Chapter 8: Feelings

59 35 13
                                    

"Girls, na balitaan n'yo ba 'yung nangyari kay Zaireliana?" tanong ni Verielle dahil dito tumingn naman kami rito.

"Bakit, what happened?" tanong ni Aky, kinabahan tuloy ako bigla.

"Alam n'yo ba, mag-papakamatay dapat 'yan kahapon dahil hindi siya binalikan ni Zild" She said, nagulat naman kami sa sinabi n'ya. Agad lumapit si Ambi at tumabi kay Verielle. Akala ko ba may kinakasama na siya? bakit gusto niya pa balikan si Zild?

"Huh? diba si Zaireliana raw 'yung nakipag-break? bakit s'ya pa 'yung may lakas loob na mag-pakamatay." sabi nito at tinignan kami, sinuko naman siya ni Aky.

"Pinigilan siya ni Zild, na sa park kami kahapon nila Rylie, diba? then nakita namin si Zaireliana na nasa gitna ng daan, ayaw niya umalis do'n kahit may mga pulis na." sabi nito, grabe, ano kaya ginagawa niya sa buhay niya?

"Nagka-balikan ba sila?" tanong ni Aeiona habang kumakain.

"Hindi ko lang alam, pero sana h'wag na. May shiniship na ako kay Zild" sabi ni Verielle at kita ko ang kilig sa mukha niya, nag-taka naman ako dahil tinignan ako ng mga friends ko.

"Sino naman?' tanong ni Azra. Napatingin ako kay Verielle dahil bigla niya akong tinuro.

"Ito oh!" sabi nito, binato ko naman 'to ng chichirya. I-ship ba raw kami? eh friends lang kami, duh.

"Bakit ako?" sabi ko rito, tumawa naman sila, ramdam ko na namumula ako kaya hindi ko sila tinitignan.

"Bagay naman kayo, ha" asar naman ni Kiya. Isa pa siya, alam kaya niya na gusto siya ni Adam? ayoko naman pangunahan kasi gusto ko si Adam mismo magsabi no'n sa kan'ya.

"Tigilan n'yo nga ako! wait lang may kukunin ako sa locker." tumayo kaagad ako, hindi ko na pala kinwento sa mga friends ko 'yung nangyari kagabi, dahil ayokong mag-alala sila. Nasa field kami ngayon kaya nag-lakad na ulit ako papasok sa loob ng campus para pumunta sa locker ko at kinuha ko roon 'yung ginawa kong cupcakes for Leal. He deserve it, sobrang laki ng pasasalamat ko sa kan'ya dahil niligtas n'ya ako, siguro kung hindi siya dumating ay baka may nangyari na saaking masama. Nakangiti ako habang umaakyat ng classroom at naabutan ko sila sa classroom na nag-uusap, pag-pasok ko ng classroom ay nakatingin sila sa'king apat. Napatingin ako kay Leal dahil titig na titig 'to sa'kin.

"Uhm..." I bowed my head dahil sobrang nahihiya ako na ibigay 'to sa kan'ya, alam kong aasarin nila ako, kaya nilagay ko sa likod ko 'yung dala kong paper bag.

"Hi, Ainsley! what's that?" na patingin ako kay Asher dahil bigla n'yang inagaw 'yung paper bag na dala ko at binuksan. "Woah, cupcake, yoh made this?" nang laki ang mata ko dahil binuksan n'ya 'to, tumango na lang ako at na patingin kay Leal. "Kanino 'to?" he asked more, I bit my lip, sabihin ko ba na para kay Leal? what if asarin nila ako? Nakakainis naman!

"Uhm... Sainyo na nga 'yan!" sabi ko at tumakbo palabas. Tangina, bakit ba kasi ang kapal ng mukha ni Asher, pero okay na rin, kinakabahan din kasi ako i-abot kay Leal, lalo na kasama n'ya 'yung mga friends n'ya.

"Ley" napatigil ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si kuya na nag-lalakad papunta sa'kin.

"Kuya, how's the results?" I asked, binigay n'ya sa'kin yung hawak n'yang envelope, kaya dali-dali ko rin 'yon kinuha at tinignan. Napangiti ako sa result ni Kuya, mataas 'yung nakuha n'yang entrance exam, lumapit ako rito at niyakap s'ya. "Woah, kuya, congrats!" I said, na pa-ngiti naman 'to at ginulo pa 'yung buhok ko, epal talaga.

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now