Chapter 14: Bracelet

54 32 5
                                    

Nagising ako sa tawag nang kung sino kaya na pabangon ako at tinignan ko kung sino 'yon. Rhantatina! 6:30AM palang sobrang aga naman nito? excited ba siya?

"Hoy! ang aga-aga pa ginising mo ako" nakakainis naman kasi ang sarap ng tulog ko tapos ganitong oras pa niya naisipan tumawag, may sira talaga 'to eh!

"Opps, I'm sorry, I'm just excited for later" halata sa kan'ya na natatawa siya pero pimipigilan niya 'to.

"Inaantok pa nga ako eh, potek naman oh! bakit ba kasi ano na naman kailangan mo?"

"Chill, I just wanted to hear your voice. Good morning." Napatigil ako sa sinabi niya, ano na naman trip nito? "You still there? get ready dahil pupuntahan kita sainyo. Also may practice rin raw tayo later"

"Ha! agad-agad? ang aga pa ah! hindi pa nga tumataas 'yung araw ni manok dito hindi pa tumitilaok." Nakakainis naman, at oo nga pala may practice pa kami bakit hindi ko naisip 'yon bago ako pumayag sa alok niya. Binaba ko na lang 'yung phone dahil matagal din ako mag-ayos, bibilisan ko na lang, pero gusto ko muna mag-jogging. I wore my pants, and sports bra, nag-suot na rin ako ng rubber shoes ko. Vago ako lumabas nag-luto muna ako ng hotdog at cornbeef para sa almusal ni mama at kuya. Habang nag-jjogging ako nag-ssoundtrip ako dahil do'n ako nasanay ilang oras na rin ako sa labas kaya nag-pasya akong umuwi.

"Bakit ang aga mo magising? may lakad ka ba?" tanong ni kuya habang nag-babasa ng newspaper.

"Ah! kuya, may practice kami mamayang hapon sa school" Sabi ko habang nag-pupunas ng pawis.

"Mamayang hapon pa naman, ah! bakit ang aga mo magising?" Ito na naman siya sa pagiging papansin, hmp!

"None of your business! where's mama" tanong ko rito, ano kaya magiging reaction niya kapag malaman niya na si Leal 'yung kasama ko mamaya. Oo nga pala! pupuntahan niya rin ako rito huhu, hindi ako makakalusot.

"Umayos ka ha! kumain ka na r'yan, wala si mama may pinuntahan." Sabi ni kuya lalapit na sana ako pero may narinig akong busina sa harap ng bahay namin. What the fuck!

"Sino 'yon?" nag-lakad siya palabas habang ako tumakbo sa kwarto ko at dumso sa cr para maligo.

"Shocks! bakit sobrang aga baka ano pa isipin ni kuya, eh!" Punyeta siya! tinotoo nga niya na aagahan niya, bahala siya r'yan babagalan ko. After ko maligo I decided to wore my black sleeveless and skirt, nag-mary jane shoes na lang ako at inayos ko rin 'yung hair ko. Pag-kababa ko nakita ko si Leal nakaupo sa sofa habang kausap si kuya nakasuot siya ng black shirt and denim shorts, bagay 'yon sa kan'ya kahit simple lang.

"Hindi mo sinabi na may date pala kayo?" asar ni kuya, nilakihan ko 'to ng mata. Nakakainis h'wag niya ako umpisahan.

"Hindi 'to date 'no! tara na nga!" I said at hinila siya palabas, nag-paalam pa ito kay kuya kahit hila-hila ko siya.

"Keep safe! ingatan mo kapatid ko, yari ka saakin kapag may nangyaring masama r'yan" pag-babanta niya, siguro OA ang tao na 'to.

Tumango lang siya at tinignan ako. "Let's go?" sabi niya tutulungan niya dapat ako buksan ang pinto pero inunahan ko siya. Kaya ko 'no, bleh! Napataas siya ng kilay at umikot para pumunta sa driving seat.

"Saan ba tayo pupunta?" I asked, ang random kasi ng yaya niya, pero bakit naman kasi ako pumayag? mukhang date nga tuloy 'to dahil kaming dalawa lang.

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now