Chapter 4: Super Bright

81 37 7
                                    

Few days passed, hindi pa rin mawala sa isipan ko 'yung sinabi sa'kin ni Zild, bakit naman ako magugustuhan no'n? diba trip lang niya ako?Palagi na rin kami mag-kasama ni Zild and it feels normal na rin sa'kin pati na rin sa friends ko, and ilang araw na rin hindi nag-uusap sila Leal and Zild, hindi ko alam bakit ang taas ng pride niya, pati kaibigan niya pinagbubuntungam niya sa galit niya.

"Zild, kumusta na pala kayo ni Leal?" tanong ko rito, nandito kami ngayon sa library dahil kaming dalawa 'yung leader sa isang group project.

"We're good, I guess" he said calmly, hindi ko na ulit 'to kinausap dahil abala s'ya sa pag-babasa ng book. "Ainsley, are you going with us, later?" he asked me, na patingin naman ako sa kan'ya.

"Saan naman?" I asked, ngayon lang niya kasi ako inaya, eh.

"To my house, I'll show you my collections" he said and smiled, nagulat naman ako sa sinabi n'ya at na excite rin, actually nalaman ko rin na fan din s'ya ng Scrubb at sinabi n'ya sa'kin na marami s'yang collection ng Scrubb.

"Pwede naman, but how about our group reports?" I asked him, malapit na rin kasi midterm namin kaya marami na saamin pinapagawa, since palapit na rin 'yung HUMSS week namin.

"We can do that in my house, don't worry" he said and pat my head. Napangiti naman ako, sobrang comfortable na akong kasama si Zild. He looked Keon, my close friend, I missed that guy, nasa'n na kaya 'yon? hindi na kasi kami nagkita mi. Tinuloy namin 'yung ilang part ng report namin at inayos na rin namin 'yung gamit namin para pumasok sa classroom, half day lang kami ngayon dahil may meeting 'yung mga teachers.

"Ainsley, kumusta 'yung group report natin? na pag-usapan na namin ni Rielle na kaming dalawa sa first part ha" sabi ni Kiya, binigay ko sa kan'ya yung copy ng part n'ya at sinabing aralin n'ya 'yon, sinabi ko na rin na hindi ako makakasabay dahil pupunta kami sa bahay ni Zild. Nag-lakad na ako papunta sa likuran, na patingin naman ako kay Zild dahil seryoso 'tong nakatingin sa'kin pero umiwas din s'ya.

"Let's go?" he asked, I just smiled at lumapit s'ya kayla Rylie and Asher. "See you guys tomorrow, we need to go" sabi n'ya rito at tinapik 'yung mga balikat nila.

"Where you guys going?" tanong ni Riley.

"House, we're gonna continue our group report there, and I'll show my collections to Ainsley" sabi nito. Napatingin naman kami kay Leal dahil tumayo 'to at lumapit sa'min.

"I'll go with you" sabi n'ya. Nagulat naman ako rito, mag-sasalita na sana ako pero hinawak ni Zild 'yung balikat ko at nag-lakad na palabas si Leal. Nag-taka naman ako at tinignan si Zild.

"Bakit kasama s'ya?" tanong ko rito at tinignan si Leal sa labas.

"He's also our group member. I think it's fine if kasama s'ya saatin" he said. Napadabog naman ako, ayokong kasama si Leal, eh! at sa tingin ko naman okay na rin sila ni Zild, pero iniisip ko baka ako naman pagtripan niya. "Don't worry, he won't do anything to you, I'm here" he said and smiled. Nag-lakad na kami papuntang parking lot at nagulat ako dahil nakita ko rin do'n si kuya na kasama si Leal.

"Ainsley, where are you going? and bakit kasama mo 'yan!" he yelled, nagulat naman ako sa sigaw n'ya at tinuro pa si Zild. Kilala n'ya si Tristan?

"I-Isaac" halatang nagulat si Zild kay kuya at na patingin naman ako kay Leal na pumagitna sa kanila.

"Let's go, Ainsley" hinawakan ni kuya ang kamay ko at dali-dali akong bumitaw.

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now