November Rain

8 0 0
                                    

Ilang araw na rin kami hindi nag-uusap ni Leal at gano'n din saakin si Kuya until now ay hindi ko pa rin siya kinakausap. Palagi na rin siyang late umuwi kaya nag-aalala na rin sa kan'ya si Mama. Kahapon ay pumunta ako kala Kiya dahil nandoon silang lahat pero wala si Azra, isa rin siyang hindi ko pa nakakausap, nalulungkot tuloy ako, ngayon na ang alis ko papunta sa Japan pero hindi ko pa rin sila nakakausap. "Mag-iingat ka ro'n, anak, huh?" sabi ni Mama habang tinutulungan ako mag-ayos ng gamit ko, pinipigilan ko maiyak dahil ayoko maiyak sa harapan ni Mama. "Palagi ka mag-cchat saakin at sa Kuya mo, h'wag mo papabayaan ang sarili mo ro'n, anak." Hinawakan ko ang kamay niya ay nginitian siya.

"H'wag ka mag-alala, Mama, mag-iingat po ako ro'n, lagi ko po susundin 'yung bilin mo." Sabi ko at nag-yakap kami, tinignan ko naman si Zild na sa pintuan ng kwarto ko, siya kasi ang mag-hahatid saakin sa Airport. "Aalis na po ako, Mama" sabi ko at niyakap ko ulit siya.

"I'm sorry kung hindi kita masasamahan sa Airport. Zild, ikaw na muna ang bahala sa kan'ya, ha?" tumango naman si Zild at inalalayan ako kunin ang gamit ko, bumaba na rin ako at sinundan siya palabas. Mamimiss ko rito, sayang lang ay hindi ako na kapag paalam kay Kuya, pati na rin sa kan'ya, kumusta na kaya siya? miss ko na tuloy siya.

"Let's go, Ainsley." inalalayan ako ni Zild makasakay sa frontseat, nakita ko pa ro'n si Mama sa labas ng bahay kaya kumaway din ako sa kan'ya, at pinaandar na rin ni Zild 'yung kotse niya. "Nakapag-usap ba kayo?" bumigat tuloy 'yung pakiramdam ko sa tanong niya.

"H-Hindi pa..." sabi ko at umiwas ng tingin, ayokong makita niya ako na umiiyak.

"Why? aalis ka na nga rito, hindi pa kayo mag-kikita?" sabi nito, hindi ko na lang siya pinansin at kinuha 'yung cellphone ko, siguro ay i-ttext ko na lang siya, wala na rin kasing oras kung mag-kikita pa kaming dalawa. Tahimik lang kami buong byahe dahil pakiramdam ko na feel din ni Zild na ayoko 'yon pag-usapan. Nang makarating na kami ay agad kami pumasok sa airport, maaga pa naman 'yon kaya nag-stay muna ako sa waiting area. "Wait for me here, Ainsley, pupunta lang akong restroom." Tumango na lang ako sa kan'ya at sinundan ko siya ng tingin habang papalayo. Mamimiss ko rin si Zild dito, pati na rin 'yung mga kaibigan ko. Kinuha ko 'yung phone ko dahil nag-vibrate 'yon at nakita ko naman 'yung message niya.

From: Babe

"Okay, keep safe..."

Iyon lang ang sasabihin niya? grabe! I can't believe! bahala siya, kung ayaw niya ayusin pwes! aalis na lang ako. "Angel..." napatigil ako at nakita ko si Kuya sa harapan ko, tumulo ang luha ko at tumayo ako para yakapin siya. "I'm so sorry.."

"Kuya, bakit ngayon pa? aaalis na ako, kuya. Mamimiss kita nakakainis naman, eh!" iyak ko pa rin at hinarap niya ako para punasan ang luha ko. "Kung kailan aalis na ako tska mo ako kakausapin, bahala ka! mamimiss mo rin ako." Para akong tanga sa harapan niya na tumatawa habang umiiyak. Mamimiss ko talaga si Kuya lalo't sa problema na rin na kinahaharap niya ngayon hindi pa rin 'yon maalis sa isipan ko.

"I'm sorry, little angel. Don't worry, kakausapin ko na si Hamada, pero please h'wag mo na masyado iisipin 'yon, okay? I want you to focus there, Ainsley. Please, take care of yourself, wala ako ro'n para bantayan ka. H'wag ka mag-alala bibistahin ka namin ni Mama, palagi ka tumawag at mag-tex-"

"Opps! alam ko na 'yan, kuya. Don't worry mag-papakabit po ako ro'n, mamimiss kita, kuya!" niyakap ko ulit siya at gano'n din siya saakin, sana naman ay maayos na rin nila ni Kuya Hamada, at Azra 'yung problema nila, dahil ayoko masira silang tatlo. "I love you, kuya.

"I love you more, Little Angel." napangiti ako, mamimiss ko 'yung tawag saakin ni Kuya nito.

"It's time" tinignan ko si Zild na sa likuran ko na pala siya. "Ainsley, take care of yourself, okay? I'm sorry kung hindi kita masasamahan hanggang Japan. My dad needs me for our business, babawi ako sa'yo." Lumapit ako sa kan'ya at niyakap ko siya, ang saya-saya ko dahil until now ay nandito pa rin si Zild para saakin.

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now