Chapter 7: Hero

58 36 3
                                    

"Hey, Ainsley!" napatigil ako sa sigaw ni Kiya kaya masama ko 'tong tinignan. "Kanina ka pa tulala, are you okay?" she asked, nandito kami ngayon sa classroom and break time namin ngayon. Hindi ko naman napansin na kanina pa pala ako tulala dahil hindi pa rin maalis sa isipan ko 'yung picture na nakita ko, hindi ko naman alam kung kanino 'yon kung kay Zild ba or kay Leal, after ko makita 'yon is tinago ko 'yon sa libro ko para matabi ko, siguro tatanungin ko si Zild about do'n or hindi kaya si Leal.

"Uhm, yes, I'm good" ngumiti ako para hindi na rin niya ako kulitin.

"Are you sure? sasama ka ba sa canteen?" tanong n'ya.

"Hindi na muna, tinatamad akong bumaba" I said at kinuha 'yung phone ko. Nag-paalam na muna s'ya na mauuna na sila ni Verielle a canteen. Napapikit na lang ako sa mga nangyari kahapon, dagdag mo pa 'yung biglang pag-alis ni Leal sa kwarto, hindi ko na talaga maintindihan.

"Bakit mag-isa ka?" na padilat naman ako at tinignan si Adam sa harapan ko habang kumakain ng piattos.

"Uhm, ayoko lang bumaba" sabi ko rito, inalok pa n'ya ako ng kinakain n'ya pero tumanggi ako.

"Mag-kaaway ba kayo ng mga kaibigan mo?" natawa naman ako sa tanong n'ya.

"No, tinatamad lang talaga akong bumaba" sabi ko rito at tinignan s'ya. Napaisip naman ako kung tanungin ko kaya s'ya about sakanila ni Kiya?

"Adam, bakit hindi na kayo nag-aaway ni Kiya?" natawa naman s'ya sa tanong ko at halatang kinikilig pa s'ya.

"Wala lang, ayoko na kasi s'yang pag-tripan nakakasawa" sabi nito sabay subo ng kinakain, tinignan ko naman 'to "kasi mamahalin ko na s'ya" Napatigil naman ako sa sinabi n'ya kaya kinurot ko 'to. Ang harot!

"Sabi na eh! may gusto ka sa kaibigan ko!" sabi ko rito habang hinahampas, tawa naman s'ya nang tawa.

"Aray! oo na gusto ko s'ya, basta h'wag kang maingay ha." Sabi nito sabay tayo sa upuan.

"Kahit hindi ko naman na sabihin sa kan'ya mahahalata n'ya!" pang-aasar ko pa, okay naman para saakin si Adam, mabait siya at matalino rin, bagay nga sila ni Kiya, eh.

"Ih basta nah-" hindi na n'ya natuloy 'yung sasabihin n'ya dahil inagaw ni Rylie 'yung kinakain n'ya at tumakbo s'ya palabas kaya hinabol s'ya ni Adam, natawa naman ako sa kanila at na patingin ako kay Leal na nag-lalakad palapit sa'kin at umupo sa harapan ko.

"Have you eaten?" he asked, na pa-kunot noo naman ako. I looked at Zild dahil seryoso rin s'yang nakatingin sa'kin.

"Not yet, hindi ak-" na patigil ako sa inabot n'yang lunch box. "I'm sorry but hin-" hindi cut me off.

"Just eat, Ainsley, or else susumbong kita sa kuya mo" napatigil naman ako sa sinabi n'ya. Bakit naman n'ya ako isusumbong? at bakit ganito na naman s'yang ngayong araw? sinapian na naman ba s'ya? "What? are you just going to stare at me? do you think mabubusog ka?" pang-aasar n'ya, tinarayan ko 'to at kinuha ko na lang 'yung lunch box na dala n'ya. "Good girl" he said, napatigil ako dahil bigla n'yang pinat 'yung ulo ko.

"I'm not a dog" I said at kumain. Napatingin naman ako sa kan'ya dahil tinitignan n'ya lang ako habang kumakain. "Pwede ba, bumalik ka na sa upuan mo? naiirita ako! h'wag mo akong tignan" sabi ko rito, natawa naman s'ya at tumayo. Mabuti naman na umalis na s'ya sa harapan ko, ang awkward kasi na tinitignan n'ya ako habang kumakain eh, na patingin ako kay Zild na nakatitig din sa'kin, kaya mas binilisan ko ang pag-kain ko. "Tangina!" sabi ko at hinanap 'yung water bottle ko, kinuha ko 'yung bag ko at tinignan 'yung bottle ko na wala na pa lang laman.

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now