Chapter 25: Regret

40 5 0
                                    

Hindi ako makapaniwala na nakalagay na 'yung picture namin ni Leal sa bulletin board sa school. "Grabe, Queen and King of the Night, iba talaga kapag may ari ng school 'yung boyfriend!" natawa naman ako sa sinabi ni Kiya habang tinitignan 'yung picture sa cellphone niya. Nung gabi kasi na 'yon ay hindi kaagad kami nakababa sa field ni Leal dahil nag-stay kami sa rooftop.

"Engage na kayo?" nagulat ako sa sigaw ni Verielle habang tinignan 'yung singsing sa daliri ko, hindi ko pa pala nasasabi sa kanila.

"Gaga, promise ring 'to" sabi ko rito kaya natawa naman sila.

"Kailan ba kasi kayo ikakasal?" tanong ni Kiya.

"Ewan ko sainyo!" natawa naman sila lalo at tinignan ko si Verielle. "Okay na ba kayo ni Rylie?" mukhang masaya na kasi siya, eh.

"Yeah, we're good, super good!" kitang-kita na naman sa mga mata niya na sobrang saya niya, mabuti naman ay okay na sila.

"Akala ko pa naman ay end game mo na si Vince" natawa naman kami kay Ambi na biglang sumingit. "Ito si Chrys oh, h'wag kayo riyan, after graduation ay pupunta sila New York ni Keon!" nagulat naman ako ro'n.

"Wow, iba talaga 'yan si Keon, huh? at isa pa kaibigan ko lang si Vince, duh! he knows the plan" sabi ni Verielle at kumindat. "Eh, ikaw Kiya, kumusta kayo ni Adam?" bigla naman ito natahimik at tinignan si Azra na papalapit saamin. Nandito pala kami ngayon ni Azra sa bahay nila dahil may sasabihin daw ito saamin.

"H'wag na natin pag-usapan 'yan, nandito tayo para kay Azra. Azra, are you ready na ba para sabihin?" tanong nito, tinignan ko si Azra mukhang kakagaling lang nito sa iyak dahil sobrang namamaga 'yung mga mata nito.

"My mom changed her plans, she want me to go to Japan after graduation, akala ko sa 2nd year pa" nalungkot naman ako sa sinabi niya kaya lahat kami ay tinabihan siya.

"Do you agree with that? wala na ba ibang chance para mabago 'yung isip ni Tita?" tanong ni Aeiona, habang hawak-hawak si Azra.

"I can't do nothing, I don't know what to do anymore ako na lang 'yung chance para sa business namin at saakin lang 'yon inaasa ni Mommy, and she wants me to get marry sa taong hindi ko mahal!" nagulat na kami sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala, paano na si Kuya?

"Ha, ano? paano si Isaac? bakit naman gano'n?" sabi ni Verielle at halatang naiiyak na rin.

"He knows already, hindi ko na kaya, wala akong magawa kahit ayoko hindi ko pwede suwayin si Mommy dahil wala na rin si Dad ako na lang ang inaasahan ni Mommy, hindi ko na alam ang gagawin ko." lumapit ako kay Azra para yakapin siya, sobrang bigat ng nararamdaman ko, naiyak na rin ako sa nangyayari hindi ko alam kung anong sasabihin ko at alam ko mahirap 'yon para kay Azra. "I'm so sorry, ate Ainsley. Mahal na mahal ko si Isaac, hindi ko siya kayang saktan"

"I'm so sorry to hear that, Azra, mahal na mahal ka rin ni kuya, h'wag kang mag-alala kakausapin ko siya." Niyakap namin lahat si Azra at pakiramdam ko lahat kami ay mabigat na rin ang nararamdaman dahil sa nangyari kay Azra. Malapit na rin 'yung graduation namin kaya mas lalo ako nalulungkot para kay Azra. Nang makatulog siya ay inalalayan namin siya dalhin sa kwarto niya.

"Ries, paano si Isaac?" tanong ni Aky, hinawakan ko siya at kahit masakit ay ngumiti ako rito.

"Ako na ang bahala, kakausapin ko si Kuya" nag-paalam na rin ako sa kanila dahil kailangan ko makausap si Kuya. Nag-taxi na lang ako pauwi at dali-dali ako dumiretso sa bahay, wala ro'n si Mama at hindi ko rin nakita si Kuya sa living room kaya dumiretso ako sa kwarto niya. Napatigil naman ako dahil sa sitwasyon ni Kuya, nakahiga siya ngayon sa sahig ng kwarto niya at sobrang gulo rin ng kwarto niya. "Kuya!" nilapitan ko ito at hinawakan ko ang likod niya para ilagay sa hita ko. "Kuya, mag-usap tayo, please!" hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko dahil sa sitwasyon nila ni Azra, sobrang namamaga rin ang mata ni Kuya.

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now