The End Game

6 1 0
                                    

Naging busy kami ni Leal sa pag-hahanda para sa wedding namin. Dumaan ang Christmas na kasama namin ang Family namin, sa Japan kami nag-celebrate at kasama ko rin sina Mama, Kuya and Azra ro'n, at nag-stay kami sa hotel nila Tita kaya ro'n na kami nag-celebrate ng Christmas. Bago mag-new year ay bumalik muli kami sa Philippines para ro'n namin i-celebrate pero nag-paiwan do'n sila Kuya at Azra.

"Paano ba 'yan, anak. Ako ang gagawa ng gown mo." Nandito kami ngayon sa shop para i-check ko rin 'yung storage room namin. Napangiti naman ako kay Mama habang nag-ssketch siya ro'n. "Bawal mo ito makita, mag-antay ka sa kasal mo." Napasimangot naman ako at akmang sisilipin ko ito pero lumayo siya saakin.

"Mama naman, eh!" napakamot na lang ako at nagulat ako dahil dumila pa saakin si Mama.

"Halika nga rito." Sabi niya at niyakap pa ako at hinimas-himas ang buhok ko. "Ikakasal na rin ang baby girl ko, h'wag mo ako kalimutan bisitahin dito, ah." Tinignan ko naman si Mama at hinawakan ko ang mga kamay ko.

"Mama, h'wag ka po mag-alala, palagi naman po kami pupunta rito ni Leal, eh." Pinunasan ko ang luha ni Mama dahil may tumulong luha rito. "I love you, Mama. Hindi naman po kami masyado malayo sa'yo, eh."

"I love you more, anak. Alam ko, nalulungkot lang ako kasi ako na lang ang matitira rito sa bahay." Niyakap ko ulit siya nang sobrang higpit.

"Mama, pwede ka naman po sumama sa'min kung gusto mo po, welcome na welc-"

"Hindi na, anak, magiging asawa mo na si Rhant at gusto ko matuto at malaman ninyo ang isang buhay na mag-asawa. Basta tandaan mo kung kailangan mo ng tulong nandito ako para sa'yo, anak." Hinarap niya ako sa kan'ya at ngumiti sa'kin. "Masaya ako para sainyong dalawa, hindi ko inakala na kayo pa rin ang para sa isa't-isa." Sa totoo lang kahit ako ay hindi makapaniwala na magiging kami ulit ni Leal, lalo na ngayon na ikakasal na kami. Nag-paalam na rin ako kay Mama na kailangan ko na mag-ayos dahil kinakailangan namin ni Leal na puntahan 'yung bahay na binili namin, mula rin naman 'yon sa business ni Asher kaya buo ang tiwala namin na maganda at maayos 'yon.

Lunabas na rin ako ng shop dahil sinabi ko sa kan'ya na sa labas na kami ng Mall magkita. Agad ko naman ito natanaw kaya tumakbo ako palapit sa kan'ya. "Hello, my beautiful fiance." Napangiti naman ako sa sinabi niya kaya agad ko ito niyakap at hinalikan.

"Heh! tara na, excited na ako makita 'yung bahay natin." Hinila ko na siya papasok ng kotse niya, halata rin kasi sa itsura niya na maganda 'yon, pati rin kasi siya ay hindi pa niya nakikita dahil ang usapan lang nila ni Asher ay bibili kami sa kan'ya at siya na ang bahala mamili no'n.

"You look so happy, baby." Tinignan ko siya habang nag-dadrive, ang gwapo talaga niya kahit na ka-side view lang, sobrang tangos ng ilong niya at ang pungay ng mata niya.

"I just can't believe na mag-kakaroon na tayo ng bahay at ikakasal na tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti ito pero diretso pa rin sa daan ang focus niya.

"Me too, babe. I promise that I will do my best, everything, and anything just to be a good husband." Pakiramdam ko naman na namumula ako sa sinabi niya kaya tumingin ako sa labas ng bintana. Subdivision din pala 'to pero pataas siya, wala rin masyadong bahay dito since pa-bundok ito. Ilang sandali lang ay tumigil na sa pag-dadrive si Leal at agad ako lumabas para tignan 'yung bahay.

"Wow! ito na ba 'yon, babe?" hindi pa rin ako makapaniwala, sobrang ganda ng bahay na 'to, malaki siya parang minecraft house 'yung design niya."

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now