Chapter 22: Disney Princess

52 10 18
                                    

"'Love?" I looked at him, mukha siyang nag-aalala sa kalagayan ko, kanina pa kasi ako nakatulala, iniisip ko pa rin 'yung nangyari saamin ni Keon, siguro nakaalis na siya sa Pinas. "Are you okay? Is there something wrong? kanina ka pa tulala" he held my hand at hinalikan 'yon.

"Ah! wala lang, inaantok lang siguro ako." Nandito kami sa classroom, wala kaming prof ngayon kaya kanya-kanya kami ng ginagawa.

"You can sleep on my shoulder" he tapped his shoulder at sumandal naman ako ro'n.

"Malapit na ako mag-birthday, bakit kinakabahan ako?" hindi ko naman 'to na f-feel dati eh, dahil ba 'to sa ipapakilala ako ni Leal sa mommy niya after ng birthday ko?

"Why, baby?"

"Kinakabahan ako sa mom mo" he held my fave at tinignan ako sa mga mata ko, ang ganda talaga ng brown eyes niya, hindi ko tuloy mapigilan mapa-ngiti.

"Don't be, I'm always here, love. I won't leave you, and I'm sure magugustuhan ka ni mommy" ngumiti ito sa'kin at hinalikan ako sa noo. "I love you so much, I'm sure magugustuhan mo 'yung gift ko sa'yo!"

"Why? ano 'yung gift mo?" hindi ko tuloy mapigilan ang mapa-ngiti, na-excite ako hehe!

"Secret!" dahil do'n ay hinampas ko siya, hmp! edi sana hindi na lang niya sinabi, diba? "Ouch, ah! puro ka hampas, kiss na lang" bigla naman niya ako hinalik-halikan.

"Yuck! PDA!" napatigil siya sa kakahalik sa'kin nung marinig si Kiya, masama ko itong tinignan kaya ngumisi ito at umupo na sa upuan niya tinignan ko naman si Adam na tahimik lang sa tabi niya napataas ang kilay ko nang kunin ni Adam ang bag niya at lumipat ito ng pwesto.

"Until now, hindi pa rin sila nag-kakaayos?" he asked.

"Yes, pero hayaan muna natin 'yung dalawa parehas naman silang marupok" tumingin ako sa harapan nakita ko naman si Verielle na kausap si Rylie, okay na kaya sila? hays! pati lovelife ng kaibigan ko naiisip ko pa. "Love, I'll go the rest room"

"Okay" Nag-focus na siya sa phone niya at nag-lakad palabas ng classroom. Habang nag-lalakad ako nakita ko pa si Zild may kasama siya ngumiti naman ako nang mag-katinginan kami, nag-lakad na lang muli ako patungong restroom at pag-bukas ko ng pinto may nakita akong isang familiar na tao may sinisigawan siyang babae na ngayon na sa sahig na, nanlaki ang mata ko nang makitang marumi 'yung uniform ng babae kaya agad ko naman itong nilapitan.

"Hey, okay ka lang? ta- aray ko!" Napatingin ako kay Zaireliana sinubukan niyang hawakan ang braso ko agad ko naman inawi ang braso ko at masama siyang tinignan. "Gusto mo na naman ba ma-expel? tumigil ka na!" Tinignan ko naman 'yung iba niyang kasama.

"The hell u care? pwede ba umalis ka sa harapan ko bago? ko pa ilagay 'yung mukha mo sa toilet bowl!" sa sobrang lakas ng boses niya ay nag-echo 'yon sa restroom, tinignan niya ulit 'yung babae at nilapitan. "At ikaw babae ka alam mo isang sagot lang 'yung hinihingi ko sa'yo bakit ayaw mong ibigay!" hinila niya pa 'yung buhok ng babae, agad ko naming tinulak si Zaireliana kaya napatalsik siya.

"Just stop, Zaireliana! wala ka na talagang konsensya!" tinulungan ko naman 'yung babae, sobrang namamaga na rin 'yung mukha niya kakaiyak.

"Wow! saan ka kumuha ng lakas na loob? porket girlfriend mo na si Rhant? bitch! I'm not scared!" ang tapang talaga niya pinag-cross niya ang dalawang braso. Napangisi ako at hinawakan ang kamay nung babae.

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now