Chapter 18: Mi Amore

76 30 5
                                    

"Nakatulog ka ba nang maayos?" Kiya asked, I looked at her at bumangon na rin ako.

"Hindi eh, sumasakit pa rin 'yung ulo ko." Late na kasi nakatulog, kanina lang kaming madaling araw nakatulog at kailangan din namin gumising nang maaga para mag-tour dito sa Baguio, sabi saamin kahit saan daw pwede namin puntahan basta bumalik daw kami bago mag-evening. Inayos ko 'yung higaan ko, malaki 'yung room namin, kaya anim kaming girls na nandito sa kwarto, kasama ko sila Verielle and Kiya.

"Ainsley!" I looked at Verielle na kakalabas lang ng rest room. "May something ba sainyo ni Rhant?" she asked. I stopped when I heard that question. Naalala ko na naman tuloy 'yung nangyari kagabi 'yung kiniss niya ako sa noo ko, ewan ko kahit sa forehead lang ay sobrang laki pa rin ng impact no'n sa'kin, siguro nakita nilang lahat kaya hindi maalis sa isipan ko.

"Wala" I said, totoo naman na wala, pero nililigawan naman niya ako, at ginusto ko rin naman 'yung nangyari kagabi.

"Anong wala? alam naman namin na gusto ka ni Rhant, do you also like him, Ainsley? alam mo ba nung kiniss ka ni Rhant kagabi, hindi mo alam kung ano reaction ni Zild? grabe! ang lungkot ng mga mata niya kaya, 'yon nag-taka kami bakit umalis." She said, kaya pala after no'n ay hindi ko na nakita si Zild, akala ko pa naman pumunta na siya sa room niya. "Ainsley, do you know, there's nothing wrong if you gonna love someone, pero kung alam mo naman na may isa pa na nagkakagusto sa'yo, you should talk to that person para hindi umasa. We're always here for you, Ainsley, you know that. But I hope h'wag lang darating sa point na pag-sisisihan mo 'yung desisyon mo. Think about it" she said at niyakap ko siya, akalain mo 'yon, si Averielle pa talaga ang mag-sasani no'n? akala ko puro laro lang din siya, pero hindi ko alam na gano'n na rin, ano kaya pinakain sa kan'ya ni Ry? pero tama naman siya, eh. Dapat isipin ko 'to nang mabuti, hindi lang dapat ang puso ko ang susundin ko pati na rin ang isip ko.

Pumunta na kaagad kami sa Burnham Park, marami rin tao ro'n lalo't dito pa kami nag-field trip. "Hoy! picture tayo!" sigaw ni Kiya habang may hawak na selfie stick. Lumapit naman kami ni Verielle at nag-pic kaming tatlo. "Sayang! groupie sana tayo, wala kasi sila Am-"

"Ainsley!" Napalingon kami sa sigaw no'n at nakita namin na tumatakbo sila Ambi, kasama pa 'yung ibang friends namin patungo saamin, kaagad niya kaming sinalubong ng yakap. "Yes! buti pinayagan kami rito! tara picture tayo!" Sabi niya kaya agad kami umayos ng pwesto para mag-picture. Buti na lang ay complete na rin kami, dream place rin namin ang Baguio.

"I'm hungry, let's eat na muna" sabi ni Aeiona kaya agad kami humanap ng makakainan, mamaya na lang kami mag-bboat ride dahil lahat din kami nagugutom na. At sa hijdi kalayuan nakita ko sila Leal kasama rin si kuya ro'n nag-tatawanan sila. Agad ko naman iniwas iyon nang makita ako ni Lsal na nakatingin sa kanila.

"Wow! cotton candy!" tumakbo ako papalapit doon at bumili ako ng cotton candy, ang cute eh, dahil hello kitty 'yung design no'n.

"Pahingi!" Napatingin ako sa umagaw ng cotton candy ko. Nandilim ang mga mata ko nang kuhain niya lahat 'yon at wala nang natira kahit onti, inirapan ko siya at nag-lakad palayo sa kan'ya pero hinawakan niya ang kamay ko. "Where do you think you're going, huh?" he said, inirapan ko pa rin siya.

"Bitawan mo nga ako!" I said pero hindi niya pa rin 'yon binibitawan.

"Hey! can you take us a picture?" may inabot siya sa isang lalaki 'yung camera niya. Tinignan ko lang si Leal na ngumingiti sa camera. "Bakit saakin ka nakatingin 'yon 'yung camera, oh!" he said, nakakainis naman kasi, ngayon gusto niya ako kasama sa picture inagaw nga niya 'yung cotton candy ko, hmp! Tumingin na lang ako sa camera bigla niya akong inakbayan kaya nag-peace sign na lang ako.

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now